Chapter Twenty-seven

3 0 0
                                    

Ngayong darating na sembreak ang aming anibesaryo, at sakto iyon sa magaganap na Island hopping namin. Heto kasi ang unang beses na mag Island hopping kami bukod sa mukhang masaya ito ay excited na rin akong ibigay kay Sam ng regalo ko.

"Oo nga, diba ngayong september 'yon." aniya.

"Hmm Audrey."

Ang mata'y nasa libro "Bakit?"

"Balak kasi namin ni Sam mag out of town ngayong sembreak."

Sa sobrang excited ko ay ako na ang nagsabi kay Audrey.

"Sasama kami ni Julius don't worry." Imbis na Sophia ang gusto kong marinig mula sa kanya ibang pangalan ang binanggit niya. Anak nang...

"May hindi ba ako alam Audrey Chavez?" pagtatanong ko, nagbabakasakaling sila na ni Julius at huli lamang ako sa balita.

"Madi ikaw ang unang makaka-alam." animo'y kinikilig pa ang loka.

"Naku, siguraduhin mo lang." pagbibiro ko.

Natapos ang pang hapong klase ay katulad lang ito nang kaninang umaga last meeting na namin sa ibang subject kaya wala na kaming iintindihin kundi ang kumuha nang grado ngayong semester.

Tulad din nang sinabi ni Sam ay inantay ko siya sa lobby, kung saan kasama ko ngayon ang dalawang love birds si Audrey at Julius kaya sa huli ang kausap ko ngayon ay si Sophie.

"Malakas na tama nang pinsan mo Sophie." bulong ko.

"Kahit sa bahay ay hindi ko na 'yan makausap, babad na yan sa telepono niya." pagpapaliwanag niya.

"Delikado na nga." sambit ko at sabay kami nagtawanan.

Ilang sandali pa ay ang pagdating ni Sam, animoy dean lister sa sobrang daming librong bitbit. Sinalubong ko siya upang kunin ang ibang gamit na hawak niya.

"Thanks babe."

"Bakit ang dami nito?"

"Manual 'yan para sa College week."

"I see."

Nagbatian muna ang lahat at nagkwentuhan bago namin pagpasyahan na umuwi na, sa parking lot na kami naghiwahiway.

Hinatid ako ni Sam sa bahay, nag stay pa muna siya hanggang dinner bago umuwi sapagkat hinarang siya si Tita Beatrice. Nakakatuwang pati ito ay anak na rin ang turing sakanya.

Malalim na ang gabi nang nagpaalam  si Sam na uuwi, malungkot man ang mukha pero sumang-ayon na din si Mama dahil may pasok pa kami bukas kaya hinatid ko si Sam hanggang gate kung saan nakaparada ang kanyang kotse.

"Salamat sa paghatid babe, mag iingat ka."

"Always welcome babe." sabay gawad saakin nang isang halik. Halik na ninais kong maramdaman ulit, marahan ngunit may sabik. Isang halik na pinapahina ang tuhod ko.

"I love you." sambit niya

"I love you too." kasabay nang pagyakap ko sa kanya.

Pagkarating ko sa kuarto ay agad din ako naligo, nang matapos ay pinatuyo ko ang buhok ko sa harap nang salamin binuksan ko ang drawer at kinuha ang suklay sa loob pero bago ko pa man makuha ang suklay ay bumungad saakin ang papel na nakuha ko sa wind shield nang aking sasakyan.

GET LOST!

Muling nanumbalik saakin ang araw na nakita ko ito na nakaipit, kung paano ito napunta sa sasakyan ko at kung para ba saakin ito.

Lost In LoveWhere stories live. Discover now