Chapter Twenty-three

5 0 0
                                    

Hanggang sa pagbalik namin ay abala sa usapang negosyo ang mga magulang ko, halos hindi nila naramdaman ang pagbalik namin ni Zaiden.

Muling baling sakin ni Zaiden sabay abot nang isang basong tubig "Drink." aniya.

Binigyan ko muna siya nang pagtatakang tingin bago ko ito kuhain  "Just drink." muling sambit niya, kaya sa huli kinuha't ininom ko naman ito.

Minuto pa ng lumipas at mas lalo pa akong naboring, kaya mas pinili ko nalang ng mag laro sa cellphone.

"Gusto mo mag dessert?" pagtatanong ni Zaiden.

"Hindi ako mahilig sa sweets."

"Masarap ang Pudding nila dito."

"Edi kumuha ka."

"Samahan mo ako." aniya, napatigil ako sa paglalaro at inis na nilingon siya.

"Bakit ba gusto mo laging may kasama?" inis na singhal ko, mukhang napalakas ang boses ko sapagkat lumingon ang lahat sa gawi ko.

Ramdam ko ang init saking mukha sa sandaling iyon, nakakahiya baka isipin nang mga magulang ko napaka palengkera ko, kaya dali-dali akong tumayo upang hilahin si Zaiden papalayo.

"Ngayon, saan mo naman ako dadalhin?" pang-aasar nito.

"Alam mo ikaw, nakakahiya ka."

"Ako?" sabay turo nito sa sarili.

"Oo ikaw." talagang nilahad ko ang hintuturo ko sa kanya.

"Look, hinila mo ako dito tapos ako pa ang nakakahiya?"

"Kasi ang kulit mo."

"I only said it once, paanong naging makulit?"

"Ewan ang gulo mo." muli ko siya iniwan at pumunta sa buffet area.

Tama nga si Zaiden, mukhang masarap nga mga dessert rito, halos mabusog ako nang makita ang mga nakahain na panghimagas, hindi ko pa 'man natitikman pakiramdam ko ay sasakit ang ngipin ko kapag tinikman ko ito isa isa.

"Try this." gulat kong nilingon si Zaiden na no'oy may hawak nang tinidor na may nakatuhog na pudding.

"Ayoko."

"Walang lason 'to." pabirong tugon niya.

"Then eat."

"Tikman mo nga."

"Sabing ayoko, 'bat ba ang kulit mo?"

"Kung kinain mo na, hindi na sana ako nangungulit."

Para matahimik na siya, ay agad kong kinuha ang hawak niya at kinain iyon "Happy?" mautal utal kong sabi dahil sa sobrang laki nang pudding na kinain ko.

Muli akong bumalik sa lamesa, natatawa akong inabutan ni Tita Beatrice nang tubig nang makita niyang nahihirapan ako sa pag-nguya.

"Uminom ka, baka mabulunan ka niyan." tawa tawa pa 'ding aniya.

Ilang sandali pa ay ang pagbalik ni Zaiden na puno nang samo't saring dessert ang plato niya, may pudding, cake, doughnut, tiramisu at coffee jelly pa.

"Gusto mo?" sabay lahad nang plato niya.

Umiling lang ako bilang sagot, nakakagulat si Zaiden para siyang babae, bibihira lamang ang lalaking mahilig sa dessert pero siya napaka takaw niya, sa sandaling iyon pinag masdan ko lang siyang kumain at talagang takam na takam siya sa bawat subo niya hanggang sa maubos ay bilib na bilib ako sa kanya.

Lost In LoveWhere stories live. Discover now