DISCLAIMER
The following story is purely frictional and the plot is not to be assiociated with actual historial record. All characters, event, names in this story are either purely imagination. Any resemblance or similarity to any actual events, entities or persons, whether living or dead is entirely coincidental.
LOST IN LOVE
ALL RIGHTS RESERVED, 2020
©HEYIMBHONGS------------
"Nakakapagod".
Sa buong araw na ginugol ko dito sa trabaho ngayon lang ako napagod nasabi ko yun habang hawak ko ang mga baywang ko.
di ko inaasahan na sa paglabas ko ng kitchen ay nakita ko si Audrey na nasa dining at kumakain.
Natutuwa akong lumapit sa kanya
"Aud, napadalaw ka ata ? alam ko namang mamimiss mo ko sana'y tinawagan mo muna ako bago ka pumunta para di ako pumasok at mag bonding tayo bago ang flight mo bukas." ani ko
"Ayaw na din kitang istorbohin alam kung busy ka, sa dami ba naman ng customer nyo palagi ay di kana magkanda-ugaga sa pagluluto." ani ni Audrey.
Nalulungkot ako sa iisiping aalis na siya bukas para tumira kasama ang kanyang mga magulang, matagal ko na ding hinihiling na makasama niya iyon dahil alam ko sa puso't isip ko ay miss na miss nya na ang kanyang pamilya.
Di ko mapigilang umiyak, nangingilid ang mga luha ko pero agad ko iyong pinigilan upang di magpatuloy ayaw kong makita niya akong lumuha dahil paniguradong malulungkot siya at ayokong mangyari iyon."Tapos na din naman shift ko, ano mag gi-girls night out ba tayo bago ka lumipad bukas."? ngiti kong tugon sa kanya.
"Hindi na."! pagpipigil niya
"Alam kong pagod ka pumarito lamang ako para ibigay tong munting regalo ko, isa pa gusto kitang makitang nakangiti." ani ni AudreyAng wierd niya, di naman siya ganun dati at never nya akong binigyan ng regalo sa tuwing may okasyon o may espesyal na kaganapan sa buhay ko.
Inabot ko iyon ng may ngiti at inilapag muna sa lamesa.
"Gustuhin ka man makita ang pag ngiti mo ngayon, bukas o sa mga susunod pang araw di ko na magagawa, tanging sa pag tawag ko nalang maririnig ang mga tawa't halakhak mo, heto na ang iyong hinihintay Madi." dagdag nya pa
Magsasalita na sana ako nang bigla niyang ayusin ang hibla ng mga buhok ko sa aking sintido at ilagay iyon sa likod ng aking tenga.
Kunot noo akong tinignan siya, isa lamang ang gumagawa nun sakin walang iba kundi si Zaiden.
Nagulat ako nang kunin niya ang table napkin sa kanyang hita at pinunasan ang kanyang bibig at umakmang tatayo na.
"Aalis na ako Madi, di pa ako nakakapag ayos ng gamit ko tatawagan kita pagkadating ko ng amerika, mamimiss kita." ani ni Audrey.
Mas lalong di ako nakapag salita nang lumapit siya sakin, niyakap niya ako ng mahigpit hanggang sa ..
"Bilang bestfriend mo, hanggad ko muli ang kasiyahan mo."
Sinabi niya iyon na parang wala lang aalis lang naman siya right?
San ba talaga ang punta niya?
Di naman siya magpapakamatay right?Yun lang at nagpatuloy na siya sa paglalakad palabas ng store.
Ang weird niya, pero mas weird ako kasi di ko manlang nagawang sagutin ang mga kawirduhang ginawa niya.
Anong eksena ni Audrey at ginawa nya yun sakin iisa lang ang gumagawa nun, nakakainis nasa iisipin ko nanaman tuloy si Zaiden.
Nawala sa isip ko si Audrey nang maramdaman ko ulit ang pagod, muli akong tumayo at naglakad papunta sa locker para kunin ang mga gamit ko, laking gulat ko nang pagbukas ng locker ko ay may isang maliit na box dun na kulay asul natataka akong kinuha iyon at binuksan.
Laking gulat ko nang makita ang paborito kong chocolate.
"Zaiden..."
"Zaiden..."
--

YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.