Nagising ako sa tunog ng alarm clock, kinapa ang side table upang patayin ito pilit minulat ang mata at napapikit akong muli nang tumama saking mata ang sikat ng araw.
Sa sandaling iyon nakaramdam na ako ng kaba, bumangon ako at naupo sa kama lalay ang mga paa sa sahig, kahit ang mga tuhod ko kay nanghihina. Kinakabahan sa mangyayari ngayong araw.
Kahit si Sam nalang ay okay na ako. Tanging bigkas ng aking isipan.
Nagtungo na ako sa restroom para maligo, nagsuot ng uniforme at inayos ang sarili. Dali dali akong bumaba at tumumbad sakin si Sam na nakaupo sa sala kasama si Papa na no'oy parehas na may hawak na tasa.
"So early, bakit di mo ako tinawagan na andito kana pala." pagtatakang paglapit ko.
Ngumiti siyang at kinurot ang aking pisngi "Sinadya kong agahan para isurpresa ka, Good morning babe." tsaka nagbaba ng tingin at tinungga ang tasa niya.
"Balita ko ngayong araw ang elekyon, Good luck sa inyong dalawa mga anak." pangiting tugon ni Papa "Ano man ang kalabasan niyon" bumugtong hininga siya "just enjoy it."
"Gising na pala si Madi" bungad ni Mama pagkalabas galing ng kusina "Breakfast is ready, lets eat."
Nagtungo kami sa kusina at nagsimulang kumain, habang kumakain panay ang kwento nanaman ni Mama talagang masaya siya dahil narito si Sam, anak na talaga ang turing niya rito. Nang matapos mag almusal ay nag paalam na kaming aalis na.
Kinuha ko ang bag ko sa sala, nakita kong lumabas si Mama sa kitchen at may dalang lunch bag "Alam kong magiging busy kayo mamaya kaya nag handa ako."
"Salamat ma" niyakap at hinalikan ko siya sa pisngi ganun din kay Papa na no'oy nasa sala na rin. "Aalis na po kami. Mag ingat din po kayo sa trabaho Ma Pa."
Hanggang sa labas ay sumunod si Mama siniguradong makaka alis kami ng ligtas. Pumasok na si Sam sa loob at minani'obrang pinaandar iyon.
"Ma, dating gawi po dun kami matutulog sa place ni Audrey" pahabol ko bago pumasok sa kotse
"Ha! anak di ka nag paalam sa Papa mo. Anak ... anak .. Madi.."
"Ikaw na po bahalang mag explain ma. I love you po." yun at tinungo na namin ni Sam ang daan pa eskwela.
Ganun ako lagi sa mga magulang ko kapag may Sleep over kami o kaya'y Out of town kay Mama lang ako nagsasabi, dahil kapag kay Papa madami pa yun sasabihin, madaming leksyon ang aabutin bago mo mapapayag. Ganun naman talaga ang mga Tatay eh, syempre kapakanan at kaligtasan lang din nating mga anak ang iintindihin nila. Iba iba naman kasi ang pananaw ng bawat tao depende nalang ito sa diskarte mo sa buhay.
Bumalik ako sa wisyo ng magsalita si Sam "Babe, okay ka lang? 'bat tulala ka, kinakabahan ka ba?
"Kanina babe, pero ngayon nawala na. Ikaw ba?
"Sa totoo lang ay di ako nakatulog ng maayos, iniisip ko ang kakalabas ng botohan" sabi niya habang nakatingin sa daan.
"Bukas na natin isipin 'yon babe, ang importante ay ang ngayon" nakangiti niya akong nilingon at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Nasa parking lot na kami ng makitang kabababa lang ng kotse ni Audrey at Sophie, nagtungo sila sa gawi namin at inantay matapos iparanda ang sasakyan. Nang matapos ay sa sabay kaming naglakad papasok ng campus, nauuna sa pag lalakad ang mag pinsan nasa likuran naman nila kami na no'oy magkahawak kamay.

YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.