Chapter:20

56 3 0
                                    

The Granddaugther

Chapter: 20

Agad na kaming bumaba sa kotse ni Fil, mabilis siyang may pinindot at agad na may parang tinulak siya.

"Halika na." 

Sumunod na ako sa kanya at pumasok kami, pansin ko na parang may hagdan pababa, basta nakasunod na lang ako sa kanya hanggang makababa.

Bilib ako sa lugar, ibang-iba. Ang lawak at ang cute, kumpleto din ng gamit at halos

"Wow."

Lumingon si Fil sa kanya,

"Maupo ka muna." Sabi niya kay Ashika at agad na hinubad ang uniform, tiningnan niya ang sugat niya sa braso.

Nakatingin ako kay Fil, parang malalim ang sugat niya kaya agad na tumayo ako at lumapit.

"Tutulungan na kita." 

"Mag relax ka na lang muna, alam ko masyado ka ngayon naguluhan sa mga nangyayari."

Umiling ako at kinuha ang alcohol at bulak.

"Malalim sugat mo, bakit hindi tayo pumunta sa Hospital?" 

"Delikado." 

Saglit ko na nilinis ang ang gilid ng sugat niya bago tiningnan ang pinakagitna.

"Kailangan siya tahiin."

"Meron ako diyan. Tatahiin ko talaga yan."

"Ako na, kahit paano nagaral naman ako mag medic." Sagot ko.

Lumingon si Fil medyo nakaramdam siya ng kirot pero tiniis niya.

"Akala ko model ka?" 

Ngumiti ako sa tanong niya

"Nag umpisa na ako mag aral sa state kaso namatay sila Mommy at Daddy, kaya huminto ako. Katwiran ko bakit ko pa itutuloy mag Doctor kung wala na sila."

"Naiintindihan ko."

Tumingin ako kay Fil, pansin ko na naman na malungkot siya 

"Tell me, anung nangyari?" 

"Namatay ang buong team ko nang pasukin namin ang bahay nila Tyron,  hindi ko inaasahan kasabwat nila si Uncle Ronald mo."

"What! My god, pano si Lolo?" 

"Wag ka magalala magiging si Chairman Yu, ang delikado dito ikaw sa ngayon. Mukhang hindi sila titigil na hindi ako mapatay."

Umiling ako at hinawakan ang kamay ni Fil,

"Please stay with me, ayoko mawala ka Fil." Agad na pumatak ang luha ko, pano kapag siya nawala din sa buhay ko. Paano na ako?

Pinunasan ni Fil ang luha niya 

"Hindi mangyayari yun, hangga't nabubuhay ako. Mananatiling bodyguard mo ako." 

Ngumiti ako at tumango, pero tinuloy ko na din ang pagtatahi sa braso niya.

"Maiba tayo, bakit naisip mo na maging Hide out ito?" 

Natawa lang si Fil

"Parang, madami kasing memories ang lugar na to."

"Like?" 

"Tulad nang sa atin."

Napahinto ako sa pagtatahi at tumingin sa kanya.

"Lagi ako nagpupunta sa Park na ito mula umalis ka, kaya mula nang masira ang lugar na to at ibenta sakto a nabili ko. Walang nakaka alam ng lugar na ito, maliban sa ating dalawa." Paliwanag ni Fil.

The Granddaughter( COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon