Chapter 23

879 23 4
                                    

"I believe you're trespassing on my land,"

Halos mapatalon ako nang marinig ang boses ni Ysa sa likod ko. Pagharap ko sa kaniya ay ginaya niya yung gulat kong reaksyon, mas naging oa nga lang dahil nga siya si Ysabelle Raegan.

"Excuse me, may karapatan akong tumapak dito dahil ako ang architect." Inirapan ko siya at muling humarap doon sa swimming pool na hindi pa tapos. "Where's the little one?"

"Iniwan ko sa tito niya. Busy ka ba sa weekend? Ikaw naman gawin kong daycare." Tumawa ito at biglang nag puppy eyes. "May shoot sa Norte si de Castro, eh." She was pertaining to Jas.

"May groundbreaking kami sa bukas, pero sige." Agad siyang natuwa sa sagot ko pero bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na. "Basta bawat oras five hundred thousand–"

"Hayop na 'yan." Bulong ni Ysa kaya natawa ako. "Kapag talaga nagka anak ka hindi ko aalagaan. Tapos pag pinili mo akong ninang lagi ko tatakbuhan 'yon."

"Baka magka anak?" I rolled my eyes at nag make face naman si Ysa. "Sunduin ko na lang sa condo mo bukas, morning, hindi naman siguro ako magtatagal sa site kaya isama ko na lang."

Naglakad na ako palabas nang bigla akong matisod sa hagdan dahil may mga nakakalat na gamit ng mga construction workers.

"Oh, my gosh. Hahahahahaha!" Matagal pa akong tinawanan ni Ysa bago ako tinulungan tumayo. "May hangover ka pa, hon?" Nagpipigil ng tawa na tanong niya.

"Ayusin niyo nga ito," sumenyas ako doon sa isang crew ni Kai. "Nasampulan ko na, checked, nakasusugat ang matisod d'yan."

"Wawa naman ang inaalagaan na legs," nag sad face si Ysa bago muling natawa.

"Isang milyon kada oras!" Sigaw ko kay Ysa.

Mabilis akong tumakbo papasok ng sasakyan ko at tatawa tawa nang makitang miserable na ang mukha ng kaibigan ko. I pulled the window down at tinanaw siya sa may gate ng bahay niya na hindi pa tapos.

"I'll pick her up at 8!" Sigaw ko bago nag maneho paalis.

"Bahala ka sa life mo!" Natawa ako nang marinig ang matinis na boses ni Ysa bago ako tuluyang nakalayo.

I quickly drove to the hospital to visit Dad at para dalhan na rin ng pagkain si Mommy.

"Anak ng..."

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa sobrang traffic na nadatnan ko sa main rode. Friday it is and Manila traffic is waving. I decided to just play some music on my player para naman hindi ako maburyo dito at baka bigla ko na lang ipaharurot ang sasakyan ko sa kahit anong butas na pwede kong daanan.

~Minamasdan kita

Nang hindi mo alam~

Bigla kong napindot yung pause nang marinig ang kanta na tumugtog sa player ko.

"The heck, siri." Parang bata na pinagalitan ko yung player. "Sa dinami-dami ng pagpipilian mo..."

Hindi ko ma tinuloy ang sinasabi ko dahil nag greenlight na at basta ko na lang pinindot ang next para ibang kanta na ang tumugtog. Ni hindi ko nga alam na nandoon pala ang kanta na iyon sa playlist ko.

Pass lunch time na nang makarating ako sa ospital kaya nasisiguro ko na yung lunch na dala ko para kay Mommy ay naging miryenda na.

"Salena anak."

Agad akong humalik sa pisngi ni Mommy nang makapasok ako sa kwarto pagtapos ay nilapag ko na yung dala kong pagkain sa side table.

"Ano? Kamusta na si Engineer?" Pabiro kong tanong kay Mommy.

If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon