The Granddaughter
Chapter: 2
"Fillman anak, kumain ka ng madami."
"Inay okay na po ako, unahin niyo na po mga kapatid ko kailangan ko na po pumasok!" Sabay halik sa pisngi ng kanyang ina.
Lumabas na siya ng bahay at naglakad para makapasok, tinitipid lagi niya ang sarili at sanay na siya. Matalinong bata lamang si Fillman kaya siya nakapag pag-aral ng libre sa mamahaling eskwelahan, kahit madalas na tampulan ng tukso ay hindi lingid sa kanya para hindi ipag patuloy ang pag aaral.
~
Patingin-tingin lang ako sa labas ng kalsada, pang isang linggo ko na school. Okay naman at nasasanay na ako na hindi classmates si Tyron isa pa magkasama pa din naman kami lalu kapag vacant.
Biglang pumukaaw sa paningin ang classmate ko na patpatin, actually one week na ako sa classroom pero di ko alam pangalan niya.
"Manong driver pakihinto ang kotse!" Utos ko
Agad naman na huminto si Manong
"Why?" Tanong ni Tyron
"Basta!" Sagot ko sabay baba
"Ashika!" Tawag ni Tyron na napasunod na din sa pagbaba..
"Hey!" Tawag ko
Napahinto si Fill at lumingon, agad niyang nakilala kung sino ang tumawag sa kanya.
"Bakit po?"
"Po?" Napataas ang kilay ko at tumitig sa kanya.
"Mukha na ba akong matanda sa tingin mo? Tsaka, parehas lang tayo fifteen years old ok!"
"Ginagalang lang kita." Sagot ni Fill at tumalikod.
Nagtaka ako sa pagtalikod niya.
"Hey!" Muli kong tawag
Muli naman itong lumingon.
"Sumabay ka na sa amin, ang init-init naglalakad ka lang?"
"Nakakahiya."
"Anung nakakahiya? Nag aaral ka sa isang university na may halos mamahaling tuition fee, tapos naglalakad ka lang? Wala ka bang pamasahe para sumakay?" Sabay muling taas ng kilay
"Ashika, baka ayaw niya talaga?" Tila bulong ni Tyron.
"No, hindi pwede! Tinutulungan ko na nga siya." Sabay tingin muli sa patpatin na nasa harapan niya.
"Anu sakay ka na? Don't worry walang mangangagat sayo sa loob." Sabay ngiti.
Wala ng nagawa si Fill kundi sumunod na lamang, pagkalapit ay agad na pinasakay siya ni Ashika.
Pagsakay ko ay agad ko siyang tiningnan.
"So anung name mo?"
"Fill, Fillman."
"I see, i'm Ashika Yu, siya naman si Tyron. Bestfriend ko!"
"Nice meeting you."
"Parang hiyang-hiya ka naman, kaya binubully ng mga classmates natin!" Dagdag ko at ngiti.
"Simula ngayon, friends na tayo ok! Para hindi ka na apihin"
"Nakakahiya naman."
"Hayaan mo na si Akisha, ganyan talaga yan." Sabat naman ni Tyron.
~
Sadyang matalino si Fillman, pansin ko lagi ang pangunguna niya sa klase. Madalas na yayain ko siya para may kasama kami ni Tyron,minsan tumatanggi minsan hindi.
Tampulan talaga ito ng tukso, dahil mahirap lang at mukhang malnourished pa.
Pero sympre to the rescue lagi ako sa kanya, ayoko talaga ng may binubully sa harapan ko.
"Mukhang close na kayo ni Fillman ah?"
Ngumiti ako at lumingon kay Tyron, walang pasok at kapwa kami gumagawa ng assignments.
"Hindi nga eh, mailap pa din siya. Parang ayaw niya talaga nakikipag usap sa mga tao." Sagot ko.
Napatango lang si Tyron,
"Bakit parang nagtatampo ka?"
"Hindi ahh, tapusin mo na nga yan." Sagot lang nito.
Natawa lang ako at muli na akong nagsulat.
~
"Pansin ko madalas ka na ihatid ng mayamang batang iyon?" Tanong ng ina ni Fill.
"Ah, si Ashika po? Oo nga po, nakikipag kaibigan siya at talagang hindi niya ako nilulubayan."
"Bakit parang may inis kaunti ang tono mo?"
Bumuntong-hininga si Fill at umiling, lagi nanlang kasi siya pinagtatanggol nito, pakiramdam niya ay lalu lamang siya napapahiya.
"O siya maiwan na kita magpapahinga na ako, napagod ako sa paglalabada kanina." Paalam ng kanyang ina.
"Sige po inay." Sagot niya at tinuloy ang ginagawa, bigla din siya napahinto ng maalala ang mukha ni Ashika, lalu kapag nakangiti ito sa kanya.
Agad siyang umiling at muling nagsulat.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomanceIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...