The Granddaugther
Chapter: 10
"Mr. Blanquera!"
Napalingon si Fil sa tumawag sa kanya, may isang lalaki na palapit at may dala ito folder.
"Yes? Can i help you?"
"I'm Ronald, someone recommend me to you! And wow, mukhang tama nga sila."
Nagtaka naman siya sa sinabi nito.
"Sorry ah, na excite lang ako. Well eto ang folder nang gusto ko ipabantay sayo!"
Inabot naman niya yun, at binuklat. Hindi naman siya pwedeng magkamali at hindi niya makakalimutan ang Lolo ni Ashika, pero matagal na sila hindi nagkita nito.
Mula yun nang huli sila magkita ni Tyron at Ashika.
"Baka hindi ko matanggap."
"Pero bakit naman? Malaking halaga ang ibabayad namin, at isa pa kailangan talaga nasa panganib lagi buhay ni Chairman."
"Pero madami kasi akong hawak sa ngayon."sagot niya at tumalikod na, kinuha niya ang tuwalya at isinampay sa balikat nasa gym kasi siya at nag eensayo.
"Wait lang!" Habol nito ngunit hindi lumingon si Fil.
"Bakit kaya?" Tanong din niya sa sarili.
~
"Mano po inay!"
"Kaawaan ka ng diyos, maaga ka yata umuwi?" Tanong ng kanyang ina
"Opo, nag half day ako at dumiretso sa gym kaso hindi ko na tinapos." Dahil bigla nga dumating ang isang lalaki para lang i-offer na maging personal bodyguard ni Chairman Yu.
"Bakit parang, natulala ka diyan?"
"Ahmm, wala inay. Kamusta ang restaurant?"
"Mabuti naman, maaga din kami umuwi dahil sobrang dami ng tao kanina."
Ngumiti si Fil, ang dating karinderya na binigay nila Ashika ay naging restaurant ng makatapos ako mag aral.
Nagsikap na lang ako, pero wala akong mapiling kurso kaya ang ginawa ko na lamang ay pumasok ako sa FBI, naging secret agent at madalas na nakukuhang security at bodyguard...
"Magpapahinga na po muna ako."
"Sige anak, pero kumain ka na ba?"
"Opo. Sige po!"
Dumiretso na siyang umakyat at nagtungo sa kwarto, nilapag niya saglit ang gamit at naupo sa gilid ng kama.
"Kamusta ka na kaya Ashika?" Bulong niya
~
"Pupunta na ako sa state."
Napalingon siya kay Ashika, pansin niyang malungkot ito.
"Pero hindi pa din ako magpapa-kasal ayoko."
"Wala naman ako nakikita mali kay Tyron, gwapo, mabait, mayaman, maipagtatanggol ka at higit sa lahat kilala mo na siya."
"Parang hindi ko na nga siya kilala"
Pansin niyang nakatingin sa malayo si Ashika, tila dinadama ang hangin na humahampas sa kanyang balat.
Pansin ko yun dahil napapapikit ito kapag humahangin ng malakas.
"Ayoko umalis." Dumilat si Ashika at lumingon kay Fil
"Ayoko iwan ka, ayoko ulit maapi ka ng mga yun! Ayoko na walang magtatanggol sayo."
Ngumiti ako, kahit kelan. Ako pa din nasa iniisip niya.
"Porket, payat ako?"
"Hindi naman yun, kasi-kasi ikaw yung gusto ko."
Nagulat ako sa sinabi ni Ashika, wala nga lumalapit sa akin dahil mahirap lang kami, pero siya hindi siya sumuko na kaibiganin ako.
At eto, sinabi niya na... Oo may nararamdaman din ako sa kanya, kaso natatakot ko dahil baka nga lang masaktan damdamin ko.
Langit at lupa kami, hindi ko siya mapapantayan. Masaya na lamang ako na naging mag-kaibigan kami.
"Nadinig mo ba sinabi ko?"
"Ahmm."
"So, hindi mo ako type?"
"Hindi sa ganun, pero."
"Anung pero? Ikaw na nagsabi na kahit sinong lalaki pwedeng mabighani sakin?"
"I know, pero sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?"
"Yes!" Sagot niya.
Napahinga ako ng malalim, pero mas lalu akong nagulat ng yakapin niya ako.
"Ayoko talaga umalis, kahit kelan hindi ko naramdaman yung ganito. Pero sayo, yes! Akala ko friendship lang pero hindi pala."
Huminga ng malalim si Fil at niyakap din si Ashika.
"Gusto din kita, pero sigurado ako magiging tutol ang lahat."
Tumingala si Ashika at tumingin kay Fil.
"Walang magiging tutol kung kaya ipaglaban, beside. Bata pa naman tayo, pero promise ko ikaw lang talaga mamahalin ko."
"Wag ka na malungkot, promise ko din. Maghihintay ako pag bumalik ka."
~
"Anu!" Sigaw ng mommy ni Ashika
Halos mapayuko si Fil dahil sa gulat lalu ng ipakilala siya nito
"Naka ayos na ang lahat, pero pinapahiya mo lang kami!"
"Mommy, bakit ka ganyan?" May himiv na tampo ang boses niya.
"Buo na ang desisyon ng lolo mo!" Sabay talikod nito.
"No! Si Fil ang mamahalin ko at lalaking pakakasalan ko!"
Hinawakan niya ang kamay ni Fil at lumabas sila,
"Ashika!" Tawag ni Luna.
Pero dire-diretso lang ang mga ito.
"Ashika."
"Ayoko, hindi ako papayag."
Huminto kami sa paglalakad.
"Ganito na lang, tatakas ako. Magkita tayo sa park, yung tinambayan natin. Ayoko sumama sa kanila." Muling yakap niya kay Fil
"Sige, pupunta ako. Basta huwag ka na malungkot."
Ngumiti si Ashika kay Fil at hinagkan ang labi niya.
First time niya na may humalik sa labi niya at mananatili lang si Ashika ang nag iisang babae sa puso niya.
~
Pero lahat ay naglaho, hindi siya nakarating sa park dahil inatake ang kanyang ina. Hindi niya alam ang gagawin, nagulat siya ng dumating ang lolo ni Tyron.
"I offer you, para sa operation ng mother mo. Kapalit ng paglayo mo kay Ashika."
Naguguluhan ang isipan niya kung sino ang pipiliin, masama din ang lagay ng kanyang ina. Pikit mata niyang tinanggap ang pera.
Pero kinabukasan ay mabilis siyang nagpunta sa mansyon para kausapin si Ashika, yun lang ay huli na ang lahat.
Umalis na ito at sigurado siya na nasaktan niyang labi ang damdamin nito.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomansaIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...