Chapter : 28

57 3 0
                                    

The Granddaughter

Chapter: 28

Kabado ako habang pababa ng hagdan, madaming kumukuha nang mga litrato sa akin. 

Feel ko prinsesang, prinsesa ang dating ko lalu na at napakaganda nang suot ko na gown.

"Ma'am Ashika one more shot po!" 

Ngumiti ako at humarap sa mga taong naroroon, halos lahat sila ay talagang binabati ako.

"Iha, mauuna na kami sa isang sasakyan. Para masabihan ko na si Fil." Wika ni Chairman.

"Sige po Lolo!" Pagpayag ko, kaya ko naman na mag isa tsaka alam ko naman na wala nang pangamba sa buhay ko.

Naunang lumabas sila Chairman para sumakay sa kabilang Van, iba kasi ang sasakyan ni Ashika. Ang bridal Car niya ay sa kabila nakaparada.

Matapos akong magpa-picture ay mabilis na akong kumaway sa mga maiiwan ko sabay ngiti, at agad na akong sumakay sa Bridal Car ko.

"Aalis na ba tayo ma'am?" 

"Oo." Sagot ko na nakangiti sabay sandal, grabe sobra yata kabog nang dibdib ko dahil na din sa excitement.

Pero agad ko din napansin na hindi ito ang daan papuntang simbahan,

"Excuse me. Hindi ito ng papuntang simbahan."

Ngumiti lang ng lihim si Tyron at nag mask, pagkatapos ay may pinindot siya.

Para may kakaibang usok na lumalabas sa aircon, pilit ko binubuksan ang pinto pero naka-lock yun.

"Anu ba! Buksan mo nga to!" Sigaw ko 

Pero unti- unti na ako nakaramdam ng antok, pero kahit nararamdaman yun ay pilit ko pa din sinisipa ang pintuan.

"Huwag mo na ipilit Ashika."

Nadinig ko muli ang boses na yun, hindi ako maaaring magkamali si Tyron. Buhay si Tyron? Kaso ay hindi n kayang mag isip ng utak ko lalu at unti-unti na akong nanghina.

Ngumiti si Tyron nang makitang tulog na si Ashika, mabilis na niyang pinatay ang usok at binuksan ang mga bintana.

~


Halos kanina pa naghihintay si Fil pati na din si Luisito, tumawag na sila sa bahay ngunit kanina pa daw ito umalis.

"Ashika nasaan ka na ba?" Bulong ni Fil nang biglang tumunog ang kanyang Cellphone.

Agad niya itong dinukot, nakita niyang si Ashika ang tumatawag kaya mabilis itong sinagot.

"Hello Ashika, nasaan ka?"

"Hello Filmann!" Sabay tawa ni Tyron.

"Tyron?"

"Mabuti naman at kilala mo pa ako!"

"Nasaan si Ashika! Nasaan!" Halos magdikit ang kanyang mga ngipin sa gigil dahil alam niyang hawak nito si Ashika.

"Si Ashika?" Sabay tingin sa kinalalagyan nito, 

"Huwag ka mag alala masarap ang tulog niya. Makinig ka sakin, huwag mo na ako paglaruan ngayon, dahil kapag ginawa mo sasabog si Ashika."

 Nadinig ni Fil ang pagtawa nito nang malakas.

"Baliw ka na talaga Tyron."

"Owss, sabihin na natin na baliw ako. Pero hindi mo ako matatalo, nasa akin ang huling halakhak Fil, nasa akin." Sabay tawa nga muli nito nang malakas.

"Okay, makikinig ako sa mga sasabihin mo basta huwag mong sasaktan si Ashika."

"Good! Listen, kailangan mag isa ka lang pumunta dito

dahil kapag sinubukan mo na may gawin kakaiba. Isang click ko lang sabog si Ashika." 

"Susundin ko"

"Nasa lumang bodega ako, alam mo to dahil dito ka huling nag misyon bago maging bodyguard ni Chairman. See you Fil!" 

Magsasalita pa sana siya ngunit pinatay na nito ang kabilang linya.

"Fil anak?" 

"Fil, Tyron ba talaga yun?" Tanong din ng Lolo ni Ashika

Napatingin siya sa mga ito at tumango.

"Oh my god ang apo ko! Anung gagawin natin?" 

"Ako lang kailangan niya, mas mahirap ngayon dahil kapag gumawa ako ng hakbang baka ituloy niya ang plano niya."

"Iho." Ang kanyang inay.

"Kaya ko to." Sabay tingin kay Chairman.

"Ibabalik ko nang ligtas ang apo ninyo kaya magtiwala lang po kayo."

"Mag iingat kayong dalawa, baliw na si Tyron."

Huminga nang malalim si Fil at tumakbo na palabas ng simbahan kailangan na niyang mapuntahan si Ashika bago mahuli ang lahat.

~

Napadilat ako at mabilis na ginalaw ang kamay at paa, pero hindi ko magawa dahil nakatali ang mga kamay ko sa likod at ang paa sa pinaka upuan. Halos hindi din ako makasigaw dahil na din sa may takip ang bibig ko.

Pero mas lalu akong nandilat nang makita ang bulto na papalapit sa'kin.

"Gising na pala ang Prinsesa!" 

Pinilit ko gumalaw, pero pansin ko na lumapit siya sa akin at tinanggal ang nasa bibig ko.

"Masama ka talagang damo! Hanggang ngayon buhay ka pa!"

"Sshhh, huwag ka masyadong gumalaw baka sumabog ka!"

Napalunok ako dahil ngayon ko lang napansin na may nakakakabit sa akin na bomba.

"Class A G-code 11 , C4." Sabay ngiti ni Tyron at lumayo.

"Military ka?"

"Yes! Kaya alam ko lahat nang ito!"

"Pano, pano ka nabuhay? At-at sino yung bangkay na nakuha ng mga pulis sa kotse?"

"Si Daddy! Di ba ang saya?"

"Baliw ka na Tyron, baliw ka na." Naiiling kong sabi at gumilid ang luha ko

"Oh, wag kang umiyak kasi sigurado ako na darating ang tagapagligtas mo!"

"Tyron! Tumigil ka na please!" Sigaw ko

Lumapit siya kay Ashika at pinakita ang mukha niya,

"Nakikita mo eto? Ito ang marka nang paghihiganti ko!" 

"I'm sorry, pero hindi na tama mga pinaggagawa mo."

"Talaga? Sabi mo sa akin noon hindi mo ako iiwan, pero anu? Dahil may Filmann ka na, bigla mo ako babalewalain?" 

"Ilang beses ko ba na sasabihin sayo, iba si Fil sayo. Si Fil mahal ko ikaw kapatid ang turing ko sayo!"

"Shut up!" Sigaw din nito,

"Kaya hindi ko matanggap, na kapatid ang turing mo sa akin!"

Napailing na ako sa kanya, talagang hindi ko na mababago ng isipan niya at sigurado ako na ganito na talaga siya.

"Bibigyan kita ng chance Ashika, pag pinili mo ako hindi ko ipapahamak ang lalaking mahal mo. Pero pag si Fil ang pinili mo, parehas ko kayong papatayin."

Ngumiti ako ng mapakla.

"Ayos lang, kesa naman makisama ako sa isang baliw na tulad mo!"

Tumango si Tyron

"Pwes, hintayin ninyo ang kamatayan ninyong dalawa!" Tumalikod na ito at lumabas na nang pintuan 

"Shit!" Sigaw ko, bakit ba talaga lagi na lang may kakambal na kapahamakan. At eto, buhay pa si Tyron.

"Bilisan mo Fil, please." Bulong ko


#AuthorCombsmania

The Granddaughter( COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon