The Granddaugther
Chapter: 25
Naglalakad ako patungong office, halos lahat nakatingin sa akin. Medyo isang buwan na din mula nang hindi kami nagkikita ni Fil, namimiss ko siya syempre pero kailangan muna namin talaga maglayo at sigurado na mag aalala lang siya palagi.
Mabilis ako pumasok sa conference room, nakatayo na ang lahat nakita ko din si Lolo at ako na ngayon ang bagong Vice nang Kumpanya ni Lolo.
"Good morning everyone! Bago tayo mag start, gusto ko muna alamin kung wala na bang gagawa ng kalokohan sa lolo ko?" Well alam naman talaga nila na prangka ako.
Pasimple na natawa ang Chairman sa bungad ni Ashika, at mga naroroon ay parang nagulat sa sinabi niya.
"Huwag na kayo magtaka kung bakit ako nagsalita ng ganito? Dahil kapag isa sa inyo ang nagkamali, sinisigurado ko na may paglalagyan." Sabay taas ng kilay
"Promise po ma'am Ashika! Wala po!"
Ngumiti ako.
"Mukhang nagkakaintindihan naman tayong lahat, so!"sabay tingin kay Lolo
"Start na tayo Lolo!" At nauna na akong umupo.
~
"Kayang-kaya mo ba talaga ang pwesto mo?" Tanong ni Luisito kay Ashika.
"Okay naman ako Lolo, besides it's my first day!" Ngumiti ako at tumingin sa paligid, ito ang dating opisina ni Mommy. Ang tagal nang panahon mula mamatay siya ay si Homer na ang pumalit sa kanya.
"Si Mommy mo, ayaw din niya dito."
Natawa ako dahil tila nahulaan ni Lolo na iniisip ko si Mommy,
"Bakit naman lolo?"
"Dahil ang gusto niya ay maging chef, mahilig magluto si Mommy mo. Kaso, iisa ko lang siyang anak kaya siya ang pinaupo ko sa pwestong ito."
"About nga pala sa lovestory nila? Pano sila nagkakilala ni Daddy?"
"Bakit hindi ka ba nagtanong sa kanila?"
"Hindi lolo, alam mo naman ako. Wala naman talaga ako hilig sa lovelife, maliban nang dumating lang si Fil sa buhay ko."
"Hayy naku iha, si Daddy mo ay simpleng empleyado lang dito. Mukhang nagmana ka nga sa mommy mo, kasi dati parang lagi lang pinag kakaisahan si Daddy mo dito." Natawa bigla si Luisito.
"Mukhang kinikilig kayo ah?"
"Wala lang, hindi naman siya chinese lalung hindi din mayaman pero pinili siya ni Mommy mo at talagang minahal niya ang daddy mo."
"Parang tulad kay Fil, ang hirap pala talaga kapag inlive lolo."
"Mahal ka din ni Fil, nakikita ko yun sa mga mata niya lalu noong andun ka kay Tyron." Sabay tingin kay Ashika
"Kelan ba siya babalik?"
"I have no idea lolo, sa totoo lang hindi siyang gumagawa ng way para i-contact ako or kung paano ako kakausapin. Basta wala lang " bigla ako nalungkot, hindi na yata ako sanay na wala siya sa tabi ko.
"Babalik din siya, sigurado ako hindi ka matitiis ni Fil. Mahal na mahal ka niya."
"Si lolo talaga, ayoko muna umasa. Alam ko na mahal niya ako pero sa totoo lang mahirap din na umasa dahil sa trabaho niya, tulad nga ng sabi niya delikado."
Pinilit ko na lang ngumiti para hindi na mag alala si Lolo,
"Basta iha,naniniwala ako na gagawa ng paraan si Fil para muli kayo magkita." Sabay ngiti ni Luisito.
"Mauwan na muna kita."
"Sige po Lolo."
Naiwan na ako mag isa, sumandal ako at nag isip.
"Kamusta na kaya siya?" Bulong ko at patuloy pa din iniisip si Fil.
~
"Anak, hindi mo ba dadalawin si Ashika?"
Ngumiti si Fil sa kanyang inay.
"Humahanap lang po ako ng tyempo isa pa may inaasikaso lang po talaga ako."
Naupo si aling Medy sa tabi ni Fil,
"Masaya ako at nakikita kitang ngumingiti."
"Sobra kasi kaligayahan ko, lalu ng tanggapin na ni Chairman ako kay Ashika. Hindi pa nga lang niya alam, pero malalaman din niya kaso surprise muna sa ngayon."
"Mukha nga, masaya talaga ako para sayo anak. Atlis si Ashika pa din talaga ang makakatuluyan mo."
Ngumiti si Fil at yumakap sa ina
"Salamat inay, salamat sa lahat ng suporta ninyo."
"Basta para sayo, ang dami mo nang naitulong sa akin at sa mga kapatid mo. Maswerte akong nagkaroon ako ng anak na tulad mo."
"Salamat inay, kahit ako maswerte kahit hindi tayo mayaman atlis mahal natin ang isa't-isa."
Tumangi si Aling Medy at mas lalung humigpit ang yakap kay Fil.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomansaIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...