The Granddaugther
Chapter: 22
Hindi naman niya ako dinala sa bodega kundi kwarto na maganda, alam ko ang bakasyunan na ito. Madalas kami dito noon maglaro ni Tyron nung mga bata pa, nakita ko ang mga pictures namin halos kumpleto. Bigla ako napa buntong-hininga, anu ba nangyari sa kanya at nagka-ganito siya bigla.
"Kumpleto lahat yan pati mga laruan natin dati."
Lumingon ako sa kanya, nakita ko siya na nakangiti sa akin. Hindi ko na talaga makilala ang Tyron na naging kababata ko, itsura pa lang niya ngayon ay kakaiba na.
"Anung nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya.
Ngumisi lang si Tyron.
"Tinatanong ba yun, hindi mo ba nahahalata na noong mga bata pa tayo ay sobra na talaga kitang mahal!"
"Pero alam mo din naman noon na kuya lang ang turing ko sayo!"
"Ashika, bakit hindi mo ako matutunan mahalin! Bakit?" Sabay lapit at hawak sa kamay ni Ashika.
"Buong buhay ko ay umikot na sayo, simula bata pa lang tayo ikaw na talaga nasa isipan ko. Pero nang dumating ang patpatin na lalaking yun sa buhay mo, nakalimutan muna ako!"
"Tyron, iba kasi si Fil."
"Iba? Anung pinagka-iba namin? Mas gwapo ako at mayaman sa kanya, mas may katawan ako at mas kilala mo ako noon pa!"
"Pero hindi ikaw ang nagpatibok ng puso ko, oo hindi siya gwapo noon, mahirap lang at patpatin. Pero hindi yung panlabas ang nakita ko sa kanya, yung pagmamahal niya sa pamilya niya. Yung sobra niyang mapag pasensya sa mga taong nasa paligid niya."
Kalma pa din ako at baka magbago ang isipan ni Tyron.
Ngumisi lang si Tyron at binitawan na ang kamay niya sabay talikod.
"Pero hindi ka na mapupunta kay Fil, sa akin ka pa din magpapakasal bukas." Sabay lakad at labas sa pintuan.
Napaupo na ako sa upuan, nanghihinayang lang talaga ako na naging ganito si Tyron. Samantala noon siya pa ang taga suporta ko sa lahat ng kalokohan ko at ka malditahan ko.
"Pero, hindi ko pa din siya kayang mahalin. Hindi siya ang lalaki na nagpatibok ng puso ko."
Ngumiti ako nang maalala ko nang una ko makilala si Fil
Halos batuhin ito ng papel, pero walang pakielam sa mga nambubully sa kanya. Ang suot nitong malalaking salamin at ang patpatin nitong katawan na anuman ay madadapa.
Wala akong tipo sa mga classmates namin noon. Kahit na natutukso ako kay Tyron ay hindi ko pinapansin, mas nagpapa-pansin pa ako kay Fil. Basta mas gusto ko talaga siya, sa kanya ako inlove noh. Walang kontra, pero anv hirap ng sitwasyon namin. Hindi pwede dahil parehas chinese ang kailangan nang sumunod sa yapak namin, kaya pinilit kami ipagkasundo ni Tyron.
"Kaso hindi talaga kaya. Ang puso ko para lang kay Fil." Bulong ko at tumayo, nagpunta ako sa kama at nahiga na.
"Bukas, kung hindi niya ako ililigts mapapakasal na ako ng tuluyan kay Tyron." Nangilid ang luha sa mata ko, sabagay wala na din naman si Fil pakielam sa akin. May nobya yun, tapos nakuha na niya ang dapat makuha sakin.
"Hayyss Ashika!" Irita kong inis at dumapa na.
~
Hindi din mapalagay si Fil nang mga oras na yun, masyadong magulo isipan niya
"Huwag lang talaga dumampi ang kamay ni Tyron kay Ashika." Bulong niya habang inaayos ang elastic mask na gagamitin niya.
Kinopya niya ang mukha ninm Chairman para makarating sa kasal ni Ashika na hindi nalalaman nila Tyron, nagrecord din siya nang boses nito at inayos na din niya para mag tugma kapag magsasalita siya.
Saglit siyang sumandal, balak niya na kapag natapos na ito ay magtatapat na muli dito. Hindi niya nakalimutan si Ashika, mahal na mahal pa din niya ang dalaga lalu sa ngayon na pumayag na ang Chairman na maging silang dalawa.
"Masaya na ako, atkis akin ka lang talaga." Bulong niya, naalal niya ang sinabing nobya dito. Wala naman talaga siyang nobya kundi si Ashika lang, kaya halata sa mukha ni Ashika ang selos at galit. Malaki ang chance niya na siya pa din ang nasa puso nito.
"Ashika, i love you. Gusto na talaga kitang kausapin pero sadyang mailap ka." At naiiling na muling pinagpatuloy ang ginagawa.
~
"Oo naman Lolo, kasama ka sa kasal namin." Sabay ngiti ni Tyron habang kinakausap ang bangkay ni Homer.
"Kayo kasi, masyado nag madali ayan tuloy. Hindi na kayo makatayo diyan." Lumapit pa siya dito at naupo sa tapat ng Lolo niya.
"Sabi ko naman sa inyo, walang pwedeng manakit kay Ashika dahil papatayin ko. Isa pa magiging asawa ko na siya bukas, kaya dapat maging masaya kayo para sa akin." Sabay ngiti niya at halakhak.
"Anu ibig sabihin nito?"
Napahinto si Tyron at lumingon nakita niya ang kanyang ama.
"Welcome home dad, tomorrow is my wedding kaya pinilit kita na ipakuha sa mga tauhan ko."
"Papa!" Agad na tawag ni Aries at lumapit sa bangkay ni Homer.
"Oh my god, what have you done Tyron?"
"Easy, he was sleeping. Nasobrahan nga lang kaya hindi nagising."
Tumayo si Aries at sinampal ito.
"Nababaliw ka na!"
Ngumiti si Tyron at sinakal ang ama.
"Oo! Nababaliw na ako, pero hindi kita papatayin! Dahil gusto ko na masaksihan mo ang kasal ko!" Sabay bitaw dito.
Agad na hinawakan ni Aries ang leeg niya at napapailing dahil sa mga pinaggagawa ng anak.
"Nagmana ka nga sa Mommy mo, kaya ka ganyan."
Huminto si Tyron at lumingon.
"You told me na namatay siya habang pinapanganak ako?"
"Nagpakamatay siya! Habang naglalabor, she have something in her mind. She was crazy, and now nakikita ko ulit siya sa pagkatao mo."
Ngumisi lang si Tyron.
"Okay lang yun Dad! Atlis nakikita mo pa din si Mommy." Sabay ngiti.
"Dalhin niyo na sa kabilang kwarto si Daddy, he need some rest para bukas." At tumalikod na din.
"Tyron!" Ngunit hindi na lumingon ang kanyang anak.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomanceIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...