The Granddaugther
Chapter: 11
"Oh my god! Andiyan na si Sir fil!" Halos kinikilig na sabi ng ibang babae kapag nakikita si Filmann.
Inayos pa nito ang suot na uniform at sumalubong na dito.
"Good morning Sir!"
"Good morning." Pormal lang niyang sagot at lumagpas na para diretsong pumasok sa opisina.
Bigla naman natawa ang kasama niya,
"Bakit ka natatawa?"
"Hindi ka kasi pinansin na naman ni Sir!"
Napairap na lamang siya at bumalik na sa pwesto..
Naupo na siya sa kanyang upuan at agad na binuksan ang computer.
"Sir."
"Yes?"
"May bisita po kayo?"
Lumingon siya at ganun na lamang ang gulat niya nang makita ang Chairman, agad siyang tumayo.
"Good morning Chairman!" Bati niya sabay bow nang kaunti lang naman, ganito kasi magbatian ang mga chinese.
"Huwag na iho."
Ngumiti lang si Fil, nakita niyang kasama din nito ang lalaking kumausap sa kanya kahapon.
"Maupo ho kayo Chairman!"
Naupo naman si Luisito at Ronald,
"Alam kong tinanggihan mo ang offer ni Ronald sayo kahapon."
"Kaya po ba kayo ang, nagpunta dito ng personal?"
"Oo."
Napasandal siya sa kinauupuan, wala naman pinakitang mali ang chairman sa kanya. Kundi umiiwas lang siya dahil na din sa mga nangyari noon.
"Iho, kami na lang dalawa ni Ashika ang magkasama. Nanganganib pa ang buhay ko, gusto ko lang naman na bago talaga ako mawala magka-sundo pa kaming dalawa."
"Pero-"
"I understand, sigurado akong may tampo ka din sa akin dahil sa mga nangyari noon."
"Wala po, maniwala po kayo. Malaki ang utang na loob ko sa inyo, ng buong pamilya ko. Kaya wala po ako karapatan na magtanim ng utang na loob po sa inyo."
Ngumiti si Luisito.
"Iho, tanggapin mo na sana ang alok ko. Hindi lang naman kasi ako kundi pati si Ashika."
"Pag iisipan ko pa din po yan Chairman." Sagot niya.
Napatango na lamang ito at tumayo na,
"Bukas lagi ang opisina para sayo iho."
Tumindig na din si Fil
"Ihahatid ko na po kayo."
~
"Kamusta na pala ang iyong inay?"
"Maayos naman po, busy lagi sa Retaurant."
"Mukhang nakatapos ka ng maayos iho."
Ngumiti si Fil at napakamot sa ulo.
"Hindi ka na yung laging tinatawag ni Ashika na patpatin, hindi ng kita halos nakilala."
"Ang Chairman naman palabiro pa din."
"Sigurado ako, kapag nagkita kayo ni Ashika matutuwa yun."
Ngumiti ako ng pilit, sigurado ko na hindi matutuwa si Ashika kapag nakita ako.
"Kamusta na nga po pala sila ni Tyron?"
Umiling lang ito.
"Hindi ko mapilit ang apo ko, kaya pati kami ni Homer ay hindi na naging maayos." Sagot niya at huminto na dahil nasa tapat na sila ng sasakyan.
"Asahan ko na may ibabago pa ang isipan mo."
"Sige po Chairman."
Ngumiti ito at tumalikod na nang biglang may dumating na naka motor, at pinagbabaril ang pwesto ng Chairman.
Mabilis naman na idinapa ito ni Fil, at agad binunot ang baril.
Sumenyas siya kay Ronald na itago ang Chairman, sumilip siya at pansin niyang pabalik ang mga nakamotor.
Mabilis siyang tumayo at sunod-sunod na paputok ng baril ang ginawa.
Muli siya nagtago ng maglabas na ito ng armalite at paputukan si Fil.
Pinapalitan niya ang magazine bago ulit tumayo para magpa-putok. Ngunit mabilis na ang mga ito na makalagpas.
Lumingon siya kay Chairman at mabilis na lumapit
"Chairman!" Pansin niyang may tama ito.
"Dalhin na natin siya sa Hospital!" At mabilis na inalalayan.
~
Naghihintay lang silang dalawa ni Ronald sa labas ng operating room, hindi naman masyadong malalim ang tama ni Chairman Yu ngunit dahil sa may edad na ito ay kailangan pa din masuri maigi.
"Kelan pa may mga ganitong eksena?" Tanong niya
"Ang totoo matagal na, mula mamatay ang mga magulang ni Ashika sa aksidente. Ang Chairman naman ang laging napapahamak."
"Alam ba ni Ashika ito?"
Umiling si Ronald
"Hindi na siya nakikipag usap sa lolo niya, pero uuwi na siya sa sunday. Magugulat sigurado yun kapag nakita sitwasyon ng lolo niya ngayon."
Magsasalita pa sana siya nang may biglang lumabas na doktor.
Agad naman lumapit si Ronald.
"Kamusta na siya doc?"
"Out of danger na si Chairman, pero kailangan pa din nang pahinga. Ililipat na namin siya sa kwarto."
Napatangon si Ronald, nagpapasalamat pa din siya at hindi napahamak ang kanyang amo.
"Eto ang ikinatatakot niya, pano na lang kapag nadamay si Ashika."
Lumingon si Fil kay Ronald.
"Ayaw niya na madamay ang nag iisang apo." Lumingon din si Ronald kaya halos magtama ang mga mata nila ni Fil
"Kaya kahit ako nakikiusap sayo, ikaw ang pinakamagaling sa lahat na agent. Kaya pakiusap, para kay Chairman at Ashika."
Napahinga siya nang maluwag at tumango.
Ngumiti si Ronald, alam niya na ang pagtango ni Fil ay senyales na pumapayag na ito.
"Salamat!"
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomanceIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...