Chapter 02

1.3K 32 10
                                    

"Hoy! Don't you dare eat that!"

Agad kong pinigilan si Trio na kainin yung slice ng inihaw na pusit na nalaglag mula sa pinggan ko. Kukuhanin ko na sana iyon pero may nauna na sa akin.

"Here, have this instead."

Napatingin ako doon sa lalaking nagbigay ng kapirasong chicken sa aso ko. It was Kai's cousin. He glanced at me before going back to the grill.

"Mika! Swim na, ano pa inaabangan mo?!" Pagtawag sa akin ni Ysa.

Tinapos ko na yung kinakain ko at bumalik ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pagkarating ko sa kwarto ay nandoon din si Kai na nagbibihis.

"Anong pangalan nung pinsan mo?" I curiously asked.

"Type mo?" Ngumisi agad ito, nangaasar.

"Parang tinatanong lang pangalan," I rolled my eyes at her.

"Parang defensive lang," she mocked me and laughed. "Ikaw na magtanong, slow naman." She chuckled then gestured na lalabas na siya after magbihis.

I wore a pair of black bikini perfect for my fair skin. I also tied my hair in a high ponytail para hindi sagabal kapag lalangoy. Nagsuot ako ng cover up bago lumabas.

Nandoon na halos lahat sa may dagat maliban sa pinsan ni Kai at kay Tristan. Nagluluto si Tristan at kada may maluluto ay kakainin din naman niya agad. Ito namang pinsan ni Kai ay abala sa pagbabasa ng libro na parang wala siya sa beach.

"What's up? Are you not going to swim?" I tried to start a conversation.

The guy looked at me like I was disturbing his reading.

"I'm Salena by the way," I offered my hand. "They call me Mika because my second name is Mikayla and that's where they got my nick–"

"Mikel," he shook my hand. He probably got annoyed by my talkative mouth. "Call me Miko." Then he went back to reading.

Magsasalita pa sana ako pero nagulat ako nang biglang tumalon si Trio sa binti ni Miko! Kahit ito ay nagulat dahil biglang humiga iyon doon.

"Hoy! Gaga! Bumaba ka d'yan malandi!" I tried to get her off pero pinigilan ako ni Miko.

"It's fine," aniya. "You can go to your friends."

He gestured at the beach. I hesitated but just nodded bago ko tinanggal ang cover up ko at iniwan sa isang upuan sa loob ng cottage. After, I walked towards my friends who are already playing in the water.

"Naparami ata kain ko," nakangusong ani Tristan habang hawak yung tyan.

"Wawa. Bogus ka kasi, eh," pagaakusa ko dito. "Imbis na magluto ka para sa amin, yung niluluto mo diretso dyan." I pointed at his mouth bago ako lumusong sa tubig.

My friends are now taking some pictures at nang makita nila ako ay agad akong hinila palapit sa kanila. Iniabot naman namin ang camera kay Tristan na hindi na nakapagreklamo. Nag iwan kaming apat ng space sa gitna para kay Nala na hindi nakasama.

"Say bitch!" Sigaw ni Tristan at saka siya bumilang.

Sabay sabay kaming natawa bago sumeryoso para sa maayos na picture. Nakailang kuha pa kami bago kami naghilaan papunta sa malalim na parte ng dagat. Nagbabad lang kami doon sa dagat hanggang sa dumilim ang paligid.

"Is she allowed to swim?" Tanong ni Miko.

Dala dala nito ang aso ko at bahagyang nanlaki ang mata ko nang makitang wala na siyang suot pang itaas. Pasimple ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa bago umiwas para kuhanin ang aso ko.

If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon