Chapter: 7

54 3 0
                                    

The Granddaugther

Chapter:7

"Oh, bakit hindi ka pa nakabihis?"

Napalingon si Fill at ngumiti sa kanyang ina.

"Wala po kasi kayong katuwang dito, tsaka madami po kumakain."

Ngumiti lang siya sa anak at lumapit.

"Fil, ayos lang naman ako dito. Importante makapunta ka dahil nakakahiya kay Chairman at Ashika."

"Pero inay-"

"Wala ng pero, sige na magbihis ka na ako ng bahala. Maya maya magsasara na din ako." 

"Sigurado po kayo inay?"

"Oo, sige na minsan naman eh bigyan mo din ng oras ang sarili mo makapag-enjoy." Dagdag nito.

Ngumiti na lang si Fil at tumango na.

~

"Kanina pa kita napapansin?"

"Wala pa kasi si Fil, 7pm na." Sagot ko na panay ang tingin sa malaking gate.

Malaki ang mansyon ni Lolo, madami nang bisita mga mula sa mayayamang pamilya. Syempre mga chinese at hindi lang yun kundi mga business patner nila.

"Iha!" Bati bi Homer kay Ashika.

"Kamusta po!" Pagbati ko at ngiti sa lolo ni Tyron, matalik na kaibigan ni Lolo at isa sa mga ka-business patner nito.

"Bakit parang hindi kayo doon sa gitna?" Tanong nito

"May inaantay lang po ako." Sagot ko at tingin kay Tyron.

"Yes Lolo, meron lang po kaming hinihintay." Segunda ni Tyron.

"Okay, pero maya-maya bumalik na kayo dahil may announcement si Chairman." At tumingin kay Tyron.

Tila nahulaan na niya ang ibig sabihin ng kanyang lolo kaya tumango na lamang siya bilang pag sang-ayon.

Napatingin naman ako sa kanila, hindi ko maunawaan yun kaya hindi ko na lamang pinansin. Iniisip ko si Fil, hindi ko alam kung darating nga ba siya, pero syempre malulungkot ako.

"Seryoso ka na diyan?" Tanong ni Tyron.

"Hindi naman, iniisip ko lang kung darating pa si Fil." May lungkot ang tono ko at tumingin kay Tyron.

"Huwag ka na malungkot andito naman ako."

Ngumiti ako sa sagot niya at lumingon na ulit sa gate, sakt na nakita ko si Fil kaya agad ako ngumiti.

"Filmann!" Sabay kaway at mabilis na lumapit

Napailing naman si Tyron at hindi na umalis sa kinatatayuan.

"Fil!" 

"Pasensya ka na, kasi madami kumakain kaya-"

Hindi na natuloy ni Fil ang pagpa-paliwang ng yakapin siya ni Ashika.

"Kanina pa kita hinihintay!" Sabay ngiti at kumalas sa kanya.

"Look at you! Bagay na bagay sayonang damit mo!" 

"Salamat Ashika." Nahihiya niyang sagot, nagulat pa siya ng hawakan nito ang kamay niya.

"Tara na, kanina pa ikaw hinihintay ni Lolo noh!" Sabay hatak na sa kanya.

Napasunod na si Fill,

"Hi!" Bati pa niya kay Tyron, pansin niya lang ang pag ngiti nito.

"Let's go na Tyron!" Sigaw ko habang nagmamadali na sa paglakad.

The Granddaughter( COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon