The Granddaugther
Chapter: 18
"May mga damit ka na diyan na pwede mo muna suotin sa ngayon."
"Bakit? Hindi ba ako pwedeng pumasok?"
"Hindi ka papasok, hangga't hindi pa nakikita si Homer."
"No! Hindi ikaw ang Boss dito kundi ako, papasok ako para harapin si Tyron!" Taas tono kong sagot at tumayo sabay lakad pero hinawakan ako ni Fil sa braso at agad na hinila, napasubsob ako sa dibdib niya and Yes naamoy ko ang kakaibang pabango na yun.
"Ashika! Hindi ka na bata maliwanag, gumagawa na nang operation ngayon ang mga kasama ko para mapuntahan sa bahay si Tyron."
Napahinto ako saglit, gusto ko pa din magreklamo pero nawawala dahil na din sa kakaibang nararamdaman ko. Pero agad din ako napaatras, ayoko na umasa sa kanya lalu at may nobya naman ang lalaking to, kahit gusto ko pa siya bawiin noh pero hindi na ayoko na mag expect.
"Dito ka lang, kumpleto ang gamiti dito at pagkain. Kasama ako para matapos na lahat ng ito." Sagot niya at humakbang.
Lumingon ako nang makita kong nag aayos na nang gamit si Fil.
"Kapag natapos na ba ito, aalis ka na bilang Bodyguard ko?" Parang may lungkot na kaakibat sa akin yun, kapag natapos na kasi ito siguradong hindi na kami magkikita at sigurado ako na magiging pokus na siya sa nobya niya.
"Oh my god no!" Bakit ba kung anu anu ang pumapasok sa isipan ko ahh.
"Hindi naman talaga ako nagtatagal sa mga binabantayan ko, trabaho ko na proteksyunan ang isang tao at alamin ang puno't-dulo. Kaya kapag natapos na yun, tapos na din tungkulin ko." Sabay balik niya sa ginagawa niyang pag aayos.
"Fil."
Lumingon si Fil kay Ashika, hindi niya alam pero ang rekasyon nito ay parang nakita niya na noon. Yung mga araw na pinaghihiwalay na sila ganitong-ganito ang mga mata niya.
"Bakit?"
Gusto ko magsalita pero parang may bikig na sa lalamunan ko, hindi ko magawang mabuka ang bibig ko at sabihin mga dapat sabihin.
Ayoko na siya umali sa tabi ko, malulungkot ako sobra kahit na inis at galit ako sa kanya.
"Ashika?" Napalapit na si Fil, bigla na kasi ito hindi nakaimik kaya nag alala lang siya.
"Okay ka lang ba?"
Hindi ako nagsalita kundi agad ko siya hinalikan sa labi, grabe ahh ibang-iba na yung dating ng labi niya hindi na tulad ng dati.
Nabigla man si Fil pero agad din nakabawi, una pa lamang nakita ang dalaga ay gusto na itong mayakap at mahalikan. At ngayon si Ashika pa mismo ang humalik,
"Ibig bang sabihin, mahal pa din niya ako?" Sa isip lang ni Fil at hindi mapigilan ang yakapin si Ashika, talagang nadadala na siya sa halik nito.
Gusto ko na bago lang man siya umalis sa tabi ko may magawa ko talaga ang bagay na ito, naramdaman ko na hiniga na niya ako sa kama. Ramdam ko ang init ng halik ni Fil at ang excitement?
"Oo nga pala, wala pa nagyayari sa kanila nang nobya niya, sorry mauunahan ko siya." Lanyang pag iisip ito anu ka ba Ashika bakit ganyan nasa utak mo.
Huminto si Fil at tumitig kay Ashika, ilang beses muna siya napalunok. Dapat pigilan siya nito o tumanggi dahil kapag nagkataon siguradong lalagpas na siya sa limitasyon at pagbibigyan ang init na namumuo sa katawan niya.
"Ashika?" Halos paanas niyang tawag sa pangalan nito at titig sa mga mata.
Alam ko na talagang nag iinit siya, kaya kinagat ko lang ang pang ibaba kong labi para mas lalu siya maakit sakin.
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomanceIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...