Chapter: 9

56 2 0
                                    

The Granddaugther

Chapter: 9

Halos tirik ang araw ng umahon siya sa swimming pool, parang araw din ang sikat ng kaputian pati ang kagandahan ng mahubog na katawan nito.

Agad na sinalubong ng katulong para iabot ang roba niya.

"Salamat!" Sagot ko at naupo, sabay ng sunglasses.

"Ma'am?"

"Yes?" 

"Tumawag po si Lolo ninyo, pinapatanong kung kelan daw po ninyo balak umuwi?" 

Bumuntong-hininga na lamang ako, 10years ago na lagi na lang sa mga katulong ko pinapadaan ang mga sasabihin ko at sasabihin ni Lolo. Sobra ako nagtampo  sa kanya, isa pa lumayo ako mula sabay ma-aksidente ang mga magulang ko.

Sa state na ako namalagi, hindi na din na ako masyado nakikipag usap kay Tyron mula ng umamin siya sa totoong nararamdaman niya.

And i don't care.

"Pakisabi na lang may fligth ako by sunday." 

"Sige po ma'am." 

Naiwan ako mag-isa, parang ang bilis ng panahon. Dati isang teenager lang ako na masyadong bida-bida, spoiled brat at hindi pwedeng hindi masunod ang gusto ko. Pero syempre mabait ako, hindi ako tinuruan ni lolo maging madamot or kahit na ano basta isa lang lagi sinasabi niya tumulong sa kapwa kahit mayaman.

"Kaya na miss ko bigla si Fil." Bulong ko,

~

10 years before.

"Hindi na daw po kayo pwede pumasok seniorita."

"Anu?" Napataas ang kilay ko sa pagtataka, bakit hindi ako papasok.

"At bakit?"

"Dahil inutos ko, para hindi mo na makita yung lalaking kinagigiliwan mo." 

Napalingon ako at nakita si Tyron.

"Pwede ka na lumabas." Utos ni Tyron sa guard.

"At sino ka, para sabihan ako ng ganyan?"

"Baka nakakalimutan mo na fiance mo na ako Ashika."

"Pwes, baka nakakalimutan mo din na hanggang friends lang maibibigay ko!" Sagot ko at lumakad palapit sa pintuan, ngunit humarang siya.

"What the?"

"Hindi kita papayagan, hindi ako papayag na magkita ulit kayo ni Filmann."

Naiiling ako sa mga sinasabi niya, anu ba nangyayari kay Tyron. Siya yung kababata ko na kakampi ko sa lahat ng bagya, tinuring ko na kuya dahil mabait siya at walang pinakitang masama. Pero ngayon parang ibang Tyron na ang nakikita ko.

"Anu ba problema mo?"

"Dahil mahal kita, simula noon pa kaya pinili ko na mapalapit talaga sayo. At ngayon na ikaw ang mapapangasawa ko, lulubusin ko na ang mga pagkakataon."

"Your crazy!" Sigaw ko

"At anu! Hindi ako papayag na ang isang payatot na hampaslupa na yun ang magugustuhan mo!" Sabay hawak sa braso ni Ashika.

"Anu ba!" Reklamo ko at piglas, nakawala naman ako sa kanya at lumayo. Parang hindi ko na talaga kilala ang lalaki na nasa harapan ko.

"Hindi ako papayag Ashika, hindi ka naman pinapansin ni Fil kahit na anong papansin mo!" 

"Get out! Get out now!" 

Ngumiti lang ito at tumalikod, ngunit humarap muli.

"I'm telling you. You're mine." At tuluyan ng lumabas si Tyron.

Napahinga ako ng malalim, biglang nagbago si Tyron dahil sa kasunduan na yun at si Fil. Tama siya si Fil ang lalaking gusto ko, kahit alam ko na hindi ako masyado napapansin nito. Palagay ang loob ko sa kanya kaya ko siya tinutulungan, pero ngayon pano ko ulit siya makikita?

Bigla ako napapunas ng luha sa pisngi ko, 

"Hindi na ako bata ngayon, at mas kaya ko na sarili ko sa ngayon." Bulong ko.

~

"Pero Chairman, kailangan niyo na talaga ng personal bodyguard." 

Ngumiti lang si Luisito na tila hindi nangangamba sa kanyang buhay, lalu at ilang beses na ito nanganib.

"Hindi nga ako mamatay-matay, gusto ko na din makauwi si Ashika para lang kahit paano ay makasama ko siya kung talagang mamatay na ako."

"Chairman naman, huwag nga kayong ganyan." Sagot ng kanyang secretary na talagang pinagkakatiwalaan ni Luisito.

"Pero ikukuha ko na talaga kayo ng bodyguard ninyo."

"Iniisip ko si Ashika, panu kung pati siya ay manganib ang buhay?"

"Hindi bale, may kilala akong magaling na maaring magbantay sa inyong dalawa ng apo mo." Nakangiti nitong sabi

"Talaga? Sana nga magaling yan, kaso baka di naman makayanan ang ugali ni Ashika?"

Natawa nang tuluyan si Ronald, kilala niyang bata si Ashika at tila hindi nagbago ugali nito lalu ang pagiging pilosopo, wala nga din magawa ang lolo nito lalu sa kasunduan ng dalawang pamilya.

"Pero namimiss ko na siya, gusto ko na bumalik kami sa dati. Yung dati na tawanan at hindi samaan ng loob."

"Naiintindihan ko kayo Chairman, huwag kayong magalala. Sigurado ako dahil nasa tamang edad na siya, marahil namimiss din kayo."

Ngumiti na lamang ang Don at tumango sa kausap.

#AuthorCombsmania

The Granddaughter( COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon