Nilingon ko si Sophie nang may pagtataka, gustuhin ko mang malaman ang nasa isip niya sa sandaling iyon kaso mas napako ang paningin ko kay Julius at Audrey na kasalukuyang malalim ang pinag uusapan.
"Let's go." ani ni Sam
Sandali pa akong naiwan sa kinatatayuan ko bago ako hilahin ni Sam ang mga braso ko papalayo "Let them talk."
Namalayan ko nalang ang sarili ko sa loob ng classroom kahit kay Sophie ay hindi na ako nakapag paalam masyado akong naging tutok kay Audrey at sa sinabi ni Sophie.
"Bakit ka tulala?" kahit ang pagdating ni Audrey ay hindi ko namalayan masyado akong naging tutok sa aking iniisip.
"Kararating mo lang?"
"Kanina pa" aniya "Hinatid ako ni Julius hanggang sa labas."
"Labas?"
"Oo sa labas" sabay turo niya sa pinto "Ng classroom." dagdag niya.
Tanging ngiti nalamang ang naisagot ko sa kanya, masaya si Audrey, kahit ang puso ko'y masaya sa tuwing nakikita ko siyang masaya, walang wala ang sayang iyon sa mga nagdaang araw, buwan at taon na nagkasama kami.
Sa sobrang daming gawain ngayon, miski ang makausap ko manlang si Audrey maghapon ay hindi ko nagawa, tutok kaming lahat para sa finals idagdag mo pa ang paparating na college week, halos hindi na kami magkamayaw ni Audrey sa pag-research ng aming lulutuin para sa Cooking Fest.
"Look." sabay abot ng libro saakin
"Hmm, yan nalang Aud pasok yan sa panlasa nila."
Kasalukuyan kaming nasa library at naghahanap nang iba pang impormasyon tungkol sa German Cuisine, halos lahat nang oras namin kinain na sa pag reresearch, halos malipasan na rin kami ng gutom dahil sa sobrang tutok sa mga libro.
"Nagugutom na ako." sambit ko habang hinihimas ang tyan ko.
"Kumain kana muna."
"Hindi ka ba nagugutom?"
"Hindi"
"Hmm, may papabili ka ba?"
Inabot niya ang tumbler niya "Refill nalang, salamat" sinabi niya 'yon nang tutok pa din ang mga mata sa libro.
Iniwan ko si Audrey sa library, pumunta ako sa Canteen para bumili nang sandwich, dahil ayokong maiwan ng matagal si Audrey ay mas minabuti kong kainin ito habang naglalakad dahil bawal naman kumain sa loob ng library.
Nasa may lobby palang ako nang makita ko si Julius at Ashley sa may hallway hila hila niya si Ashley papasok sa Theater, walang sigundong sinundan ko sila. Nahinto sila sa gilid, hindi kalayuan sa entrance seryoso silang nag uusap habang magkaharap, minabuti kong mas lumapit pa sa gawi nila upang mas maintindihan ang kanilang pinag uusapan buti nalang at may mga poste sa bawat gilid nang entrance na siyang naging taguan ko upang hindi ako makita kahit na sino sa kanilang dalawa.
"Please stop Ash." malakas ngunit may autoridad na aniya ni Julius.
"Why I would stop? we're done Julius, I'll do what I want." maarteng tugon ni Ashley.
"Just fucking stop Ash." malakas ngunit may pagpipigil na tugon ni Julius.
Sa mga sinabi iyon ni Julius, hindi ko man makita ang mukha niya ramdam ko ang galit niya, sa sandaling iyon ramdam ko ang galit nang bawat isa sa kanila pero mas ramdam ko ang ngalay at kaba dahil anumang oras ay baka mahuli nila akong nakikinig sa kanila.

YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.