Sa sandaling marinig ko ang pangalan niya parang huminto ang ang oras.
Bakit ikaw ang sumagot? maarteng pagtatanong ko.
Naiwan ni Sam yung phone niya.
Okay, pakisabi nalang na tumawag ako.
Pinutol ko na ang linya, talagang napahawak ako sa noo ko nang maibaba ko ang telepono mula sa taenga ko.
Nagkibit balikat ako sapagkat ito ang unang beses na naiwan niya ang kanyang cellphone sa kung saan saan, at sa pagkakataong 'yon babae pa ang sumagot.
Muli ay napag isipan ko nalang na maligo at mag ayos ng sarili, inihanda ko na ang saraili ko kung sakaling matutuloy pa nga ba ang dinner namin ni Sam.
Oras pa ang lumipas ngunit wala ni tawag o text manlang na natatanggap mula sa kanya, kaya sa huli naisip ko nalamang matulog. Nagising ako nang maramdamang may yumakap mula saking likuran, napabangon akong tumitig kay Sam na ang muka'y nakasandal saking likod, ramdam ang pagod niya.
"I'm sorry babe, hindi na tayo nakapag dinner sa labas." malungkot na sambit niya.
"Sobrang busy ba?"
"Sobrang daming plano babe, sunod sunod ang pagtawag ko ng meeting para maisa ayos na ang lahat."
"Si Ashley ang sumagot ng phone mo." sinabi ko 'yon na walang emosyon
"Nabanggit nga niya." malumanay na sambit niya
"Next time 'wag mong iwan, pakiusap." may pagdiin kong sambit "Unang beses tong nangyari, nakaraang taon naman kahit busy tayo sa Council nakakapag bonding pa tayo kasama sila Audrey." humarap ako sa kanya, may tampo man ay pilit kong tinayo ang ulo niya at tumitig sa kanyang mga mata.
Umayos siya at umupo sa kama "Sorry babe, iba ang pagod kapag hindi ikaw ang kasama ko."
Naupo rin ako "Gusto mo bang patalsikin ko na sa pwesto si Ashley?" biro ko
"Why not? tutal ikaw naman talaga ang gusto kong makasama." napangiti siya na akala mo'y madali lang ang binabalak.
"Biro lang 'yon, isa pa mukhang okay naman si Ashley."
"I don't think so?" tumingin saking mukha at sabay hinalikan ang aking labi dahan dahan at banayad niyang hinalikan 'yon naliliyo sa sarap ng pakiramdam.
Mas lalong dumiin ang kanyang paghalik gumapang ang kanyang kamay hanggang maabot ang aking batok, sa isang sandali pa ay dahan dahan nakong nahiga dahil sa paraan ng kanyang paghalik, nakakalunod at sadyang kakapusin ka ng hangin.
Habang tumatagal mas lumalalim mas ramdam mo ang pagmamahal at pananabik, naroon ang pangamba na baka hindi lang sa ganung situasyon humantong ang lahat.
"Babe" pagtawag ko nang nasa leeg ko na ang kanyang labi.
"Hmm" ipit na ungol niya habang nasa leeg ko pa ang bibig.
"Hindi na ba tayo aalis" sinadya kong magtanong para umiba ang ihip ng hangin.
Tumigil siya sa ginagawa at muling pinagpantay ang aming mukha, muling hinalikan ang labi ko "Let's go downstairs". sabay bangon niya at inakay ako upang makatayo.
"Anong meron?" hindi na niya ako sinagot bagkos hawak kamay kaming pababa ng kuarto.
Nilagpasan namin ang sala, dumiretso kami sa kusina kung saan naroon ang mga pagkaing nakahain. Hinila niya ang upuan at inalalayan akong makaupo, sabay abot sakin ng isang bouquet ng pulang rosas.
YOU ARE READING
Lost In Love
Ficção Adolescente( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.