The Granddaugther
Chapter:3
"Luisito, bakit hindi na lang natin ipagka-sundo ang mga apo natin?" Sabay inom ng tsaa ni Homer
Ngumiti lang si Chairman Yu,
"Oo nga, mas mainam yun tulad ng ating pagka-kaibigan. Sasabihan ko sila Luna at Regor, para ipaayos ang kasunduan."
"Ekskto, sasabihan ko na din si Aries. Siya na lang naman at wala naman na ang kanyang asawa."
Ngumiti muli si Luisito, naisip niya na ganapin ito sa mismong araw ng kanyang kaarawan na darating. Para malaman ng lahat na ang kanyang apong si Ashika ay kay Tyron lamang ipapakasal.
~
"Ashika!" Tawag ni Tyron.
Lumingon ako dahil papunta pa lang ako ng canteen,
"Yes?"
"Oh, ibinili na kita ng pagkain mo!" Nakangiting sabi nito.
"Hindi mo talaga ako nakakalimutan ah?" Ngiti kong sagot.
"Syempre, baby kita!" Sabay akbay ni Tyron.
Natawa tuloy ako at agad na napatingin sa tapat ng canteen, nakita ko si Fillman na tila hindi mabuksan-buksan ang coke niya na nasa in can.
"Ayyts, bakit ba talaga napakahina ng lalaking yun?"
Napatingin si Tyron sa tinutukoy niya, nakita niya si Fillman.
"Hayaan mo na lang siya."
"Hmmp, saglit ahh!" Sabay hakbang nang malalaki palapit kay Fillman
Napailing si Tyron pero sumunod na din.
Halos kanina pa sinusubukan na buksan ni Fillman ang kanyang coke, pero talagang ayaw sumabit sa bukasan ng softdrinks.
Nang biglang may umagaw doon, napalingon siya at nakita si Ashika na isang bukas lamang ay bumukas n ang kanyang coke.
"Oh, bukas na! Pati ba naman eto hirap na hirap ka?"
Nakatitig lang siya sa coke niya, pansin din niya ang ibang mga estudyante na nakatingin sa kanila. Tila nagbubulungan at siya ang pinag uusapan.
"Dapat hinayaan mo na ako." Sagot nito at kinuha na ang coke sabay alis.
Nagtaka ako sa ginawa ni Fillman, hindi ko siya maintindihan kung bakit siya umalis ng ganun-ganun.
"Teka!" Pahabol na sigaw ko. Pero hindi na siya lumingon.
"Mukhang nagalit yung isang yun?"
Napailing na lamang ako, di ko alam kung anu nagawa ko pero tinulungan ko lang naman siya.
~
Tahimik lang si Fillman habang mag isang nakaupo sa ilalim ng puno, naiinis siya na tila napahiya sa ginawa ni Ashika.
"Hey!"
"Anung ginagawa mo dito?" Tanong nito
Naupo lamang ako sa tabi niya, at nilapag ang pagkain na dala ko.
"Bakit ka bigla umalis?"
Hindi ito umimik.
"Galit ka ba?"
"Hindi." Pero walang emosyon ang sagot ni Fill.
Ngumiti ako, pero nakatitig pa din ako sa kanya.
Lumingon si Fill, tila nagtataka siya sa pag ngiti nito.
"Bakit ka naka ngiti?"
"Kasi nagsisinungaling ka."
"Hindi nga ako galit, nagtatampo lang." Seryoso niyang sagot
"Bakit ka nagtatampo? Sa ginawa kong pagbukas ng coke mo?"
Tumango lang si Fill at malungkot na napatingin sa malayo.
"Tingin ko sa sarili ko wala akong silbi, miski coke hindi ko mabuksan."
"Fill, huwag mong sabihin yan. Hindi mo kailangan maging matapang, ang mahalaga mabait ka, pero" sadyang pinutol ko ang sasabihin at tumingin sa kanya.
"Ayoko lang talaga nakakakita ng inaapi noh, binubully. Kasi kahit mayaman kami, hindi ako pinalaki ni Lolo na tapakan ang mga mahihirap. Kaya nagagalit ako sa mga classmates natin na ewan!"
Napangiti si Fill sa pagdaldal ni Ashika,
Lumingon ako sakanya at nakita ko na nakangiti siya
"Ngayon lang kita nakitang ngumiti, bagay sayo!"
"Ikaw lang nagpatawa sakin."
"Talaga? So friends na talaga tayo ahh, tayo nila Tyron ok!" Sabay lahad ng kamay ko.
Ngumiti muli si Fill at tinanggap yun.
"Okay!"
"Good! O siya, kain na tayo!" Sabay labas ko ng pagkain na dala ko
"Sure ka? Eh si Tyron baka hati kayo diyan?"
"Hindi noh, binili niya to para sa akin. Kaya kain na tayo bilis!" Sagot ko
Naiiling na lang si Fill at pumayag na kumain kasabay ni Ashika.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomanceIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...