Sabay sabay kaming pumasok sa school kinabukasan, dala pa rin ang kasiyahan kagabi. Tulad ng inaasahan ay may hang-over ang mag pinsan ngunit pinilit pa rin pumasok para maibsan ang sakit ng ulo.
Nakarating kami sa school at diretsong tinahak ang loob ng campus. Nakarating na kami sa Plaridel Hall at nagpaalam si Sophie at Erika upang pumunta na sa klase nila, tumugon kami bilang paalam. Naglakad papuntang building ngunit hindi talaga maalis sa'king paningin ng mga tao sa hallway lahat sila ay nakatingin saming tatlo.
Sa ganong situasyon nahulaan ko na ang kanilang kilos, alam kong nakapaskil na sa HRM Bulletin ang kinalabasan ng boto.Doon naramdaman ko na ang kaba, gulat akong tinignan ang kamay kong hinawakan ni Sam, hawak kamay naming tinahak ang gawi ng bulletin board, nasa may hallway palang kami ay nakita nang aking mga mata si Ashley, papalapit na kami sa isa't isa nang huminto ito sa harapan namin at itim bagang tinignan si Sam.
"Congrats." aniya akala mo'y magkakilala silang lubos.
Hindi siya sinagot ni Sam ngiti lamang ang naisukli niyang sagot dito. Nilagpasan namin siya na parang walang nangyari, ngunit nilingon ko siya at nasa akin na ang kanyang paningin.
"What the fuck" kunot noo kung nilingon si Audrey, at ganun nalamang ang gulat ko nang makitang nasa akin ang kanyang paningin. Lumingon ako upang makita ang resulta ng boto.
Nanghina ang aking tuhod tila mapapaupo ako ano mang oras, bigla nanuyot ang aking lalamuna. Bakit? may kung ano sa kalooban kong gustong umiyak ngunit pinigilan ko iyon dahil sabi ko aa sarili ko tatanggapin ko naman ng buong puso ang kakalabasan ng botohan.
Nanalo parin bilang presidente si Sam, ikinatutuwa ko iyon ngunit si Ashley na ang kanyang sekretarya. Kaya ba ganun nalamang ang tingin niya sakin kanina? panunukso ba yon o ano?
Nilingon ako ng dalawa at tinignan "Ayos lang," may lungkot saking mga matang nginitian sila. "Tara malalate na tayo."
Nauna akong umalis sa lugar na yun at dimiretso sa classroom, nasa hallway na ako pero ang lahat ng mga mata nila'y nasa akin pa'rin. Nayuko ang aking ulo sa arm chair at nagulat na lamang na may tumulong luha saking mata pasimple ko iyon pinunasan nang maramdaman ang presensya ni Audrey saking tabi.
"Madi" ramdam ko ang kalungkutan niya sa boses.
Nag angat ako ng ulo at ngiting tinignan siya "Ayos lang ako, ano ka ba may kirot pero okay lang," bumuntong hininga "Hindi lagi sakin aayon ang panahon Aud."
Seryoso ba talaga ang lahat dahil ang bilang ng boto namin ni Ashley ay hindi magkalayo, lamang siya ng isang boto sakin at nakakatuwa namang si Sam ay lamang ng isang boto kay Ricky.
Kasabay ng aking isipan ang pagpasok ni Miss Eliz sa classroom. Inanunsyo niya ang tungkol sa bagong miyembro ng HRM Council pinasalamatan niya din ang ibang kalahok dahil sa pagsali 'ron. Nagturo siya pagtapos ay nag bigay ng module para sagutan namin. Nasagutan ko yon ng maayos pero wala talaga dun ang isip ko.
Lunch na nang nagkasama kami ni Sam, naupo kami sa canteen hawak niya ang kamay ko habang kumakain ramdam ko ang lungkot na namamagitan saming lahat kahit si Sophie at ang mga kaklase nito ay malungkot din para sakin.
Natapos kami kumain at dumiretso sa kanya kanyabng classroom, natapos ang araw na iyon na wala ako sa sarili na kahit si Audrey hindi ko makausap ng matino. Gusto ko nalamang ng katahimikan sa oras na 'to.
Binabaybay namin ni Sam ang daan pauwi nang mapansin kong huminto siya sa may parke, inalis ang seatbealt sakin at pinagbuksan ako ng pinto. Naglakad kami at naupo sa may bench malapit sa swing.
"Babe, sorry wala akong magawa."
"Tanggap ko, hindi ko lang magets ko bakit ganun ako tignan nung Ashley na 'yon".
Kung bakit sa ganung paraan niya ako tignan. Ninais ko mang manalo para sa posisyong iyon pero tanggap ko din naman ang kinalabasan, normal naman na matalo sa isang paligsahan dapat bilang isang manlalaro tanggap mo ang kahihinatnan ng laro hindi naman lingid yon sa kaalaman ko.
"Wag mo nalang pansinin." dumikit siya at niyakap ako.
Inikot namin ang lugar na yon nagpapalipas ng oras, pinanuod ang mga kalalakihang kasalukuyang nag lalaro ng basketball at ang mga bata ay masayang naglalaro sa swing.
Napag isipan din namin na kumain na ng hapunan sa labas sapagkat naabutan na rin kami ng dilim. Dinala ako ni Sam sa malapit na food hall sa park.
"Masarap ang Bulalo dito babe." pagpilit niya hinawi ang upuan upang makaupo ako.
Lumapit ang isang babae at kinuha ang order namin. "Miss isang order ng bulalo dalawang kanin at isang order ng sisig." agad namang sinulat iyon ng babae at umalis
"Dalawang kanin, Sisig at isang oder ng Bulalo. Enjoy your meal Ma'am, Sir."
Kumuha si Sam ng maliit na mangkok at nagpiga ng kalamansi kasama ng patis, ganun din ang ginawa niya sa sisig hinalo ito para mahalo ang itlog at nagpiga ng kalamansi.
"Kung gawin mo yan ay parang bihasa kana, madalas ka ba dito?."
"Babe dito kami madalas ni Dave, pagtapos namin sa uminom dito ang punta namin para mag goto o kaya ay mami." pagpapaliwanag niya
Natatandaan ko na minsan nga'y may nakwento siyang nag inuman sila mag kaklase at napadaan sa isang kainan para kumain ng Goto. Kumain kami ng taimtim na nilalasap ang sarap ng pagkain masasabi kong masarap talaga ang pagkain dun dahil naubos namin ni Sam ang lahat.
Nasa bahay na ako nang pumasok si Mama mula sa pintuan may dalang gatas, alam kong alam na niya ang nangyari hindi kasi tulad ng nakaraang taon na sakanila ang diretso ko at patalon talong hiyakap sila para mahatid ang balitang nanalo ako sa botohan. Taliwas yun ngayon, kanina kasi sa kuarto agad ang punta ko kahit alam kong nasa sala sila ni Papa at nanunuod ng t.v.
"Madi anak" nilagay sa lamesa ang dala at naupo sa tabi ko
"Yes ma?"
"I know what happ.." pinutol ko ang sasabihin niya
"Wala naman na yon sakin ma, isa pa bago palamang ang botohan ay tinanggap ko na ang magiging resulta nun."
"That's good anak."
"Sorry ma, pero gusto ko nang magpahinga."
"Sige anak maiwan na kita, make sure na inumin ang gatas bago matulog."
"I will, thank you ma Good night." hinawakan ang aking pisngi at hinaplos ang mga buhok ko.
Lumabas na si Mama ng kuarto pero naiwan akong lutang at nakatingin sa sahig. Iniisip kong paano na si Sam, ngayong iba na ang kasama niya, paano nalang kapag may oras na kailangan niya ako pero iba ang nasa tabi niya.
Nasapo ko ang aking noo, nilingon ang gatas na nasa mesa kinuha iyon upang inumin nang matapos ay agad na akong nag ayos para matulog.
Kahit sa paghiga ay di maalis saking isip ang ginawa ni Ashley, binati niya si Sam na tila ba magkilala silang lubos at kung tignan niya ako ay para bang may kasalanan ako sa kanya. Iling iling kong inisip ang mga dahilan pero wala ni isa don ang naging kasagutan dahil pangalawang beses ko palang naman nakikita si Ashley, ang weird lang isipin na sa ganung paraan niya yon ginawa.
Pikit na ang aking mata ng tumunog ang cellphone ko, mula sa lamesa ay inabot ko to. Dalawa ang text na naroon ang isa ay kay Sam at ang isa naman ay kay Audrey galing.
Good night babe I love you.
napangiting binasa ang text ni Sam, sinunod ko ang mensahe ni Audrey.
Girls night out soon.
Natawa akong binalik ang cellphone sa mesa, si Audrey nagyaya ng night out napagtanto na ata niya na oras na para magka love life siya.
Pinikit ko na ang aking mga mata, hanggang ngayong gabi ko lamang maaring dibdibin ang nangyari dahil bukas ay panibagong araw ulit.
---

YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.