Chapter: 29

64 2 0
                                    

The Granddaugther

Chapter: 29

Huminto ang kotse ni Fil sa tapat nang bodegang sinasabi ni Tyron. Mabilis na siyang bumaba at lumakad patungo sa pintuan na bukas, pumasok na siya sa pinakaloob parang walanh binago. Ganuon pa din kalawak ang buong lugar, pero agad din niyang napansin ang babaeng nakaupo sa gitna na walang iba kundi si Ashika.

"Ashika." Bulong niya at halos takbuhin ang dalaga 

"Fil!" Sigaw ko

Lumabas si Tyron na may dalang arnis.

"Fil si Tyron may armas!" Sigaw ko

Mabuti na lamang at nakailag agad si Fil, kaya mabilis siyang napadapa at agad na umilag.

Ngumiti si Tyron,

"Diyan ka lang hindi ka pa makakalapit sa kanya."

Tumindig na si Fil at humarap kay Tyron.

"Tyron, pakawalan mo na si Ashika."

"Wow, at ngayon tinuturuan mo pa ako?" Pinakita ni Tyron ang hawak

"Tik tok, tik tok! Kapag pinindot ko eto, magsisimula na ang countdown. Lahat tayo sasabog!"

"Tyron please!" 

"Fil, may please ka na ngayon. Di ba gusto mo gumanti, now let see!" Nilagay nito muli sa bulsa ang detonator.

"Ipakita mo sa akin ang pagiging secret agent mo!" 

Tumingin muna siya kay Ashika at ngumiti.

Gumanti ako ng ngiti kay Fil,

"Kaya mo yan!" Cheer up ko sa kanya.

Tumango si Fil at humarap na kay Tyron pero mabilis si Tyron na sumugod kay Fil halos mabuhat siya nito hanggang makarating sila sa isang sulok.

"Fil!" Sigaw ko, nakakainis at wala akong magawa ngayon lalu nakatali ako at may bomba pa.

"Diyosko wag ninyong pabayaan ang mahal ko." Bulong ko

Nagsuntukan ang dalawang lalaki, parehas maalam sa self defense kaya hindi din magpapatalo si Tyron. Nakakuha ito nang patalim at senyas-senyas na humarap kay Fil.

Nakatinging lang si fil sa kamay ni Tyron, nang sumugod na ito ay mabilis siyang umiwas at binale ang braso nito agad na hinawakan ni Tyron sa beywang si Fil at mabilis na tumadyak .

Nabitawan niya si Tyron, pero mabilis din itong nakabawi. Palapit na siya nang kunin nito ang detonator, 

"Hindi!" Sigaw ni Fil.

Napindot na yun ni Tyron at nangingiting tumingin kay Ashika.

Agad na kinuha ni Fil ang baril na nakatago sa paa niya at binaril ito sa katawan, ilang sunod-sunod na pakawala nang bala ang ginawa niya.

Halos anim na bala ang sinalo ng katawan ni Tyron hanggang sa bumagsak sa sahig na nakadilat pa. 

Mabilis nang tumayo si Fil at nilapitan si Ashika.

"Fil, gumagana na yung time halos one minute lang!" Histerikal kong sabi, pakiramdam ko na sasabog na ako.

"Ashika, shut up please!" Maigi nitong pinagmasdan ang klase ng bomba.

"Fil, ayoko pa mamatay" naiiyak na ako 

"Hindi ka mamatay, hindi ko hahayaan yun." Bulong nito na nag concentrate sa pagtingin ng mga wire.

"Ang bilis ng countdown."

Napalunok na si Fil, halos 30 seconds na lang.

"Roses are red, violets are blue." Bulong nito at tumingin kay Ashika.

"I love you." At humawak na sa red wire.

Nanlaki ang mga mata ko at tila napapailing.

Mabili na hinatak yun ni Fil, nakapaikit din siya at halos pigil ang paghinga.

Hindi din ako makahinga, lalu sa eksenang iyon pero nang makita kong huminto na ang countdown ay bigla ako nabuhayan ng loob.

"Thank's God!" Sambit ni Fil at niyakap si Ashika.

"Mamaya mo na ako yakapin, tanggalin mo na yung bomba at pakawalan mo na ako dito. Baka bigla pa mag countdown ulit." Reklamo ko.

Tumayo na si Fil at tinanggal na ang bomba sa katawan ni Ashika, nagpunta din siya sa likuran nito para tanggalin ang tali, at ang huli ay ang mga paa nito.

"Hayy salamat!" Nakatayo din ako at agad na yumakap kay Fil, kanina sobra ang takot ko akala ko katapusan ko na pero hindi pa naman.

"Halika na uuwi na tayo." Bulong ni Fil, 

"Aagghhhh!"

Halos nagulat kami parehas dahil buhay pa din si Tyron.

"My bulletproof ako!" Sigaw nito sabay tawa, itinutok nito ang baril sa dalawa.

Agad ko nakita ang baril na binitawan ni Fil kaya mabilis kong tinakbo yun at agad na kinuha.

"Fil!" Sabay hagis nito sa kanya.

Agad na tumalon si Fil at sinalo yun sabay paputok, eksaktong sa ulo na ni Tyron niya ito tinamaan. 

Tuluyan nang bumagsak ang katawan ni Tyron lalu at sa ulo nito tinamaan.

"Gosh, ewan ko lang kung hindi pa siya mamatay." Lumapit na ako kay Fil.

Ngumiti na si Fil at umakbay na kay Ashika.

"Sigurado ako patay na siya."

Natawa ako sa pagbibiro niya at yumakap na ako

"Salamat naman at walang nangyari masama isa man sa atin." Bulong ko.

"Hayss natapos din." Sagot na lang ni Fil at hinalikan siya sa noo.

"So, itutuloy na ba natin ang kasal?" 

"Oo naman, i love you!" 

"I love you too Ashika!" Hinawakan na niya ang kamay nito at sabay na silang lumabas ng bodega.

#AuthorCombsmania



The Granddaughter( COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon