Mataas na ang sikat ng araw, nang ako'y nagising sinikap ibuklat ang mga mata upang makita ang orasan.
Dali dali akong nagmadali para pumunta sa restroom para maligo.
"Late na ako." sambit ko
Nagmadali akong mag ayos ng sarili ko, sinuot ko ang uniforme ko naglagay ng kolorete sa mukha at nagmamadaling bumaba ng hagdan.
Sa kusina ang diretso ko para magpaalam kay Mama na dali dali kong niyakap at hinalikan sa pisngi ganun din ang aking Papa.
"Umuwi ka nang maaga Madi." ani ni Mama
"Opo, makaka asa po kayo di ko po nakalimutan ang kaarawan ni Papa." bulong kong sambit sa taenga niya.
Nagmamadali kung kunin ang susi ng kotse at nagmaneho papuntang school, pi-nark ko ng maayos ang kotse at dun nagsimulang tumakbo papuntang klassroom.
Ito ang unang araw ng eskwela, Third year college na ako at kasalukuyang kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management.
Yes, kung di niyo tatanungin ay hilig kong kumain, mag luto o mag baked ng kung ano anong putahe. Napili ko din ang kursong ito sapagkat sa ganitong larangan din natapos ang aking mga magulang, iisa lamang akong anak dalawa sana kung hindi namatay ang aming bunsong si Melody nasa sinapupunan palamang siya nang matuklasan naming wala na itong pulso.
Malungkot may kailangan namin itong tanggapin.
Pumasok ako sa klasroom ng may ngiti at galak na makilala ang bago kong mga kaklase, hindi na lingid sa kaalaman kong makita si Audrey, na no'oy nasa dulo ng classroom at mag isang nagbabasa ng libro.
Nilapitan ko siya at ibinaba ang libro na natatakpan ang buo niyang mukha.
"Audrey Chavez" ani ko.
"Yes? buong buo talaga?"
"Masaya lang akong mag kaklase parin tayo, nawa'y ganun din sa susunod na taon." sabi ko.
"Kung ganun ay bawas bawasan natin ang pag ninight-out para ang gusto mo ang masunod." ani niya.
"Ang sungit mo naman, meron ka? Opo master babawasan na po." ngiti kong sabi sa kanya.
"Tss." tanging tugon niya.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na din siya sa pagbabasa. Ako naman ay nilabas ko ang cellphone at tinext si Sam.
Magkita tayo mamaya sa parking. :)
Yan lang ang sinabing ko at sinend na yun kay Sam.
Yes, si Sam Clifford ay ang aking nobyo mag dadalawang taon na din kami sa aming relasyon, masaya pero hindi rin maiiwasan ang pag aaway natural na din naman iyon.
Nagkakilala kami nung Unang taon ko sa Kolehiyo klasmate ko siya at naging mas malapit pa kami sa isat isa nung parehas kaming naging aktibo sa school activities nang magkaroon kami ng katungkulan. Siya ang Presidente ng HRM COUNCIL at ako naman ay Sekretarya niya.
Nawala ako sa wisyo ng biglang pumasok ang aming propesor, siya ay walang iba kundi si Mr. Cruz, kilala ko na siya, ilang beses ko na din siyang naging guro. Isa siyang mahusay na guro at talaga namang tutok sa mga estudyante niya.
"Okay class." panimula niya
"Tawagin nyo na lamang ako sa pangalang Johnloyd, para ang kasunod ay Cruz haha." pagbibiro niya
Nagtawanan ang buong klase, karamihan sa mga kaklase ko ay kilala ko na dahil karamihan samin ay Block Section o yung matatawag na regular yung subjects mo, may iilan lang na bago ang mukha sakin.
YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.