The Granddaugther
Chapter: 8
"Nasaan si Ashika?" Nag aalalang tanong ni Luisit sa kanyang anak.
"Hindi ko makita Papa, ayaw sagutin ang cellphone niya."
Napatingin sila kay Tyron ng dumating.
"Tyron, iho nakita mo ba si Ashika?" Agad na tanong sa kanya.
"Hindi din po, sinubukan ko siyang habulin pero mabilis na siyang nakalayo." Sagot niya.
Napabuntong-hininga na lamang si Chairman.
~
Kakauwi lang ni Fil galing sa party, medyo na Out of Place na din siya lalu at usap-usapan na si Ashika at Tyron.
"Pero bakit siya tumakbo? Ayaw niya ba magpakasal?" Tanong niya sa sarili.
"Ayoko!"
Nagulat si Fil sa biglang pagsulpot ni Ashika, at eto nasa harapan na niya.
"Lagi ka na lang ganyan, bigla-biglang sumusulpot."
Napasimangot ako at naupo,
"Hindi ko alam kung saan ako pupunta, gusto ko muna lumayo kahit saglit."
Lumapit si Fil at naupo sa tabi niya.
"Bago ako umalis, nadidinig ko na pinaghahanap ka na sa mansyon."
Umiling ako at nanlumbaba, nakapatong ang kamay ko sa tuhod.
"Ayoko magpa-kasal at isa pa hindi kay Tyron."
"Bakit ayaw mo? Ayaw mo ba nun, magkakilala na kayo tapos-"
"Tapos anu?" Nakakainis talaga itong si Fil, tumingin ako sa kanya na nakasimangot.
"Iba yung gusto ko okay!" At ikaw yung gusto ko okay! Sa isip ko lang yun, wala akong balak sabihin kasi naiinis pa din ako.
"Kaso, baka bawal sa inyo dahil ipinagkasundo na kayo ni Tyron?"
"Kahit pa, hindi talaga siya yung gusto ko."
Hindi na umimik si Fil at tila natahimik na sa pagitan nila.
"Kung malalaman kaya ng lalaking yun na gusto ko siya, sa tingin mo magugustuhan din kaya niya ako?" Sabay tingin kay Fil
Lumingon si Fil at ngumiti kay Ashika
"Kahit naman sino siguro, ang ganda mo, mabait, matulungin kaso spiloiled." Sinamahan pa niya ng mahinang tawa.
"Ang yabang nito ahh! Uy, hindi ako spoiled ha!" Reklamo ko.
"Talaga? Weh, nasusunod ka nga lagi eh. Pati ako hindi na makatnggi." Ngumiti si Fill
"Pero salamat sa lahat ng naitulong mo, kaso kailangan ko na din dumistansya may boyfriend ka na. Ayoko magseselos si Tyron kasi kaibigan ko kayong dalawa." Kahit ang totoo talagang sinabihan na siya ni Tyron na lumayo kay Ashika.
"Hindi ko siya boyfriend, hindi ako papayag na magpa-kasal sa kanya." Tumayo na ako at pinagpagan ang likurang damit ko. Bago ulit tumingin kay Fil
"Like you said spoiled ako, then uuwi ako para sabihin na hindi ako magpapakasal."
"Talaga?"
"Oo, matapang ako noh! Wala ako inuurungan, kaya ko ipagtanggol ang sarili ko!" Umirap ako at tumalikod na.
"Sandali! Uuwi ka na ba? Gusto mo ihatid kita?" Habol niya kay Ashika.
Huminto naman ako at lumingon,
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomanceIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...