The Granddaughter
Chapter: 1
"Ashika!"
Halos mabingi na ako sa kakatawag nila Mama, padabog akong nagmamadaling bumaba.
"Bakit po?!"
"Kanina pa naghihintay si Tyron sa sasakyan, unang araw ng pasukan late ka na!" Reklamo ng kanyang ina.
Umiling ako at kinuha na ang bag, sabay labas nakita ko nga ang kababata ko na si Tyron na naghihintay sa labas ng sasakyan.
"Kanina ka pa?" Tanong ko ng makalapit.
"Hindi naman, yan lang ba dadalhin mo sa school?"
Lumingon ako sa tinuro niya na bitbit ko sa likuran.
"Oo, unang klase pa lang naman. Sigurado ako wala pa masyadong gagawin noh!"
Naiiling na lamang si Tyron at pinauna na niyang pumasok si Ashika.
~
Malaki ang University na kanyang pinapasukan, mayaman ang kanyang mga magulang , ang lolo ni Tyron ay business patner ng kanyang lolo kaya halos sabay silang lumaki, kapag magbabakasyon sa state ay kasama din ang pamilya ni Tyron.
Halos taas noo akong lumakad sa campus, nakikita ko ang mga leeg ng kalalakihan sa pagsunod lamang ng tingin sa akin, tuwang-tuwa ako kapag ganito.
"Nakaka- proud lang." Bulong ko
"Mukhang magka-iba tayo ng section?"
"Huh?" Tiningnan ko maigi ang papel ko at papel ni Tryron sadyang magkaiba nga ang aming mga section.
"Hindi pwede, gumawa ka ng paraan Tyron." Sabay yakap sa braso nito.
Hindi lang kasi friendship ang turingan namin dalawa kundi parang kapatid ko na din dahil wala naman akong ibanv kapatid.
"Susubukan ko, pero sa ngayon behave ka na lang muna."
"Grabe ka maka-behave sa akin ah!" Sumimangot ako at tumalikod
Ngumiti lang si Tyron.
"Sige na ihahatid na kita sa room mo!"
"Fine!" May inis pa din sa tono ko hanggang sumama na sa kanya.
~
Pagkapasok ay tinginan ang mga kababaihan kay Ashika, masyado kasi itong ma appeal at maganda parang hindi mo makikitaan ng kahit na ano sa kanyang mukha.
Bigla napataas ang kilay ko dahil pansin ko ang tingin nila sa akin lalu ng mga kalalakihan.
Hindi ko na lamang pinansin dahil sanay na ako, naupo ako bakanteng upuan.
Magulo pa ang classroom dahil wala pang teacher, isa pa dahil unang araw din ng school ngayon.
"Batuhin mo dali!" Bulong ng isang lalaki.
Hinalimukos niya ang papel na pabilog at ibinato sa isang lalaking nasa likuran ni Ashika.
Napalingon ako, patpatin at mukhang nerd na hindi maintindihan ang itsura. Pansin ko na hindi ito mayaman dahil sa uri ng uniporme na suot, muli ko nakita ang papalapit na papel kaya sinalo ko yun.
Nagulat naman ang dalawang lalaki at tila nahiya.
"Nambubully ba kayo?" Tanong ko sabay tapon sa kanila ng papel.
"Kung wala kayong magawa, kayong dalawa ang mag batuhan!" Lumingon ulit ako sa lalaki ngunit wala itong imik.
Napairap na lamang ako at agad na naupo sa aking desk.
~
"Kamusta first day?"
"Boring." Agad ko sagot kay Tyron at uminom ng juice na nasa lata.
"Mukhang mga bobo mga classmates ko, maliban sa isa. "
"Isa?"
Tumango lang ako at naalala ko si Nerdy na patpatin.
"Hay naku, wag ka na nga magtanong. Yung ipinapaasikaso ko sayo ah!"
Ngumiti muli si Tyron at ginulo ang kanyang buhok.
"Hey anu ba!"
"Ang tapang mo noh!"
Umirap ako,
"Kung hindi ako magiging matapang, hindi ko maipagtatanggol ang sarili ko noh." Sagot ko.
"Okay!"
"Basta lumipat ka na ah!" Dagdag ko
"I will try!" Sabay tawa muli ni Tyron.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomanceIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...