Apat na araw nang nasa bahay si Audrey, siya palagi ang kasama ko sa tuwing aalis ang mga magulang ko, o kahit walang business trip madalas andito siya.
Pupunta kami ngayon ng mall, para bumili ng regalo sa anniversary namin ni Sam, matagal pa naman pero napag isipan ko nang bumili dahil magiging busy na kaming lahat para sa finals.
"Aud heto kaya?" pagturo ko sa Balenciaga sneaker na sapatos.
"Common na yung sapatos Madi, ano ka ba." sabay balik sa hawak kong sapatos. Nasa mall kami at kasalukuyang nasa loob ng Depatment store para mamili.
"Hmm?"
"Eh kung kotse nalang bilhin mo?" sambit niya
"Aud, wala pang isang taon yung bago niyang kotse ano ka ba."
"House and Lot." pagbibiro niya
"Seryoso ka ba jan?" nakapamewang kong sabi at talagang pinakatitigan siya.
"Para sa future ano ka ba." sabay lapit sakin at niyakap ang braso ko.
"Umuwi nalang tayo." inis akong umalis sa kinatatayuan ko ngunit mabilis niya 'rin akong nahabol.
"Uy, Madi biro lang to naman." hila hila ako at pinipigilan sa paglalakad. "Uy ano ba" paulit ulit niya "Madi look!" sabay hinto ko at pinakatitigan ang tinuro niya.
Nasa harap kami ng isang glass display ng mga relos, napayuko ako upang tignan ang mga relos na nakahilera.
Iba't ibang klase ang mga naroon at talagang mamamangha ka sa ganda. Napukaw ang aking paningin sa isang relo Diving Watch kung tawagin o yung relo na maaring gamitin sa tubig.
"Ano galit galitan ka pa, napahinto ka naman sa nakita ko " patawa niyang sambit.
Binigyan ko siya nang matalim na tingin at muling ibinalik ang mata sa relo "Miss aari ko bang tignan 'yon" sabay turo ko sa relo.
"Ang ganda." pamamangha ni Audrey.
"Lalaking lalaki tignan bagay to kay Sam, Audrey."
"Hmm syempre ako pumili eh" pinagkrus ang braso at umiwas ng paningin.
"Parang hindi naman" mataray kong tugon.
Ang napili ko ay yung purong kulay itim ngunit may puting guhit na paikot sa gilid nito, madali mo rin makikita ang oras sa gabi dahil glow in the dark ito.
Bagay na bagay iyon dahil pareho kaming mahilig mag snorkeling ni Sam. Nasisigurado kong magugustuhan niya 'to.
Bago umuwi ay namili na 'rin kami ni Audrey ng sapatos, damit, bags at kolorete sa mukha. Aakalain mo talagang magkapatid kami kasi pulos parehas kami, terno sa damit pati na rin sa sapatos.
Kumain din kami sa paborito naming Chinese restaurant talagang naparami ang kain ng Dimsum dahil sobrang sarap talaga ng mga pagkain 'ron. Pumunta din kami sa supermarket para bumili ng mga kailangan namin ni Audrey sa pag gawa ng brownies, napag isipan kasi niyang mag bake mamaya.
"May bibilhin ka pa ba?" pagtanong ko matapos makalabas sa supermarket.
"Hmm, wala na uwi na tayo."
Nasa gawi na kami ng parking lot nang biglang huminto si Audrey sa paglalakad. "Aud, bakit?" pagtatanong ko.
"Si Julius?"

YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.