Chapter: 21

57 3 0
                                    

The Granddaugther

Chapter: 21

Napayakap ako sa katabi ko pero naramdaman ko na wala akong katabi, agad ako napadilat.

"Wala si Fil?" 

Tuluyan na akong bumangon, nakita ko na may note sa tabi nang higaan ko.

Dear. Ashika,

Sorry, kailangan ko talaga umalis. Kailangan ko muna tapusin misyon ko, ayoko kasi na mapahamak ka. Lalu sa ngayon, isang napakagandang alaala ito sakin. I love you. 

"Alaala lang?" Napasimangot tuloy ako at agad na tumingin sa orasan, nakita kong alas otso pa lang ng gabi.

Itinapis ko ang tuwalya at mabilis akong bumangon, para makapag bihis.


~

"Chairman!" 

"Iho, napasyal ka si Ronald ba hindi mo kasama?" 

"Chairman, patay na po si Ronald. At mukhang nagtraidor siya sa inyo." 

"Anu!" Halos hindi makapaniwala ang Chairman sa nadinig, 

"Si Ashika, nasaan ang apo ko?" 

"Itinago ko muna pansamantala, pero sa ngayon kailangan na muna natin makaalis dito. Alam ko na mapupuntahan nila kayo anumang oras" sagot ni Fil, bigla siya napahawak sa braso, kumirot kasi yun.

"Iho?"

"Ayos lang po ako, sa ngayon kaligtasan niyo muna at ni Ashika ang kailangan ko." Sabay kuha na nang bag ng Chairman.

Tumango na si Luisito at sumunod kay Fil habang palabas na nang pintuan.

~

Nakasakay na ako sa taxi, basta pupuntahan ko si Lolo. Nakakainis talaga si Fil hindi lang man ako ginising para lang kausapin bigla na lamang umalis.

Pagka hinto ng taxi ay agad na akong nagbayad ay bumaba, kahit isang beses lang kami nagpunta ay alam ko na agad dito.

Mabilis ako nakarating sa kwarto ni Fil, pero nagtataka ako kung bakit nakabukas yun.

"Lolo?" Agad akong pumasok, 

"Lolo!"

"Hinahanap mo ba siya?" 

"Tyron?" Hindi na ako nakagalaw nang biglang may humawak sa mga kamay ko, naglagay sila ng silya at pinaupo ako.

"Hayup ka!" 

"Hindi ako ang hayop dito, kundi ang lolo ko na si Homer?" 

"Nasaan na siya, pagbabayarin ko kayo sa mga ginagawa niyo sa amin ni Lolo!" Sigaw ko, nakakainis lang at tinali lang ako ng mga ito.

"Pinapatay ni Lolo ang mga magulang mo, para ikaw na talaga ang maging kaisa-isang tagapag mana nang lahat ng ari-arian ng Lolo mo."

"What?" Parang may kung anu na lamang kirot ang kumurot sa dibdib ko, hindi aksidente ang nangyari kundi sinadya nila ang aksidente kela Mommy at Daddy.

"Napaka walanghiya ninyong dalawa, mag Lolo nga kayo!"

Ngumiti si Tyron kay Ashika at naupo sa tapat nito, nagsindi ito nang sigarilyo at tumitig sa kanya.

"Kaya nga pinatay ko ang Lolo ko, kasi balak niyang patayin ka."

"A-anu? Baliw ka na ba?" 

"Oo, baliw na baliw ako sayo Ashika. Pero si Fil pa din ang gusto mo, pwes hindi mangyayari yun! Pipilitin ko ang lolo mo na pakasalan ako, or else buhay mo ang mapepeligro." Sumenyas ito sa tauhan niya.

"No! Kahit mamatay ako hinding-hindi ako magpapa-kasal kayo!"

"Pwes lolo mo na lang ang papatayin ko!" 

Pumiglas ako nang pilit sa kinauupuan ko pero hindi talaga ako makawala.

Kinuha niya ang cellphone na inabot ng kanyang tauhan, at mabilis na nag dial.

"Hello?" 

"Kamusta Chairman Yun!" 

"Tyron?" 

"Yes, siya nga pala. Ang bilis kasi ninyo naka alis ni Fil dito hindi ko na kayo naabutan. Kaso, may bisita kayo na dumating so ako na lang nakipag usap."

Sumenyas si Fil na i loud speaker ang cellphone ng Chairman.

"Lolo!" Sigaw ko.

"Ashika!" Sigaw din ni Chairman.

Napahinto sa pag drive si Fil,

"Shit! Umalis siya." Bulong niya na naiinis, bakit ba kasi ang tigas ng ulo talaga ni Ashika.

"Alam ko nadinig mo ako Fil, sorry ha. Sabi mo kasi hahanapin mo itong si Tyron, kaso dito ka pala nagpunta at kinuha si Lolo." Daldal ko.

Napangiti lang si Tyron sa pagdaldal ni Ashika.

"Anung gagawin ninyo sa apo ko?"

"Makinig ka Chairman, hindi ko siya sasaktan. Basta matuloy ang arrangement ng kasal." 

"Nababaliw ka na Tyron!" Sigaw ko 

"Kapag hindi ka nagpakasal, mapapahamak ang lolo mo. At kayang-kaya ko din pasabugin ang buong kumpanya." Sabay ngiti nito.

Hindi ko alam kung anu nga ba ang kayang gawin ni Tyron, pero natatakot ako na may mangyari kay Lolo na masama.

"Bukas ang kasal namin, tulad ng napagka sunduan. Chinese Wedding." At itinutok maigi ang cellphone sa kanyang teynga.

"Alam kong nakikinig ka Fil, wala ka nang kasama at kakampi. Gumawa ka man ng hakbang mapipilitan ako gilitan sa leeg si Ashika. Kaya kung ako sayo, wala akong gagawin na hakbang."

"Fine magpakasal na kayo, napapagod na din ako bantayan yan. Matigas ang ulo!"

"Hoy anung matigas ang ulo ko! Ang kapal mo din matapos mo makuha ang gusto mo!" Naku nanggigil na naman ako sa kanya.

Tumingin si Chairman kay Fil, ngunit ngumiti lang siya.

"Talagang magpapakasal na ako kay Tyron! Bwisit ka!"

"Tama na!" Sabat ni Tyron 

"Usapan natin Chairman Yu, walang baliktaran." Sabay patay niya nang cellphone.

"Dalhin niyo na yan, at kailangan na fresh siya sa seremonya bukas."

"Bitiwan ninyo ako!" Sabay palag

"Kaya ko maglakad mag isa! " reklamo ko.

"As you wish, My queen!" Wika ni Tyron.

Tumalikod na ako, 

"Siraulo ka na Filmann ka, matapos mo makuha ang iniingatan ko bigla mo ako sasabihan matigas ang ulo ko. Bwiset ka talaga!" Bulong ko na sobra ang gigil sa lalaking yun.

~

"Anung gagawin natin iho?" Tanong ng Chairman.

"May naisip na po ako, pero kailangan nila kayo. Hindi nila kayo magagalaw dahil wala pa kayong pinipirmahan na katunayang si Ashika na ang magmamana ng mga kayamanan ninyo."

"Naiintindihan ko, pero natatakot pa din ako para kay Ashika."

Ngumiti si Fil.

"Nangako ako na hindi ko siya pababayaan, secret agent po ako. Kaya, magagawan ko eto ng paraan." 

"Naniniwala ako sayo Iho." Sagot nito at humawak sa balikat niya

"Mukhang hindi nagkamali si Ashika ng lalaking minahal niya."

"Salamat po." Sabay ngiti.

"Pero sa ngayon, kailangan ko muna ang mukha ninyo." 

Tila nagtaka si Luisito sa sinabi niya, pero may tiwala siya kay Filmann.

#AuthorCombsmania



The Granddaughter( COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon