Chapter 04

1K 27 9
                                    

"I didn't tell you to smile,"

He tsked and grabbed the phone from my hand nang tumigil ang sasakyan sa traffic light. My stupid ass smiled when said 'ngiti',

"Ngiti is the password," he said while shaking his head and smirking a bit.

"Malay ko ba," napakamot tuloy ako sa ulo ko.

I was pouting at nakasimangot ako kanina nung tinanong ko kaya malay ko ba kung pinapangiti niya ako. Alam ko naman na assumera ako.

"Why ngiti anyways? Isn't that a weak password?" I said. "Too short,"

"No one uses that bluetooth at wala naman sa akin kung weak or strong yung password," aniya habang nakafocus na ulit sa daan. "Ngiti is my favorite song." He added.

"Oh! You like OPM?" I asked. My eyes widened when he nodded. "I'll play music na, ah."

I played my study playlist on my spotify at puro OPM pa ang nandoon. I was just jamming with the music nang biglang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang montessori school.

"Wait lang," tinanggal niya ang seatbelt at bumaba ng sasakyan.

I was looking for a song in the playlist habang hinihintay ko ito, nang mapatugtog ko na iyon ay nakita ko na rin si Miko na may hawak na maliit na bag sa kaliwang kamay at nakahawak sa isang kamay niya iyong kapatid na sobrang cute.

Dumiretso siya sa backseat at pinaupo doon ang kapatid. I looked back and smiled at the little kiddo. I like kids and kids tend to like me kaya hindi na ako nagtaka nang ngitian din ako nitong kapatid ni Miko.

"Ice cream?" Tumingin siya kay Miko with her doe baby eyes.

Napatingin pa sa akin si Miko na parang nagtatanong kung ayos lang sa akin na may iba pa kaming pupuntahan bago niya ako ihatid sa condo ko. Tumango lang ako bago ito pumasok sa driver's seat matapos kabitan ng seatbelt and kapatid.

"What's your name?" I asked the baby girl.

"Miranda," she answered cutely. "You?" She pointed at me with her small fingers.

"Call me Ate Mika," I smiled at her. "Bakit cute 'tong kapatid mo? Samantalang kayong magpinsan mga mukhang..." Hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko dahil masama ang tingin sa akin ni Miko. "Joke," I showed him a peace sign.

"Parang hindi mo sinabi na pogi ako, ah." He scoffed kaya natawa ako.

"That was an insult for my friend," I joked. "Medyo malayo naman kasi yung itsura niyo pero medyo magkalapit din, alam mo 'yon? Pero hindi naman talaga para sa'yo 'yon kaya wag kang–"

"Noisy," sabay kaming napalingon ni Miko sa kapatid niya.

"Hala. Maingay ba ako?" I bit my tongue and looked at Miko before looking back at the kid. "Or do you want to turn the music off?" I asked and she nodded.

Papatayin ko na sana pero pinigilan ako ni Miko. He gave me a no signal bago muling lumingon sa kapatid. Baka ako yung papatayin niya para hindi na mag-ingay?

"You need to learn how to get along with people," aniya sa kapatid. "You will not always get what you want." Dagdag pa nito.

Nakayuko na yung bata kaya naawa ako. Miko reached for the screen at hininaan niya yung music.

"I'll lower the volume so you won't get disturbed but we can still hear the music,"

Tumango yung kapatid niya bago humarap muli si Miko sa daan at nagsimulang magmaneho. Ngumiti ako kay Miranda at ngumiti rin ito na parang nag-sosorry. Tumango lang ako to say that she did a good job.

If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon