The Granddaugther
Chapter: 6
"Tyron?"
"Yes?" Agad siyang lumingon kay Ashika, pero hindi ito nakatingin sa kanya.
"May problema ba?"
"Meron ka pa bang nilumaan na mga tuxedo mo?"
Tila nagtaka naman si Tyron, pero agad nakabawi at naisip kung saan ito gagamitin.
"Ipapahiram ba kay Fil?"
"Exactly!" Ngiti kong sagot at sumandal sa kinauupuan ko.
"Baka kasi kapag bumili pa ako para suotin niya sa birthday ni lolo eh, baka hindi niya suotin. So ayun na lang naisip ko."
"Meron naman, maghahanap ako bukas."
Tila namilog mga mata ko na may pag-asa,
"Great! Hulog ka talaga ng langit!" Lumapit pa ako sa kanya sabay sandal sa balikat ni Tyron.
"Ashika?"
"Yes?"
"Pano kung, may isang tao magustuhan ang pamilya mo? Then ipakasal sayo, papayag ka ba?"
Nagtaka ako sa sinabi niya kaya agad akong tumingin at napangiti.
"Anu naman naisip mo? At natanong mo yan?"
Bumuntong-hininga lang si Tyron.
"Mukhang seryoso ka?" Dagdag ko.
"Hindi naman, pero- pero kasi ako. Ipinag-kasundo na."
Sabay tingin kay Ashika.
"Talaga? Kilala ko ba? Siguro, si Vanessa? Bagay kayo nun eh!" Sumilay ang ngiti ko, bagay talaga sila ni Tyron pero kami close nun dahil may pagka maldita ang peg.
"Hindi ko kilala, basta nabanggit lang nila Papa at lolo." Pagsisinungaling niya kahit ang totoo alam na niya at si Ashika ang tinutukoy niya.
"Oh i see, baka i-surprise ka! Pero sigurado ako na si Vanessa yan."
Ngumiti lang si Tyron at hindi na umimik.
Muli naman ako sumandal sa kanya, masaya ako kung sino man mkakatuluyan niya, ang tanong magiging masaya din kaya si Tyron?
~
"Anu to?" Tanong ni Fill sa inabot ni Ashika.
"Damit! Di ba sinabi ko sayo na imbitado kayo sa birthday party ni lolo?"
"Teka, binili mo ba to?" Curious niyang tanong.
"Hindi noh! Kay Tyron yan!"
"Ang laki ng katawan ni Tyron, buti kung magkasya sa akin to?"
Natawa ako, mas ma-katawan si Tyron kay Fill. Kasi nga payatot itong kaibigan namin.
"Huwag ka mag alala, pina ayos na yan ni Ashika." Sabat ni Tyron
Napalingon pa silang dalawa ni Ashika at nakita niya si Tyron, sabay lapit agad nito sa dalaga
"Bagay sayo yan." Dagdag nito
Ngumiti ako
"Salamat sa inyo, pero hindi ako sigurado dahil si inay siguradong madami costumer dahil sunday yun."
"Di ba sabi ko huwag muna kayo mag open sa sunday, dahil pupunta kayo?"
"Pero, titingnan pa ni inay. Sayang kasi ang araw na yun."
Bigla na lang ako nalungkot, expectation ko na talaga kasi na pupunta ang buong pamilya nila para na din makita ni Mommy at Daddy.
"Pumunta ka na Bro." Si Tyron.
"Para naman, mag enjoy kami ni Ashika dahil andun ka, alam mo na friends!"
Ngumiti ako kay Tyron, mabuti na lang may taga segunda ako para mapa-payag itong si Fill.
"Ganito na lang, susunod na lang ako pangako. May invitation naman na nasa bahay. I'm sure papapasukin naman ako sa gate ninyo."
Natawa ako nang medyo malakas sa sinabi niya.
"Anu ka ba, kahit walang invitation papasukin ka. Lalu kung ako ang permiso at si Lolo, tsaka lahat invited noh. Walang pinpili ok!"
"Tama si Ashika, kaya dapat pumunta ka talaga mag-eenjoy ka dun."
"Ok, sige na nga. Dalawa na kayo namilit eh, pero inay na lang talaga ng problema baka di ko mapilit sumama yun." Pagpayag niya
"Hayss, sayang naman balak ko pa nga na si tita magluto masarap pa naman mga luto niya, lalu yung kare-kare!" Tumingin ako kay Tyron.
"Sayang di mo matikman yun, ayaw mo kasi sumama sa karinderya nila."
"Nextime promise " sagot ni Tyron
"Ahmm, basta salamat ulit dito sa damit. At pangako pupunta ako, sige punta muna ako sa library."
"Sige, ang sipag mo talaga mag aral " nakangiti ko sagot.
"Kailangan, para kay inay. Maiwan ko na kayo." Paalam niya at tumalikod na.
Nakasunod naman ako ng tingin sa kanya, hanggang sa makalayo na. Bigla na lamang ako nalungkot...
Pansin yun ni Tyron kay agad na hinawakan ang kamay ni Ashika.
Napatingin ako kay Tyron at ngumiti.
"Halika na, vacant time na." Yaya nito.
"Ok!" Sagot ko na lang at sumama na sa kanya.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomanceIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...