Biyernes na, sinikap kong maging okay inalis sa isipan ang mga nangyari. Nagsimula ako maligo, nag ayos ng sarili at bumaba upang kumain ng almusal.
"Breakfast ready madi." ngiting sambit ni Mama habang inaayos ang lamesa
"Good morning ma, nasan po si Papa?"
"Maaga siyang umalis busy ngayon ang Papa mo, sa makalawa naman ay may business trip siya sa Singapore."
"Napapadalas ata ang paglabas ng bansa ni Papa ma ganun nalang ata kaimportante ang trabaho niya."
"Balak na kasi namin mag retiro anak at magtatayo nalang ng negosyo." ngiting tugon niya.
"Good news yan ma, wag kayo mag alala Ma pag kagraduate ko po ay ako na mismo ang bahala sa inyo ni Papa." pangiti ko siyang tinignan at nagsimula na sa pagkain. "Ma napakasarap naman nito, pagbaunan mo po ako."
Maya maya ay narinig ko na ang busina ni Sam, tumayo na ako at kinuha ang lunch bag sabay 'nun ang pag paalam kay Mama at tuluyan nang lumabas.
"Good morning babe." inalalayan niya ako papasok ng kotse.
"Good morning babe." pagbati ko
Sinimulang tahakin ang daan, nang makarating sa school ay nauna akong lumabas ng kotse sapagkat maaga ang klase ko kay Miss Eliz, patakbo ako ng hallway nang makita si Sophie sa may drinking fountain nag rerefill ng tubigan niya.
"Ikaw pala Madi, hindi mo kasama si Sam?"
"Nauna ako sa kanya maaga ang unang klase ko ngayon". pagpapaliwanag ko "Sige Sophie mauna na ako" tatakbo na sana akong palayo nang hinawakan niya ang braso ko.
Napahinto ko siyang tinignan, inaantay ang sasabihin niya pero wala siyang tugon. "Sophie, bakit? may sasabihin kaba?"
Tinanggal ang mga kamay saking braso at umayos ng pagkakatayo "Ah! wala Madi, ingat ka." yun lang ang sinabi niya at sinimulan na akong talikuran.
Weird..
Patakbo ako pumunta sa classroom, dun nakita ko na si Miss Eliz na nasa unahan at may sinusulat sa white board.
"Miss Blake, you're late" sambit niya habang nagsusulat sa pisara.
Dalawa ang pintuan ng klassroom at napag isipan kong 'don dumaan sa likurang bahagi para hindi niya maramdaman ang presensya ko, hindi ko inaasahan nang naramdaman niya ang pagpasok ko at talagang kilala niya kung sino ang pumasok kahit nakatalikod siya. Ang lupet mo ma'am
"Sorry Miss, hindi na po mauulit." hindi niya ako nilingon at patuloy pa'rin sa pagsusulat. Naupo ako sa tabi ni Audrey, nakakunot ang noo niya nang tignan ako, sa mga titig niya ang pagtatanong kung bakit ako late.
"Yung pinsan mo kasi hinarang ako sa hallway, siya ang sisihin mo." bulong kong sambit sa kanya.
Nagsimula ang klase at tutok ang buo kung atensyon 'ron. Nang matapos ang klase kay Miss Eliz ay lumipat naman kami sa susunod na klase, si Mr.Cruz ang sumunod na klase nagturo siya at nagbigay ng seatwork at homework pero ang totoo ay wala naman talagang tinuro nagkwento lang sya ng buhay niya halos kalahating oras ng klase ay tungkol lamang sa talambuhay niya.
Iyon ang huling klase namin sa umaga, nasa canteen kami upang kumain ng lunch nasa iisang lamesa kami at nagsasalo. Kumain kami nang wala si Sam busy siya dahil ngayon ang kanilang panunumpa sa posisyon. Nauna akong matapos sa kanilang kumain at dumiretso sa Mabini Hall upang dalhan ng lunch si Sam.
YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.
