Nagising ako ng umaga na sobrang sakit ng ulo ko, sobrang bigat na tila ba'y may nakapatong na bato, pagtayo'y napahawak saking ulo dahil sa kirot. Pangalawang beses na tong nangyari sakin, ang una'y yung nakaraang kaarawan ko at ito ang pangalawa.
Pagkatayo ay pumunta sa restroom upang maligo. Nang matapos ay dumiretso sa baba, doon nadatnan ko si Mama na nanunuod ng tv sa sala.
"Good morning Ma" hinalikan ko siya sa pisngi "Si Papa po?"
"Maagang umalis Madi."
"Bukas pa ang uwi niya"
"Tagal pa pala." malungkot na tugon ko. Nagsimula kaming kumain at nag uusap ng kung ano ano.
Nasa kuarto na ako nang biglang tumunog ang cellphone.
Bakla, anong nangyari sayo?
Napaisip ako sa text ni Audrey, nakauwi naman ako ng ligtas ah, eh siya kaya?
Okay lang ako, ikaw paano ka nakauwi.
Naglakad malamang!
Siraulo.
HAHAHAHA
Yun lang ang huli hindi ko na siya nireplayan pa sapagkat baliw siya at sinasabi ko sa inyo Sira utak 'nun kapag hindi mo nakausap sa personal.
Nahiga ako sa kama at napatingin sa kalendaryo Sabado na ngayon bukas ay araw ng linggo June 26. "Oh my God" napatayo ako at nasapo ang aking noo. "Bukas ang wedding anniversary ng mga magulang ko."
Nasapo ko ang aking ulo pagkatayo, kailangan ko mag isip ng pwedeng gawin. "Eh kung mag dinner kaya kami sa labas,? hindi busy si Papa, eh kung surpresahin ko kaya?" pinag iisipan ko habang nakatingin sa kalendaryo.
Sa huli'y naisip ko nalamang na surpesahin sila, Dinner date ang gagawin ko para bukas. Kaya dali dali kong tinawagan si Sam upang samahan ako mamili ng kakailanganin ko para bukas, Dinner date yon na ako mismo ang magluluto.
"Ito kaya babe, o ito mas babagay to" pagdadalawang isip ko sa hawak na pasta sauce.
"Mas masarap ang Italian sauce babe"
"Heto babe, ay ito nalang para mas masarap."
"Mas masarap ang Chorizo babe."
"Fettuccine o Linguine"
"Linguine" aniya
Natapos kami sa pamimili sa ganung kalagayan ako ang magtatanong si Sam naman ang nasusunod. Dumiretso kami sa bahay inilagay sa kitchen ang pinamili at nagpahinga saglit.
"Kumain ka pa Anak" nilagyan ng isa pang hiwa ng manok ang plato ni Sam, syempre si Mama ang gumawa 'non.
"Salamat po Tita, talagang mapapadami ako ng kain ko neto."
"Walang problema ipagluluto ulit kita"
Si Babe na ata ang tunay na anak, samantalang sakin ni hindi manlang malagyan ng manok ang plato ko. nakakaselos psh.
Natapos ang hapunan at nagtungo sa sala para manuod, sa pagkakataong iyon kami nalang ni Sam ang naroon, may tinatapos lamang na trabaho si Mama sa taas.
"What do you want to watch?" pagtatanong ko "A walk to remember or The Fault in our Star?"
"Anything, pero mas prefer kong makausap ka kaysa sa manuod." paghihintong sambit niya habang inaantay niya akong matapos sa gawain.

YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.