The Granddaugther
Chapter: 24
Tahimik lang si Fil habang nililibing na ang kanyang mga kasamahan, mga tunay silang bayani matagal niyang mga nakasama ang mga ito lalu nung nasa field pa siya.
Napalapit ako kay Fil alam ko kung gaano kahirap sa isang tulad niya ang ang mga nangyari lalu at matatagal niya nakasama ang mga ito.
"I'm sure masaya na sila kasi nakita nila na nagtagumpay ka."
Lumingon si Fil at ngumiti kay Ashika, hinawakan niya ang kamay nito.
Ngumiti na din ako at napasandal sa balikat niya, hindi ko expect talaga na hahantong lahat sa ganito. Nakuha na ang bangkay ni Homer Chua, matagal na pala itong patay at talagang pinilit lang ni Tyron na kasama ang kanyang lolo.
Si Homer ang may pakana kaya namatay sila Mommy at Daddy.
Gusto talaga nila na makasal ako kay Tyron para makuha nila ang kayamanan ni lolo. Pero nang malaman ni Tyron yun ay siya mismo ang pumatay sa lolo niya, ayaw niyang mamatay ako dahil nga ba mahal niya ako?
Oh my god nakakahilo na sasakit talaga ang ulo ko, nabaliw na siya sa sobrang pagmamahal at hangad sa akin.
Pero sa isang banda naroroon ang awa ko sa kanya, masyado kasi ito noon ginugulpi ng Papa niya noong bata pa kami, masyado siya sinisisi dahik ipinagbuntis siya nang Mama niya, at nang magbuntis ang ina ay nagkaroon na ito ng mental breakdown.
Kaya marahil ganuon na lang si Tyron, ako lang kasi ang nasa tabi niya palagi marahil inisip niya na mahal ko din siya.
"Ashika?"
"Ha?"
"Ang lalim ng iniisip mo."
"Wala naman Fil, naalala ko lang si Tyron."
Napatango ito,
Lumingon ako sa kanya naglalakad na kami patingong kotse.
"Anu pala, balak mo sa ngayon?"
"Tuloy pa din ang trabaho." Sagot nito
"Magkikita pa ba tayo?"
Huminto si Fil at ngumiti.
"Masyadong delikado ang trabaho ko, hindi ko alam kung sino pa ang pwedeng madamay. Pero pipilitin ko kapag may oras ako."
"Fil."
"Yes?"
"Pano na tayo?"
Tumitig si Fil kay Ashika,
"Ashika, gusto ko malaman mo na hindi kita niloko noon. Papunta na sana ako ng gabing yun, kaso inatake si inay sa puso. Hindi ko alam gagawin ko kaya mabilis kami nagpunta sa hospital."
Hindi ako nakaimik sa sinabi ngayon ni Fil, hindi ko nga naman siya pinagbigyan na magpaliwanag sa akin.
"Hindi ko alam kung pano nalaman ng lolo ni Tyron na nasa Hospital ako, agad siyang nag offer ng pera at tinanggap ko dahil alanganin ako sa sitwasyon ni inay. Pero nagtalo isip ko, hanggang sa lumapit ako kay Chairman."
"Kay Lolo?"
Tumango si Fil.
~
"Mahal ko po ang apo ninyo, pero sa ngayon kailangan ko po ng tulong ninyo."
"Filmann, kahit na ano kilala mo naman ako?"
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomantikIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...