Chapter: 12

61 4 0
                                    

The Granddaugther

Chapter:12

Hindi pumayag si Chairman Yu na hindi private plain ang gamitin ni Ashika kaya napilitan ang dalaga na ito ang gamit nang makauwi sa Pilipinas.

Naka-abang naman si Fil habang bumubukas pa lang ang pinaka hagdan ng eroplanong lulan nito.

Agad niyang napansin ang isang babae na nakabestidang black, may suot na black glasses at malalaking heels na pababa sa eroplano.

Alam niyang ito si Ashika, pero pansin niya na mas lalu yata itong gumanda at mukhang mas mataray ang tindig sa ngayon.

"Who are you?" Tanong ko nang makababa at makita ang lalaking naka full texudo, nakasalamin, pormal na pormal ng ayos.

"Good morning ma'am!" Bati niya

"I'm askin who are you? Hindi ko sinabing batiin mo ako!" Mataray ko pa din na sagot, sorry ganito na talaga ako kahit noong bata pa.

"Bodyguard niyo po ako."

Natawa ako bigla sa sinabi ng lalaking to,

"Hey, kung sa state nga wala akong bodyguard dito pa kaya?" Tinanggal ko na ang sunglass ko at itinaas ang isang kilay.

"Hindi kita kailangan, okay!" Sigurado ako na plano na naman ni Lolo ito, ang pabantayan ako sa mga dapat kong gawin.

"I'm sorry pero kailangan ninyo ako!" Sabay buhat kay Ashika.

"Teka! Hoy ibaba mo ako!" Sigaw ko at panay palag, pero hindi niya ako binaba kundi inayos pa ako ng pwesto.

"Put me down right now! I'm ordering you!" Pero parang walang nadidinig ang lalaking to, at ngayon pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Tulungan niyo ako please! Kinidnap ako ng lalaking to!' Sigaw ko para maka agaw atensyon.

"Tumahimik ka na lang Ms. Tolentino please!" Saway niya

"I will not listen to you! Put me down!" At sinabayan ko ng hampas sa kanyan likuran, pero infairness malaki katawan niya medyo matitigas ang masel, mabango din siya. Pansin ko din kanina na kung walang sunglass ay gwapo siya.

Umiling ako, grabe napag-aralan ko pa talaga ang taong to.

"Sir! Excuse me!" 

Sa nadinig ko parang may humarang na sa amin.

"Please tulungan niyo po ako!" Dagdag ko 

"Kaano-ano niyo po yung babae?" Tanong sa kanya

Binaba niya saglit si Ashika, ngunit hinawakan niya maigi ang kamay nito para hindi makawala.

"Aray! You hurting me!" Reklamo ko.

Napapailing na lamang si Fil, at may dinukot sa kanyang tuxedo at pinakita sa mga guard.

Nang mabasa ay agad na sumaludo ang mga ito.

"Sir!"

"Teka, anu yun hiponotized?" Naiinis ako, bakit ba hindi nila mapigilan ang lalaking ito.

"Tara na!" Sabay hila kay Ashika.


~

"Gutom na ako!" Pero parang walang nadidinig ang lalaking to at patuloy lang sa pag-drive.

"I said i'm hungry!" 

Bigla preno ang ginawa ni Fil, mabuti na lang at naitukod ni Ashika ang paa kaya hindi siya napasubsob.

The Granddaughter( COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon