The Granddaugther
Chapter: 26
"Bakit madaming tao?" Tanong ko sa secretary ko.
"Naku Ma'am, madami po kasi nag apply kaya po ganun?"
"Sa ganitong oras?" Tanong ko, paano ay alas singko na nang hapon pero madami pa din tao...
Napilitan ako lumabas at tingnan, saktong paglabas ko ay pansin ko ang mga nakapila.
"Bakit lahat sila may bulaklak?" Tanong ko sa sarili ko, at hindi lang yun dahil isa-isa na sila nagsilapitan sa akin. Then bigla na lang may tumugtog na music, may mga naggigitara.
Ikaw lang pag-ibig sa buhay ko
Ngunit bakit ka naman ganyan
Walang tiwala sa akin
Mahal na mahal naman kita
Tunay ito, aking sinta
Hindi kukupas kailan pa man
Kahit itanong mo
Kanino man, mahal kitang talaga"Aba anung meron?" Isa- isa nang binigay sa akin ang mga bulaklak, pero sa totoo lang kinikilig ako lalu at ang cute ng kanta.
Gabi-gabi na lang
Sa pagtulog ko
Ikaw lang ang panaginip
Pag ako'y gising na
Ikaw pa rin ang nasa isip
Kahit hindi mo ko kaipiling
Asahan mong sa iyo pa rin
Ang pusong ito
Na iyong inangkinHanggang sa may lumabas na mga lalaki, mga nakasuot sila nang pang military, sabay labas at pakita nang mga nakasulat sa parang tarpaulin.
"WILL - YOU- MARRY-" napataas ang kilay ko
Lalu nang makita ko ang lumabas mula doon. May dalang bouqet at nakangiti sabay hawak ang salitang ME.
Napangiti ako na medyo, naluluha ang mata. Grabe hindi ako makapaniwala,nag po-propose na siya. Bakit ganun yung kilig ko walang mapuntahan.
Nakangiti naman ang Chairman habang pinapanuod ang kanyang apo kung gaano kasaya ito.
Lumapit na si Fil kay Ashika.
"Nanaginip ba ako?"
"Mukha ba akong panaginip?"
Tumulo tuloy luha ko, kasi nagsasama yung kilig at saya ko pati na din yung lungkot na ngayon lang kami ulit nagkita.
"Fil?"
Natawa si Fil sa reaksyon ni Ashika
"Ashika, sabi ko naman sayo babalik agad ako. Pero pinaghandaan ko muna maigi lahat nang ito, para sa atin."
Napakagat labi ako, ayoko muna umiyak. Pero syempre ang tagal namin hindi nagkasama kumbaga naudlot yung pagmamahalan namin dalawa.
"Will you marry me?"
Tumango ako at sakto talagang nagpatakan na ang luha ko sa galak.
"Yes! Na yes! Ito naman na talaga inaantay ko!"
Ngumiti si Fil at agad na sinuot ang singsing na dala niya sa daliri ni Ashika.
"Salamat kay Chairman, binigay na niya ang blessing niya para sa atin dalawa."
"Talaga, ibig sabihin kasabwat si Lolo?"
Natawa si Fil at tumango.
Pero hindi ko na pinansin yun agad ko na siyang niyakap. Nadidinig ko ang palakpakan ng mga tao na naging bahagi ng ginawa ni Fil, pati sila enjoy sa eksenang ito. Pero sympre mas lalu ako dahil ako ang pakakasalan.
"Kiss naman kayo!" Sigaw ng Lolo ni Ashika
"Nadinig mo si Chairman?" Tanong ni Fil
Tumango ako at pumikit lumapat na muli ang labi ni Fil sa aking labi. Feel na feel ko yun with matching kilig to the bones talaga.
~
"hindi pa ako tapos sa inyong dalawa." Bulong ni Tyron habang nasa malayo at pinapanuod ang dalawa
Hindi siya makakapayag na mawala si Ashika sa piling niya, at hindi siya papayag na kay Fil ito mapupunta.
"Akin ka lang Ashika, walang ibang maaaring umangkin sayo. Kung hindi ka mapupunta sa akin, walang ibang makikinabang sa'yo dahil papatayin kita." Bulong niya at ngumisi sabay hawak sa manibela at nagmaneho na..
~
"Congratulations sa inyong dalawa!"
"Lolo!" Sabay yakap ko, grabe yung excitement ko ahh
"Lolo ang daya mo bakit di mo sa akin sinabi?"
"Kapag sinabi ko sigurado hindi na surprise yun?" Sabay ngiti sa apo.
"Salamat Lolo!"
"Ako dapat magpa-salamat lalu kay Filmann!" Sabay ngiti sa binata.
"Salamat sa lahat Fil, at mahalin mo ang apo ko huwag na huwag mong pababayaan."
"Makaka asa kayo Chairman"
"Lolo na, aba magpapakasal na kayo ng apo ko kaya dapat lolo na tawag mo sa akin."
"Sige po Lolo! "Sabay ngiti na din ni Fil
"Hays! Payakap nga ulit Lolo!" Yumakap ko sa kanya ng mahigpit sobra na talagang saya ko sa ngayon. At hindi lang yun dahil matutupad na ang pangarap ko na sa lalaking mahal ko ako makakasal.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomanceIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...