The Granddaugther
Chapter: 16
Walang imik sa pagitan nilang dalawa, nauna na niyang ihatid si Ronald. At balak pa ni Ashika na dumaan sa Hospital bago makauwi, sinusulyapan niya lang ito sa front mirror. Nakikita niya si Ashika na nakatingin s bintana at tahimik.
"Bakit ba tingin ka ng tingin sa akin?" Naiinis kong tanong sa kanya
"Ikaw yata tumitingin sakin, bakit mo alam?"
Nilingon ko si Fil,
"Pilosopo ka din noh?"
"Ma'am, sinagot ko lang po tanong ninyo."
"Hmmp! Nakakainis." Di na ako umimik at humalukipkip na lamang.
Ngumiti lang bahagya si Fil, maganda pa din tlaga si Ashika kahit nakasimangot, parang hindi nababawasan ang ganda.
Bigla siya napatingin sa kanyang relo, nag red light kasi yun.
Kaya nagmadali siya mag drive.
"Teka, bakit bumibilis tayo?"
Hindi na siya umimik, kailangan niya makapunta sa Hospital.
"Tinatanong kita?"
"Mamaya na kita sasagutin kailangan na natin makapunta sa Hospital agad." Sagot niya
Kinabahan naman ako sa sagot niya,
"Wala na bang ibibilis itong kotseng ito! Baka kung napapano na ang lolo ko!"
"Mag relax ka lang."
"Pano ako magre-relax ha? Lolo ko pinag uusapan dito!" Sagot ko
Hindi na umimik si Fil, malapit na din naman sila sa Hospital.
Nakarating na sila at mabilis na bumaba si Ashika.
"Ashika!" Tawag niya ngunit hindi siya pinansin nito, kinuha niya agad ang baril at mabilis na pumasok sa Hospital.
Halos wala naman akong tigil sa pagtakbo, nagmamadali na talaga ako at baka kung anu ang nangyari kay Lolo, nang biglang may humila sa akin.
"Anu ba!"
"Sshhhsss!" Saway ni Fil
"Dito ka lang, ako na pupunta baka mapaano ka pa." Bulong nito, at tumingin sa paligid. Nakahanda na ang baril nito at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ng Chairman, huminto na din ang red alert ng kanyang relo.
Dahan-dahan naman ako sumilip at nakita ko na nakapasok na si Fil sa kwarto ni lolo, kinakabahan talaga ako.
Madilim ang paligid nang pumasok siya, agad na sana niyang bubuksan ngunit mabilis siyang nakailag nang may hahampas sa kanya ng upuan, napindot niya ang switch.
"Chairman!" Siga ni Fil.
"Hay, ikaw pala iho?" At agad na inalis na binaba ang upuan,.
"Chairman, may nangyari po ba?"
"Mabuti na lang nasa banyo ako nun, may nakita akong pumasok na mga lalaki. Binaril nila higaan ko, nakapag tago naman ako, hindi ko namukhaan."
"Lolo!" Agad ako lumapit at yumakap.
"Dapat mailabas na kayo dito, delikado." Sabat ni Fil
Lumingon ako sa kanya.
"At saan naman?"
"Kung saan mas ligtas, hindi sila titigil hanggat hindi nawawa si Chairman. At sigurado na isusunod ka nila."
"Anu?!"
"Tama si Fil iha, maaaring kalaban ko sa kumpanya ang maaring magpa patay sa akin."
"Pero Lolo, kailangan na natin malaman kung sino nasa likod nito."
"May lead na kami "
"At sino?" Tanong ko kay Fil
"Si Homer Chua." Ang Chairman ang sumagot sa tanong ni Ashika
Napalingon ako kay Lolo
"Matagal na ba ninyong alam?"
"Nagkaroon na kami nang hindi pagkaka unaawaan, bumaba na din ang mga hawak niyang kumapanya. Nasira din dahil na din sa kasunduan na plano namin."
"Nang dahil lang dun papatayin niya kayo? Nasaan ba ang matandang yun?"
"Ang alam ko nagpapahinga lang din siya, dahil si Tyron na ang may hawak ng pwesto niya "
"Dapat siyang ikulong! Hindi pwede ang ganito!"
"May lead na nga kami, kaya hinahanap pa namin siya. Magkakaroon ng investigation kay Tyron para malaman kung nasaan ang lolo niya." Si Fil.
Napailing na lamang ako, nang dahil lang sa hindi natuloy na kasalan at eto buhay nagiging kapalit.
~
"Hanggang ngayon, ganun pa din si Ashika." Nakangiting sabi ni Tyron habang naninigarilyo.
"Ang tapang niya pa din lolo, akalain mo yun." Sabay lingon sa kausap.
"Hindi niya kasi tinupad yung hiling mo, kailangan niya tuparin yun. Kailangan siya lang maging asawa ko. Ako lang dapat, pero may asungot pa. Dumating na si Fil kailangan ko muna siya mawala sa landas ko bago mapunta saakin si Ashika." Sabay ngiti.
"Di ba lolo? Eto yung matagal mo nang hiling, ang mapasa atin ang kumapanya ni Luisito Yu! Na ikaw ang maging Chairman, na mapasa-atin ang lahat ng kayamana niya." Sabay tawa nang malakas.
Hindi namam umiimik ang kausap nito dahil isa na itong bangkay.
"Hayaan mo lang Lolo, gagawin ko ang lahat sa ngayon. Mag pokus muna ako kay Filmann, kailangan mawala muna siya dahil magiging balakid lang siya sa mga plano ko."
Muling humithit sa sigarilyo at binuga sa bangkay ng kanyang lolo.
~
"Pansamantala na dito muna si Chairman."
"Anu to condo mo?"
"Oo, pero hindi ako lagi umuuwi dito. Binili ko lang to para sa future ko."
"Future na anu? Future family?" Lumingon ako kay Fil, busy lang siya sa mga inaayos niya na gamit.
Mabuti na lang mababait lahat ng agent na kasama ni Fil, siya ng pinaka mataas at masasabing kong hinahangaan ng madami.
"May girlfriend ka na ba?"
"Bakit mo tinatanong?"
"Boss mo ako kaya may karapatan ako magtanong noh?"
"Meron."
Natahimik ako sa sagot niya, bakit ang sakit.
"May gf na siya, bakit parang tinusok ang puso ko."
Nagtaka si Fil dahil hindi na umimik si Ashika kaya lumingon siya,
"Bakit tumahimik ka?"
"Natanong ko na yung dapat ko itanong eh."
"Baka may gusto ka pa itanong?"
Naiinis na talaga ako sa kanya, may balak ba talaga na i share pa sa akin ang lovelife niya pero sige magtatanong pa din ako.
"May nangyari na ba sa inyo?"
"Nino?"
"Nang gf, bakit may iba pa ba?" Naku nakakainis ka na talaga, don't tell me naging babaero ka na.
"Wala." Sagot nito at kinuha na ang mga gamit.
"Let's go, para makapagpahinga ka na nang maayos"
Nagpakawala na lang ako ng hangin at naunang lumabas sa kanyang condo.
Napangiti naman si Fil, sigurado siya nagselos lang ito sa mga sagot niya.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomanceIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...