Chapter: 27

59 4 0
                                    

The Granddaugther

Chapter: 27

Huminga nang malalim si Tyron bago ito naupo, inaayos niya ang ginawa niyang bomba para supresa kay Fil.

"Akala siguro ninyo, ganun-ganun lang ako mamatay." Bulong niya at tumingin sa salami, naabot bahagya ang kanyang mukha kaya may kaunting sunog ito. Medyo nalapnos pero kaunti lamang, muli siyang ngumiti.

~

Nang makita niya si Ashika ay mabilis siyang umiwas, hanggang sa malaglag sa tubig ang sasakyan. Mabilis niyang ipinalit ang ama niya sa kotse na naroroon din pala,  tinaggal niya ang tali nito pati na din ang busal sa bibig ngunit tinadyakan niya para maiwan sa kotse.

Mabilis siyang lumangoy pataas ngunit naabot pa siya sa pagsabog kaya nadamay ang kanyang mukha.

Pagka ahon ay mabilis siyang nagtago, madami pa siyang kayang puntahan para lamang makapag tago at pahinga.

"At ngayon buo na ulit ang loob ko para harapin ang gantihan kayong dalawa." Sabay tawa.


~

"Si kuya oh! Inlove!"  

"Hay naku Jullen, wag ko na pansinin ang kuya mo!" Sabat ni Aling Medy.

Natawa ito at lumapit kay Ashika.

"Ate, hindi naman masipag yan pero ngayon andito ka sobrang sipag." 

Natawa ako sa sinabi nang bunsong kapatid ni Fil, dati mga bata pa ito pero ngayon dalaga na.

"Talaga Jullen Mae?" 

"Lagi naman kasi wala si Kuya! Pero lagi ka pa din niya kinekwento sa amin." Tila kinikilig nitong sagot.

Natawa na ako at tumingin kay Fil, tila nagaayos ito nang lamesa. Dito kasi ako kakain ngayon at syempre bumisita din ako lalu at malapit na kami magpakasal, ang ganda na din nang Restaurant nila. Talagang nagsikap siya para sa pamilya niya.

Lumingon si Fil at ngumiti kay Ashika, 

Ngumiti na din ako, ang gwapo talaga niya mas lalu talagang gumwapo ang dating patpatin na bully at pinagtatanggol ko lang noon eto, magiging asawa ko na sa mga susunod na linggo.

~

"Grabe di ako makapaniwala na, lumawak yung karinderya dati ah!" 

"Pinalawak ko para syempre kapag nagkita tayo ulit medyo maluwag na yung place kapag kakain ka." Sabay ngiti niya at hawak sa kamay ni Ashika.

"Dear, nabusog ka ba?"

"Dear?" Sabay lingon sa kanya at ngiti

"Bakit ayaw mo ba?" 

"Gusto naman noh, kinikilig nga ako eh." Sabay tawa di ko kasi mapigilan talagang hanggang ngayon kinikilig ako. 

"Halika nga." Sabay yakap ni Fil kay Ashika,

Napayakap din ako, grabe laki talaga ng muscle at super bango ang bongga anv swerte ko talaga.

"Kinikilig ka talaga sa akin ha?"

"Syempre, matagal kitang naging crush. Tapos naging boyfriend, then ibang-iba ka noon pero ngayon, grabe." Sabay kagat labi.

"Ashika, wag ka masyadong mang akit. Gusto ko sa kasal na natin ulit." Sabay kindat ni Fil

"Aba, baka sa kasal natin hindi ka makailan?" 

"Hinahamon mo ako?" Tanong ni fil.

"Hindi naman, pero try na natin." Pabulong ko lang na may halong landi ang boses.

Nailing si Fil na natatawa at kinulong sa bisig niya ang dalaga, parang ayaw niya muna pakawalan ito. Halos isang buwan din sila hindi nagkita at talagang na miss niya nang sobra ang dalaga.

"Sobra kita na miss.."

"Ako din, akala ko hindi ka na magpapakita." Sabay tingala at tingin kay Fil.

"Humanap lang ako nang magandang tyempo, para na din makapag propose sayo."

Ngumiti ako at inabot ang labi niya, isang maliit na halik lang at muling tumitig sa kanyang mukha.

"I can't wait, na magiging Mrs. Blanquera na ako."

"Ako din." Sabay lapit ng mukha ni Fil sa bandang teyna.

"Mas lalu kita paliligayahin pagtapos ng kasal natin." 

"Oh, talaga." Sagot ko sabay ngiti.

Natawa na si Fil.

"Seryoso ka talaga ahh!"

"Bakit hindi ka seryoso?" Tanong ko sabay simangot at umalis sa pagkakayakap sa kanya.

Pero agad na hinatak siya ni Fila kaya muling napayakap si Ashika.

"Wag ka nga umalis, gusto ko andito ka lang sa tabi ko"

"Talaga?"

"Of course, i love you Ashika. I love you so much!" Bulong ni Fil 

"I love you too! My dear." 

~

"Ang ganda nang gown ko!" Excited ako pinagmamasdan ang sususotin ko para bukas, grabe hindi pa din ako makapaniwala na ikakasal na kami bukas.

"Mukhang tuwang-tuwa ka sa wedding dress mo?" 

"Hi Lolo! Sobra!" Excited kong sagot at lumapit kay Lolo yumakap ako sa braso niya.

"Dapat maaga kayo matulog at ihhatid ninyo ako bukas."

"Alam ko yun iha, pero dapat matulog ka na din nang maaga lalu at ikaw ang ikakasal bukas." 

Tumango lang ako, halos one week kami hindi nagkita dahil sa mga pamahiin. Pero syempre sinunod na namin, may cellphone naman kaya lagi din kami magkausap dalawa.

"Excuse me po Chairman and Mam Ashika!" 

"Tuloy ka." Wika ni Luisito.

"May nagpapabigay lang po nito sa inyo." 

Nakita ko ang box na color red at kinuha yun, nakita ko na may note na nakalagay na best wishes.

"Kanino kaya galing to." Bulong ko at binuksan na ang box. Pansin ko na bracelet yun, medyo pamilyar siya sa akin pero hindi ko matandaan.

"Anu yan iha?"

"Bracelet lang po Lolo, wala naman nakalagay kung kanino galing." Sabay tingin ko sa katulong.

"Sino nagdala nito?"

"Nakita lang po namin sa gate ma'am, sa inyo lang po kasi nakapangalan." Sagot nito.

Tumango lang ako at pilit na ngumiti.

"Sige salamat "

"Sige po, maiwan ko na po kayo." 

"Iha, magpahinga ka na. Magpapahinga na din ako."

"Sige po lolo salamat." Humalik na ako sa pisngi niya hanggang ihatid ko siya sa pintuan, bago muli tumalikod.

Bigla ako natahimik dahil naalala ko na kung kanino ang bracelet na yun.

"Alam ko kay Tyron, ako nagbigay nun sa kanya pero imposible. Patay na siya " bulong ko at pinilit ipilig ang ulo, mabilis ko nilapag ang box sa may mesita at nahiga na ako sa kama, kailangan ko na makatulog dahil bukas na ang kasal ko.


#AuthorCombsmania

The Granddaughter( COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon