"Architect Salena Mikayla García!"
Bigla akong napatayo ng marinig ang boses ni Nala. She was standing in front of my desk habang nakapamewang. I was already at the company pero nakakatulog ako habang nag dadrawing.
"Lutang ka girl? Ang aga aga, ah!" She snapped her fingers in front of me. "Saganang sagana ang eyebags, ah! Parang 'di lang nalasing, parang nakakita rin ng ghost–"
"Ang ingay," I covered my ears at nag make face habang nagsasalita pa rin si Nala. "Ano ba kailangan mo bakit ka nandito? Ang aga aga. Wala ka ba trabaho? Wala ka magawa?" Sunod sunod kong tanong.
"Baka kasi lunch na! Nakasalubong ko sekretarya mo at sinabing tulala ka lang daw diyan sa ginagawa mo." She raised a brow at me. "Ano ba nangyari kagabi? Pakiramdam ko may nangyari, pakiramdam ko lang naman."
She gave me a sharp stare at tinaasan ko lang ito ng kilay.
"Oh, shit! Sabi na, eh!" Nanlaki ang nata niya at tinuro ang mukha ko.
"What?" I asked. Kinakabahan. "Manghuhula ka na pala ngayon? 'Di mo naman sinabi, sana nagpahula na ako ng magiging future ko para nakapaghanda na ako." I rolled my eyes.
"You said your Dad was rushed to the hospital, right?" She asked habang nakahawak sa baba niya yung isang kamay, acting like a detective. "I'm guessing you saw Miko–"
"Hi my beautiful architects!"
Napatigil sa pagsasalita si Nala nang biglang lumitaw si Kai sa opisina ko. Napasapo na lang ako sa noo dahil mukhang hindi ako mabibigyan ng katahimikan ngayong araw.
"Why is my architect stressed out?" Nakangising tanong ni Kai.
"May nalalaman 'to," tumatangong ani Nala na nagpalit palit ng tingin sa akin at kay Kai. "Nagkwento pinsan mo?" Nanlalaki ang mata na tanong ni Nala.
"What? Sinong pinsan? Marami ako noon, eh." Nakangising ani Kai. Nang aasar.
"Gutom na ako," tumayo ako at akmang lalabas ng opisina pero hinila nila akong dalawa pabalik sa upuan ko. "Kung interogasyon ito baka gusto niyo gawing dim yung lights at magsabit kayo ng bumbilya diyan sa harap ko mismo at mag sumbrero kayo na kagaya ng kay grim reaper para naman mukhang thrilling."
Mas lalo lang akong na bwisit nang magkasabay sila na tumawa ng malakas. Parang may narinig akong dalawang demonyo na tumatawa ngayon sa harap ko. Nakakakilabot!
"Tara na nga! Let's eat."
Nauna na akong maglakad sa dalawa at sa sobrang pangit ng mood ko ay wala akong binabati pabalik sa mga nakakasalubong ko. Bago iyon dahil sobrang bait ko nga diba?
"So... About the project," ani Kai habang nag oorder si Nala.
Nandito kami sa canteen ng kumpanya at si Nala ang nagpasyang umorder kaya naiwan kami ni Kai dito sa lamesa.
"What about it, Engineer?" I raised a brow at her.
"We need an architect," she gave puppy eyes and a smile.
"Punta ka sa departamento ko at mamili ka doon, marami doon." I said and rolled my eyes.
Hindi siya nagsalita at nanatiling nakangiti lang sa akin na parang alam niya na sa paraang iyon niya ako mapapapayag tanggapin ang kanyang offer.
"The construction can't start without your design and plan layout," she shrugged her shoulders. "I'm the head Engineer accompanied by Engineer Delgado and Engineer Marquez." Saad pa nito.
"I know that, I read the files." Sagot ko at inabot ko sa kaniya yung folder na nadatnan ko sa opisina ko kaninang umaga. "The president of the Enriquez hospitals reached out," it was Miko's Dad.
![](https://img.wattpad.com/cover/226627236-288-k879682.jpg)
BINABASA MO ANG
If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)
RomanceIsla Filipinas Series #1 Mikel, a family pride, has a heavy load of pressure on his shoulders as he ventures on his path to be a doctor. His life twisted when he met a girl named Salena, he ought to protect her heart whatever happens until the waves...