Chapter: 13

61 4 0
                                    

The Granddaugther

Chapter: 13

"Teka, bakit Hospital etong hinintuan natin?" Tanong ko pero hindi pa din siya umiimik.

"Hoy! Kinakausap kita!" 

"Andidito lolo mo, kaya dito kita dinala para makita siya." 

"S-si Lolo?" Bigla ako nakaramdam ng kaba kaya nagmamadali akong bumaba sa kotse.

Agad naman na sumunod si Fil kay Ashika.

Oo galit ako sa kanya dahil sa ginawa niyang arrangement noon, pero ayoko naman mawala ang Lolo ko. Halos sampung taon na din na hindi kami nag uusap, pinapadaan ko lagi sa mga katulong ko. Kahit nang mamatay sila Mommy at Daddy, hindi kami nagkitang dalawa.

Tumulo na lamang bigla ang luha ko,  nang biglang may humawak sa braso ko at pinaharap.

Nakita ko ang Bodyguard ko na tila nag aalala ang ekspresyon niya.

"Saan ka pupunta? Hindi mo naman alam ang room niya."

Tama nga siya, hindi ko nga alam kung saan ang kwarto ni Lolo. Napapunas ako saglit sa aking pisngi at umayos ng tindig.

"Halika na." 

Hinayaan ko na lang na para akong batang hinihila ng taong to.

~

"Lolo!" Agad kong bungad ng makita siyang nakahiga, mabilis akong lumapit at yumakap.

"Lolo." Sambit ko.

Napatayo naman si Ronald, ngunit napansin niyang sumenyas si Fil sa kanya.

"Lolo, gising ka na andidito na ako?" 

Dumilat si Charman Yu at ngumiti ng makita si Ashika.

"Mabuti naman at dumating ka, pero bakit magulo ang buhok mo?" Agad niyang napansin yun.

Ngumiti lang si Ashika

"Napansin niyo pa talaga ang buhok ko, kamusta na kayo Lolo?"

"Mas naging maayos dahil nakita na kita." Sabay haplos sa buhok ni Ashika.

"Teka, di ba may Bodyguard ka? Bakit pinabayaan ka niya?" Tila parinig ko sa lalaking yun.

"Iha bago ko pa lang nakuha si Fil, kaya huwag mo siyang sisihin."

Napahinto ako sa nadinig kong pangalan, agad akong lumingon.

Hindi ako makapaniwala, siya ba talaga to.

Ang dating patpatin na nerd, yung halos lahat ng classmates namin ay binubully siya. Yung lalaking minsan ko nang ipinaglaban pero iniwan ako sa ere.

"Filmann Blanquera! Ikaw pala yan."

"Yes ma'am!"

Muli ako lumingon kay Lolo, sa ngayon magpipigil muna ako ng inis at galit sa lalaking yun ang mahalaga makasama ko muna si Lolo dahil matagal din kami talaga hindi nagkita.

~

"Salamat Eric, pero as soon as possible kailangan makuha ko lahat info sa mga kakilala ni Chairman Yu, lahat ng kadikit lalung-lalu na si Mr. Homer Chua."

"Teka Fil, di ba bestfriend niya yun?"

"Meron lang kasi ako nalaman, basta gawin mo lang inuutos ko."

"Ok copy! Inspector!"

"Thank you." Pinatay na nito ang kanyang linya at ibinulsa ang cellphone.

"So, agent ka pala?"

Lumingon siya at nakita si Ashika na nasa likuran niya.

Tumango lang siya bilang pag sagot.

"10 years, mukhang malaki nga pinagbago mo? Yan ba ang nagagawa ng pera na natanggap mo?"

"Ashika-"

"No, you don't need to explain. Wala na akong pakielam sayo, at dahil bodyguard kita sa ngayon hawak mo buhay ko." Sabay talikod ko sa kanya, pero bahagya ulit ako lumingon.

"At huwag mong kakalimutan na boss mo ako!" Pinagpatuloy ko na lumakad papasok muli sa loob ng kwarto ni Lolo.

Napahinga nang malalim si Fil at sumandal, alam niyang sobra sama ng loob ni Ashika at hindi niya masisi ito.

"Tsaka na ako magpapaliwanag, sa ngayon kailagan ko muna isipin ang buhay mo." Bulong niya.

Mabuti na lang tulog na si Lolo at umalis na si Uncle Ronald, bigla na lang pumatak ang luha ko. Naiinis talaga ako, bakit hanggang ngayon mahal ko pa din siya samantala niloko naman niya ako. Tapos siya pa ang naging bodyguard ko, iniinis niya ba talaga ako.

Pero infairness, malaki pinagbagi niya, lalu siyang pumogi.

"At ang laki at matigas pa ang musscles ahh." Para akong tanga na kinikilig, kung alam ko lang na si Fil ang bumuhat sakin hindi na sana ako magsisigaw, hindi ako tatakas.

"Pero bakit hindi siya nagpakilala? Kasi takot din siya."

Napailing na lamang ako at umayos na, lumapit na ako kay lolo.

Naupo ako sa gilid ng kama, may upuan doon.

"Lolo, sorry. Sana gumaling ka na agad." Bulong ko, siya na lang natitirang pamilya ko, kaya ayoko na mawala siya sa piling ko.

"Iha, bakit gising ka pa?" 

Napatingin ako kay Lolo, nagising ko yata siya kasi naiiyak na naman ako.

"Naninibago po yata ako sa time zone, alam niyo na ganitong oras gising pa ako" nakangiti kong sagot 

Natawa si Luisito, masaya na siyang makita si Ashika na nakangiti.

"Ibinilin ko na kay Ronald na ikaw munaag asikaso sa kumpanya, habang nagpapagaling ako. Isa pa andiyan naman si Fil." 

"Opo Lolo, pero kailangan ba talaga na siya ang bodyguard ko?" 

"Lubos kayong magkakilala dalawa, wala akong nakikitang mali na siya ang magbabantay sayo."

"Okay, pero kailan ako mag start?" Tanong ko, wala ako masyadong alam sa kumpanya ni Lolo maliban lang kung tutulungan ako ni Uncle Ronald

"Start tomorrow, pinatawag ko na lahat ng directors para sa meeting bukas. Kaya gusto ko makilala ka nila, syempre sinasanay na kiya dahil ikaw din naman ang magmamanage nito balang-araw."

"Si Lolo naman eh, pero titingnan ko kung kakayanin ko. But i can't promise, alam mo naman ang apo mo model!" Sabay pa charming ko sa kanya,

Muling natawa si Chairman

"Payakap nga ako Ashika." 

Niyakap ko naman siya nang mahigpit, na miss ko din ang Lolo ko at iisantabi ko muna ang lahat nang sama ng loob ko sa halos sampung taon.

#AuthorCombsmania

The Granddaughter( COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon