The Granddaugther
Chapter: 5
"Saan ka galing?"
"Hey, dad! Nag mall lang po kami ni Akisha!" Nakangiting sagot ni Tyron
"Mabuti naman talaga at magkasundo kayo ni Akisha?"
Napalingon silang mag ama ng sumabat ang kanyang lolo.
"Good evening lo!" Bati ni Tyron.
Ngumiti lang ito at lumapit.
"Tama lang na talagang kayong dalawa ang magka-tuluyan ni Ashika!" Sabi nito sabay tapik sa balikat ni Tyron.
Natawa si Tyron at napakamot ng ulo
"Lolo, mag bestfriend lang po kami." Sagot niya
Umiling si Homer
"Pinagkasundo na namin kayong dalawa ni Chairman, pero surprise lang kay Ashika maliwanag."
Tila hindi nakaimik si Tyron sa nadinig at parang pati siya ay nabigla sa sinabi nito.
"Pero, pano kung hindi pumayag si Ashika?"
"Tyron, once na ipinag-kasundo na hindi na yun owede pang baguhin. At tsaka i'm sure naman papayag din si Ashika." Sabat ng kanyang ama.
"Kaya iho, huwag mo muna sasabihin kay Ashika. Kasi hihintayin natin sa araw ng birthday ni Chairman at siya mismo ang mag-announce." Segundo ng kanyang lolo.
Napatango lang si Tyron at matipid na ngumiti,
"Sige po, aakyat na po muna ako." Tumalikod na siya sa kanyang lolo at Papa.
"Sa tingin ba ninyo Papa, magiging ok ang lahat?" Tanong ni Aries na ama ni Tyron.
Ngumiti lang si Homer sa anak.
"Naka-ayos na ang lahat, i'm sure wala naman magiging problema. At hindi pwedeng tumanggi si Ashika."
Hindi na umimik si Aries at napatango na lamang.
~
Hindi pa ako makatulog, para na akong tanga na panay ikot sa higaan. Saglit akong bumangon at sumandal, hindi maalis sa isipan ko si Fill natatawa na isipin sa isang patpatin pa ba ako magka-crush. Bigla tuloy ako natawa at kinuha ang unan, sabay yakap.
"Mula sinabi ni Tyron yun, feel ko tuloy may gusto na ako kay Fill." Sabay simangot, iniiisip ko pa lang yun naiinis na ako. Bihira lang ako magka-crush pwedeng artista pa, kung titingnan naman talaga maigi may itsura si Fill, payat lang at nakasalamin.
"Excited na ako pumasok bukas." Parang may kilig yun sa damdamin ko sabay hig muli sa kama, kailangan ko na matulog at baka ma late pa ako...
Samantalang si Tyron ay hindi din magawang makatulog, may tuwa siyang naramdaman ng sabihin ng lolo niyang ipinagkakasundo silang dalawa ni Ashika.
"Ang problema, mukhang hindi naman ako ang gusto niya." Bulong niya, naalala niya ang nga ngiti nito kapag kasama nila si Fill, ang tawa at masigla nitong pakikipag usap.
Ang lagi nitong pagtatanggol, hindi lang yun mas lamang na oras nito kay Fill keysa sa kanya.
"Nung wala pa si Fill ako lagi ang kasama mo, pero ngayon kahit hindi mo na ako kasama." May himig na tampo ang kanyang tono habang kinakausap ang aarili at naiisip ang pagbabago ni Ashika.
~
"Fill!" Tawag ko at takbo,
Napailing naman si Tyron dahil naiwanan na siya ni Ashika para salubungin lang ang bagong kaibigan nila.
Lumingon namna si Fill at nakita ang dalawang bagong dating, masyado siyang maaga pumasok dahil na din kailangan niya mag review ng maigi.
"Maaga ka yata?" Agad kong tanong ng makalapit, medyo hingal pa ako ahh.
"Hiningal ka tuloy, bakit ka kasi tumatakbo?" Tanong ni Fill sabay bigay ng tubig na nasa bote, napansin din niya si Tyron.
"Good morning!"
"Good morning din," sabay tingin kay Ashika.
"Mauna na ako sa room, hintayin mo na lang ako pag vacant."
"Okay!" Sagot ko at ngumiti kay Tyron.
Ngumiti din si Tyron kay Fill bago ito tuluyan umalis, habang si Fill ay nakasunod lamang ang tingin sa palayong kaibigan.
"Hoy!" Sigaw ko dahil sobra na siya makatingin kay Tyron, bading yata si Fill.
"Bakit?" Tanong niya
"Kung makatitig ka kay Tyron ah?" Sabay lapit kay Fill
"Don't tell me, you're a gay?"
"Uy, hindi noh!" Sabay iling nito nang ilang beses.
Natawa naman ako sa ginawa niya
"Seriously, binibiro lang kita."
"Alam ko."
"Teka, eh bakit ka nakatingin kay Tyron?"
"Para kasing, parang kasing mag nobyo kayo. Kung hindi lang talaga iisipin na magka babata or kuya ang turing mo sa kanya."
Natawa ako bigla sa sinabi niya.
"Kapatid lang turing ko kay Tyron noh! Tsaka, iba gusto ko."
"Ahh, pero bagay kayong dalawa. Perfect nga."
Napasimangot ako bigla,
"etong payatoto na to. Siya na gusto ibigay pa ako sa iba." Sa isip ko lang.
"Halika na sa room, baka ma-late pa tayo!" May inis kong tono at naunang tumalikod.
Napakamot naman sa ulo si Fill at sumunod na rito.
Hindi nila alam na hindi pa naman tuluyab lumayo si Tyron, nagtago lang siya para mapakinggan pa ang pag uusap ng dalawa. Andun ang sakit na mapakinggan na kapatid lang turing sa kanya ni Ashika.
"Pero, ikaw ang magiging asawa ko kaya hindi mababali ang kasunduang yun." Bulong niya.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomanceIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...