The Granddaugther
Chapter: 14
"Dumating na pala si Ashika?"
Lumingon si Tyron at napakunot ng noo,
"Kelan pa?"
"Nung sunday, balita ko nga siya muna papalit sa lolo niya habang nagpapahinga."
Tumango lang si Tyron at pinatay na ang sigarilyo sa astray, sampung taon din siyang naghintay na magkita ulit sila nito. At talagang umaasa siya na matutuad ang kasunduan, pero bigo ang lahat. Dahil hindi na nagpakita ito.
"May iniisip ka ba?"
"Gusto ko siya makita, dahil hindi ako papayag na hindu matuloy ang kasunduan ng bawat pamilya namin." Sagot niya.
"Nagpatawag nga nang board of director meetings, kasama din ikaw sigurado."
Tumango lang siya kay Jake at hindi umimik
"Sige maiwan na kita." Tumalikod na ito at lumabas mula sa terrace.
Napahinga ng malalim si Tyron at lumingon sa terrace.
~
"Binayaran ni Lolo si Fil, kaya hindi siya darating."
"Hindi yan totoo!" Inis na sagot ni Ashika at tila hindi umaalis sa park, kanina pa siya naghihintay pero walang Fil na dumarating.
"I'm telling you the truth, hindi na darating ang lalaking yun. Mukha siyang pera."
Napapikit lang ito at parang ayaw niya makinig sa mga sasabihin nito.
"Kahit magdamag ka maghintay, walang darating sayo."
Tumayo si Ashika at lumapit kay Tyron sabay sampal.
"Hindi man sumipot si Fil, hindi ibig sabihin nun na mapupunta na ako sayo. Kahit kelan walang magaganap na kasalan!" Sabay talikod ni Ashika at nagmamadaling tumakbo palayo kay Tyron.
Ngumiti lang si Tyron, hindi siya papayag na kay Filmann mapupunta si Ashika.
Pero tila nagbago ang lahat, umalis si Ashika at nagpunta sa state. Kahit sa kanya ay ayaw nito makipag usap, wala kahit sino ang nakaka alam kung nasaana ng dalaga.
Nagkagulo na din sa pagitan nang Lolo niya at Lolo ni Ashika, dahil ilang taon na at hindi ito umuuwi.
"Pero ngayong nakauwi ka na, hindi ako papayag na hindi ka mapunta sa akin." Kinuyom niya ang kamao at isang ngisi ang sumilay sa kanyang labi.
~
"Eto na lahat nang mga sasabihin mo at dapat mong tandaan."
Kinuha ko ang bigay ni Uncle Ronald, medyo madami yun kaya parang sasakit na ang ulo ko.
Sakto pa na nakita ko si Fil na mukhang kanina pa naka abang sa akin.
"Good morning ma'am."
"Anung maganda sa morning?" Tanong ko sabay taas ng kilay,
Sumenyas naman si Ronald kay Fil, pero hindi nito pinansin.
"Aalis na po ba tayo?"
"Ay hindi, tumayo lang ako dito sa tapat ng kotse. At magsasalita ng magsasalita hanggang sa maubos ang boses ko."
Tumalikod na lang si Fil at pinagbuksan na niya ng pintuan ito.
"Uncle Ronald sumunod kayo agad, hindi ko pa kabisado lahat ang gagawin."
"Yup, kasunod ninyo ako ma'am!"
"O kaya, sa kotse ko na ikaw sumakay uncle." Sabay pasok sa kotse at umupo ako ng maayos.
Sinara naman ni Fil ang pintuan at tumingin kay Ronald.
"Sumabay na kayo, ako na magdrive."
"Sige." Sagot nito at nagmamadaling pumunta sa kabilang pwesto.
Samantalang si Fil naman ay sumakay na sa Driver seat.
"Ang Bodyguard ba? Driver na din?" Tanong ko,
Napalunok si Ronald, sadyang pilosopo si Ashika.
"Yes Ma'am, kasama yun sa trabaho ko." Pormal niyang sagot at tumingin sa front mirror, pansin niyang nakatingin ito sa bintana habang naka- de cuatro, bagay dito ang damit na suot.
"Stunning." Sa isip niya at umayos na humawak na siya sa manibela.
~
Hindi ko maiwasan na hindi masulyapan si Fil habang nagmamaneho, ibang-iba na siya. Parang hindi ko na nakikita yung dati, pero andun pa din ang pagiging magalang. Yun lang talagang sobrang gwapo biya sa ngayon, bakit ba kinikilig ako, hindi ko maiwasan ang isipin na yun.
Bigla tuloy ako napangiti.
Huminto na ang kotse sa pinakatapat ng building, bumaba mun si Ronald at Filmann.
Agad niyang pinagbuksan si Ashika.
Lumabas na ako halos lahat na yata ng mga naroroon ay sa amin nakatingin.
"Ngayon lang ba sil nakakita ng tao? O mukhang tao?"
"Ahmm, ngayon lang po sila nakakita ng maganda Ma'am Ashika." Si Ronald ang sumagot.
"Fine.! "At diretsong lakad.
May kinausap na si Fil para ibilin anv kotse dahil kailangan niyang sundan si Ashika.
Huminton ako saglit at lumingon kay Fil
"San ka pupunta?"
"Susundan ka hanggang opisina."
"Pati sa meeting, i mean conference? "
"Yes."
"Alam ko na bodyguard kita, pero hanggang sa labas ka lang ng opisina ko. Maliwanag." Sabay talikod,
"Nakakagigil talaga."
"Konting timpi pa Fil, kapag talagang nainis ako hahalikan ko na siya." Bulong ni Fil at naiiling habang sinusundan ito.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomanceIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...