Chapter: 19

53 3 0
                                    

The Granddaugther

Chapter:19

Saglit kong hininto ang kotse, sabi kasi ni Filmann dito daw ako maghintay. 

"Bakit ba kinakabahan ako?" Bulong ko, inaantay ko siyang magtext pero walang text. Hindi ko din alam kung anu naging balita sa misyon niya, 

"At kung bakit niya ako biglang pinaalis sa lugar niya." Bulong ko muli.

Nagulat na lang ako bigla nang may magbukas nang kotse.

"Lipat ka na" utos ni Fil.

"Kung makapag utos ka ah?" Sagot ko pero agad ko napansin ang sugat niya sa braso.

"Teka? Napano ka?" Tanong ko, 

"Mahabang istorya." Sagot ni Fil saglit siyang napahinto sa paghawak ng manibela, naalala niya ang mga kasamahan matagal na silang magkakasama sa team pero ito lang ang tila nagpa lungkot sa kanya.

Lalu si Eric na naging matalik niya ding kaibigan, nanghihinayang siya at walang nagawa.

"Fil?" Hinawakan ko ang kamay niya, pansin ko kasi na malungkot at problemado siya.

Lumingon si Fil at malungkot na ngumiti.

"Hindi ko alam gagawin ko?" 

Ito ang Fil na nakilala ko, ang lalaking una ko nakita sa School, ganitong-ganito ang awra niya noong binubully siya. Pero ngayon mas grabe ramdam ko kung anu man ang nasa loobin niya.

Agad ko siyang niyakap.

Hindi din naman tumanggi si Fil at niyakap din niya ito. Mas kailangan niya nang kayakap para kahit paano may makaramdam ngayon nang pinagdadaanan niya.

"Hindi ko man alam ang dahilan, pero alam ko na mabigat ang pinagdadaanan mo ngayon." Bulong ko sa kanya.

Huminga ng malalim si Fil, ngunit nawala din nang may biglang nagpaputok ng baril sa kanila.

Bigla ako napayuko.

"Teka may bumabaril ba sa atin?" 

Agad na humawak si Fil sa manibela at pinaanadar, 

"Ashika yung bag, buksan mo at kunin mo mga baril ko!" Utos niya

Napatango na lamang ako at agad na inabot ang bag niya,

"Kaya pala mabigat to kanina!" Reklamo ko, 

Biglang lumiko si Fil dahil nagpaputok muli ng baril, 

Halos madulas naman ako sa kinalalagyan ko,

Napalingong si Fil, nakita niyang nakatuwad si Ashika.

"Ashika bilisan mo!" 

"Hintay ha! Nakatingin ka lang yata sa likuran ko!" Naabot ko na ang bag at binuksan yun, nakuha ko lang ay parang AEK-918.

"Oh!"

"Dito ka bilisan mo!" Utos niya muli

"Teka maghintay ka ahh!" 

Umalis na si Fil sa manibela kaya nagmamadali ako magpunta para mag drive.

"Hayss, wala ako pinangarap na ganito!" Sigaw ko

Agad na may pinidot si Fil, umangat ang pinaka bubungan ng kotse  at mabilis siyang nagpaputok.

May lumabas din sa kabila at muling pinaputukan sila.

"Ashika, kanan!"

"Kanan-kanan!" Sabay liko ko nang manibela, natataranta na ako,

"Ayoko pang mamatay Fil!" Sigaw ko

Naiiling naman si Fil, at mabilis na yumuko. At nagpunta sa likod, may kinuha siya na granada.

"Bilisan mo lang ang pag drive!"

"Anu pa ba ginagawa ko! Halos lumilipad na nga tayo!" Naiinis na ako habang nagda drive.

"Bakit ba nangyayari sa akin to ngayon, ayoko pa mamatay talaga!" 

"Tumigil ka nga Ashika!" Saway ni Fil at binuksan ang pintuan..

"Hoy!" Tawag ko, pero hindi naman ako pinansin.

Mabilis si Fil na tumaas at agad na tumalon pakabilang kotse, sinuntok niya muna ang may hawak ng baril at mabilis na gumulong pakabila, may pangkapit ang kamay niya kaya hindi siya nalaglag, isang sipa naman kaagad at nakapasok siya sa loob.

"Shet! Delikado ginawa niya ahh!" Bulong ko pero tuloy pa din ang pagmamaneho ko.

Siniko naman ni Fil ang dalawa niyang kalaban at mabilis na iniwan ang granada. At agad na tinadyakan ang pintuan, ikinapit niya ang kamay doon hanggang sa matanggal ang pintuan yun ang pinaka naging sasakyan niya habang nakakapit oa sa kotse 

Nakita ko si Fil kaya mabilis kong niliko ang kotse pabalik, sinalubong ko ang kotse kung saan naroroon si Fil, binuksan ko ang pintuan.

"Great Ashika." Bulong ni Fil nang makitang malapit na ang kotse ni Ashika ay nagpadausdos na siya hanggang sa kumapit ang kamay doon. Sabay sabog ng kabilang kotse.

"Oh my god!" Sigaw ko, akalain ko ba na sasabog yun. Mabuti na lang nakuha ko na si Fil.

Nakita ko na siya na umaakyat at mabilis na sumandal sa likuran.

"Ayos ka lang ba?" 

"Oo. " sagot niya, pero ang totoo mas lalu pang dumugo ang sugat niya.

"May isa pa akong hideout, walang nakaka alam noon kahit sino, doon muna tayo".

"Fine! Sabihin mo na lang sa akin at ako na mag drive." 

Tumango lang si Fil at may inabot kay Ashika, kinuba naman ni Ashika yun at binasa.

Nagulat ako sa binigay niya at agad na lumingon, pero hindi na ako umimik at agad na nag drive na.

~

"Iisang tao lang hindi pa talaga namatay!" Sigaw ni Tyron.

"Sorry boss!"

"Hanapin niyo silang dalawa, huwag kayong titigil! Kailangan muna makasal sa akin si Ashika bago ko makuha lahat ng kayamanan niya pati ang kumpanyan!"

"Ngayon na ba boss?"

Lumingon si Tyron sa tauhan niya at agad na binunot ang baril sabay baril sa ulo nito.

Nagulat ang mga tauhan niya ngunit agad nang nagsilabasan.

Halos hindi siya makapaniwala na makakatakas pa si Filmann sa mga bombang yun, 

"Tanga ni Ronald namatay na lang agad." Sabay ngiti at na naupo. 

Pinagmasdan niya ang litaro ni Ashika.

"Hindi ka mapupunta ka Fil, nangako ako sa sarili ko na akin ka lang. Akin ka lang Ashika, walang ibang lalaking makikinabang sayo kundi ako lang." Sabay ngisi at nilapag muli ang litrato nito.


#AuthorCombsmania

The Granddaughter( COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon