Chapter 11

852 32 10
                                    

"Uuwi ka na ba talaga, hijo?"

Pinipilit ni Mommy na mag hapunan dito si Miko pero tinawagan siya ng Mommy niya about something kaya kailangan na nito umuwi.

"Next time, Mom." Ako na ang sumagot para sa kaniya.

"Sa susunod na lang po, Mrs García." Miko gave an apologetic smile.

"Call me Tita! Or Mom." Mom laughed. "Oh, siya ingat ka pauwi." Nagpaalam na si Mommy at bumalik na sa loob dala dala na ang stroller ni Trio.

"Text, chat or call kapag nakauwi na." Paalala ko sa kaniya.

He chuckled. "Bye,"

I waited for him to go before I went back inside the house. Nang makapasok ako sa loob ay nakaayos na ang hapag kainan. Nandoon na si Daddy at Mommy at hinihintay ako.

Nagsimula kaming kumain at hindi ko alam kung bakit tahimik. Tanging pag galaw lang ng kubyertos ang naririnig ko kaya tumingin ako kay Mommy, nakangiti naman ito. Nang lumingon ako kay Dad ay abala lang ito sa kinakain.

"Did you say something?" Biglang tanong ni Daddy.

"Ha? May sinabi ba ako?" Tanong ko rin. Napaturo pa ako sa mukha ko.

Umiling lang si Daddy at narinig kong mahinang tumawa si Mommy. Hindi na ako nagsalita hanggang sa matapos kaming kumain. Umakyat na ako sa kwarto ko at inayos yung mga gamit ko.

Babalik na ako sa condo dahil dumadami na ang mga gawain at mas malapit yung condo ko sa school. Hindi na rin naman kailangan ng aso ko ng every minute na bantay. Pwede ko na ulit ito iwan sa yaya niya.

"Ingat, baby." Humalik si Mommy sa pisngi ko.

"Bye na," kumaway na ako kay Mommy saka pumasok sa sasakyan ko.

Inabot ako ng isang oras bago makarating sa condo ko at parang biglang naging tahimik yung buhay ko. Natawa ako dahil mag isa na naman ako dito.

"Sana pala nag share na lang kami ni Nala o kaya ni Kai,"

May sari sarili kaming condo, magkakalapit lang naman pero iba ibang building. We figured out na it's not good to always stick to each other. Hindi naman kasi sa lahat ng oras magkakasama kami kaya mas mabuti ang ganito.

Naligo ako at nagbihis na ng pantulog. Nag set ako ng alarm sa phone ko kasi pinatay ko 'yon nung nandoon ako sa bahay. May alarm clock kasi ako doon. I slept after that.

"Bring out one half lengthwise,"

Agad nagreklamo yung mga kaklase ko. Yung iba ay ayos lang at yung iba naman walang papel.

"Kolehiyo na wala pa rin kayong papel?!" Tanong ni Nala.

"Naglabas ka kasi ng marami," bulong ko sa kaniya at palihim pumilas ng isang papel sa isang bagong bili na one half lengthwise niya.

"Isa ka rin, eh." Binatukan niya ako.

Nataranta kaming lahat nang magsimulang magtanong yung prof. Natahimik tuloy ang lahat dahil nagsimula na ang surprise quiz.

"Miss García," tawag sa akin nung prof. "Collect all the papers at isunod mo sa opisina ko."

"Lah, bakit ako?" Bulong ko sa sarili ko. "Yes, ma'am." Ngiti ko naman sa prof.

Nang makalabas iyon ay agad na akong nagtaray sa mga kaklase ko.

"Ang hindi magbigay, bahala kayo sa buhay!" Sigaw ni Nala.

Napakatagal nilang magpasa at parang nag kukumpara pa ng mga sagot. Nang akmang lalabas na ako ng kwarto ay bigla silang tumakbo sa akin at pumila para ipasa iyon. Tatawa tawa kami ni Nala na nagpunta sa office ni ma'am.

If the Waves Curve (Isla Filipinas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon