Chapter 07

911 28 17
                                    

"Oh! Sino pa papabili ng drawing paper?"

Parang nangangampanya itong isa kong blockmate dahil nangongolekta siya ng mga sampung piso para bumili ng papel. May pa surprise drawing seatwork ang prof namin kaya ayun pare pareho kami na walang dalang papel.

"You can pass it until 3pm, at my office."

Lumabas na yung prof at sumabay sa kaniya yung bibili ng mga papel namin. Walang gusto lumabas ng classroom dahil lahat ay gustong makatapos ng drawing. Pagsilip ko sa bintana ay nagbabadya na ang ulan.

"May dala kang kotse?" I asked Nala.

"Alaws, coding now." Sagot nito at abala maglaro ng battlegrounds sa laptop niya.

"Parang tanga," binatukan ko ito. "Hindi nagyayaya." Nilabas ko rin muna yung laptop ko habang hinihintay yung papel na dumating.

Naglalaro kami ni Nala nang biglang kumulog ng malakas. Muntik pa mag blockout yung mga ilaw mabuti na lang at hindi nag brownout. Mawawalan kami ng wifi!

"Hoy takbo!" Siniko ako ni Nala.

Nasa zone na pala ako. Naagaw kasi ng text galing kay Miko yung atensyon ko. Hindi ko muna tinignan iyon at tinapos na lang yung laro since isa na lang ang dapat namin patayin na kalaban tapos namatay pa sa zone.

"Kita ko 'yon, oh." Nginuso ni Nala yung phone ko. "Nako nako! Baka gusto magkwento, baka lang naman."

Inirapan ko lang ito at tinulak palayo yung mukha niya. Nag make face siya bago naglaro ulit. Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung text ni Miko.


From: Mikel

What time will you be out today?


Napatingin ako sa wrist watch ko, it's already 1 p.m. at wala na kaming next class. Kailangan lang talaga gawin yung pinapapasa na drawing.


To: Mikel

Mga 3:30 ganon, bakit?


Nilabas ko na yung mga drawing materials ko nang dumating na yung papel namin. Mabuti na lang at waterproof itong kaklase ko kaya hindi nabasa yung papel. Pinapadrawing ng prof ang point of view namin from our seat. Kaya sinabihan ko yung buong klase na walang lalabas dahil kailangan ma-i-drawing pati mga ulo nito.


From: Mikel

Okay.


"Anong okay?" I asked myself nang hindi niya sagutin ang tanong ko.

Hindi na ako nagreply at nagsimula na mag drawing. Nagkakabanggaan pa ang mga siko namin ni Nala kaya paminsan minsan ay nag sisikuhan kami pero kami pa rin ang unang natapos. Siyempre kapag tapos na ay hindi na namin kailangan manatili doon, bahala na yung iba sa drawing nila.

"Tara na," I rolled the paper at inayos ko na yung mga gamit ko bago niyaya si Nala na lumabas na kami.

"Thank you, ladies." Ngumiti sa amin si ma'am nang maipasa namin yung papel.

Nagpaalam na kami na aalis na kami. Mabuti na lang at tumila na yung ulan kaya kahit wala kaming dalang sasakyan ay hindi na kami mababasa. Nilalabas ko yung cellphone ko sa bag nang sikuhin ako ni Nala sa tagiliran.

"Sandali, ano ba?" Tanong ko dito.

Ginamit niya ang labi at ngumuso sa isang direksyon. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita doon si Miko, nakaupo ito sa isang bench sa may waiting shed. Agad itong tumayo nang makita niya ako at naglakad na palapit sa akin.

If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon