"I'm still hoping that one day you'll also call this home,"
Nawala ang atensyon ko sa kanya nang makita ang pamilyar na bagay sa may side table. Lumapit ako sa side table sa tabi ng kama at doon nakita ang maliit na picture frame. It was our picture when we were in Dasol years ago.
Napaupo ako sa kama when I felt that my knees were trembling. I looked at Miko but he was just looking at the picture frame. He then looked at me with tears forming in his eyes.
"I'll just talk to someone," aniya at mabilis na pinunasan ang mata na parang hindi ko pa nakikita. "Please feel at home." I heard him whisper before he got out of the room leaving me here alone.
Lumabas ako sa balcony and I can see the garden from here. There is a small fountain there and a lot of fairy lights around the bushes.
"Such a fool," napapiling kong aniya. Natawa ako kay Miko because he made me design his house without me knowing.
Napatingin ako vanity at napangiwi nang makitang medyo nagulo na ang make up ko. Kinuha ko ang purse ko pero naalala na wala pa akong dala na pang tanggal ng makeup.
"There's makeup remover in the bathroom,"
"Ay puta ka!" Muntik ko pa maibato yung purse ko kay Miko dahil sa gulat.
Napairap na lang ako nang marinig ko siyang tumawa. Padabog akong naglakad papasok sa banyo at agad kong hinanap ang sinasabi niya. Nang matanggal ko na ang makeup ko ay lumabas na ako at nagulat nang makitang walang damit pantaas si Miko.
"Did you like the bathroom?" He asked. "I let your best friend pick the furniture in there," he chuckled
"Tss," agad akong napaiwas ng tingin at kinuha ang purse.
"Where are you going?" He asked habang nagsusuot ng tshirt.
"Lalabas ako. Nagbibihis ka." I rolled my eyes at him. "I'll look around the house, samahan mo ako after you get dressed." Mabilis akong naglakad palabas ng kwarto.
Nagulat pa ako nang makita ang ilang helper ni Miko na naka abang sa labas ng kwarto. May inabot yung dalawang babae na paper bag at tumango bago umalis. When I looked at the paper bags saka ko lang napansin na designer pala ang mga iyon!
Nanlaki ang mata ko nang makita na may mga damit na nandoon. Hindi naman siguro para kay Miko ito dahil pambabae! Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko kaya naglakad na ako palayo ng kwarto.
I went down on the pool area. I was mesmerized by the beauty of this house. There were lanterns on every corner of the ground and the pool is really big. May mini jacuzzi pa sa dulong part.
Gusto ko sana na kuhanan ng litrato ang mga nakikita ko para matignan ko kung nasa akin pa ang plate na ginawa ko para sa bahay na ito sa mga gamit ko. Kaso naiwan ko pala yung purse ko doon sa kwarto at nandoon ang phone ko.
I'd rather stay out here! Mababaliw ako kapag nakasama ko si Miko sa iisang kwarto!
I was just casually looking around when the chef suddenly appeared in front of me. Yumuko ito para magbigay galang kaya nataranta ako at yumuko na lang din.
Akala ko may sasabihin iyon pero nilampasan lang ako nito. Dumiretso ito sa parang mini house sa tabi ng pooldeck. Mukhang doon ang tulugan ng mga helper. Napatingin tuloy ako sa langit dahil wala akong orasan.
Gabi na pala. Sobrang ganda tignan ng kalawakan dahil sobrang dami ng mga bituin. Naipairap ako at nagpasya na lang na bumalik sa kwarto para kunin ang phone ko. I tiptoed my way to the master's bedroom dahil ayaw ko na makakuha ng atensyon mula sa mga helper.
BINABASA MO ANG
If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)
RomantizmIsla Filipinas Series #1 Mikel, a family pride, has a heavy load of pressure on his shoulders as he ventures on his path to be a doctor. His life twisted when he met a girl named Salena, he ought to protect her heart whatever happens until the waves...