Tumayo ako upang salubungin siya at makaupo saking tabi, agad namang kumilos si Zaiden pakaliwa upang magkaroon ng puwang para makaupo si Sam.
Agad namang pinakilala ni Audrey ang mag pinsan kay Sam, bilang pag galang ay agad ding nakipag kamay si Sam sa dalawa pero mahahalata mong wala sa mukhang interesado ito, hindi ko na 'yon pinansin sapagkat ramdam ko din ang pagod sa mga mata niya.
Agad dumampot ng beer si Sam, dali dali naman akong naglagay ng yelo sa baso para ibigay sa kanya 'yon, agad naman niyang kinuha at nilagyan ng alak, inikot ikot muna ang baso bago inumin ito.
"Hmm, uwi na tayo after ng isang bote babe." bulong ko nang matapos niya tunggain ang baso.
"Okay babe." aniya
Natahimik kaming lahat halos walang umiimik, tanging pakikinig lamang sa kumakanta sa unahan ang pinag kaka'abalahan. Maya maya pa'y tumayo si Zaiden at nagpaalam na aalis na muna siya, naiwan kaming apat si Audrey na busy at kinikilig na kausap si Julius at ako na nakatutok lamang kay Sam.
"Kamusta sa council Babe?" pagtatanong ko.
"Madami pang inaasikaso."
"Bakit kasi kailangan ikaw ang gumawa lahat?"
"Mas alam ko ang pasikot sikot ng lahat, isa pa bago lahat ng member." napayuko ako sa sinabi niya, may punto siya mahirap nga naman ang gumalaw nang wala kang alam, pero sana hindi niya inako lahat.
"Kung kasama mo lang sana ako." malungkot na tugon ko.
Hinarap niya ang gawi ko, binitawan ang basong hawak at sabay hinawakan ang mga kamay ko "Babe." pagtawag niya.
Muli kong inangat ang tingin at tumitig sa kanyang mga mata, inaantay ang susunod na sasabihin.
"I love you." aniya
Matagal na sigundo bago ako makapagsalita "I love you too." sabay sa paghigpit na hawak ko sa kamay niya.
"Baka naman matunaw kayo jan." panahaw na tugon ni Audrey "Madi samahan mo ako sa restroom" aniya.
Sa isip ko'y napaka epal ni Audrey minsan na nga lang kami magkita't magsama ni Sam pinigil niya pa yung moment na meron kami sa oras na iyon. tss
"Epal ka, alam mo ba 'yon?" sambit ko habang naglalakad kami papuntang restroom.
"Nako tigilan mo nga ako Madison."
"Sa totoo lang naawa na ako sa kanya, lagi nalang siya pagod." ramdam ang lungkot saking dibdib.
"May Ashley siya, bakit hindi niya utos utusan." aniya
"Halos lahat kasi siya ang gumagawa."
"Feel na feel niya ang pagiging pangulo huh."
Hindi ko alam kung sa anong paraan para makatulong ako kay Sam, kahit ako ay nahihirap gusto ko man siyang tulugan ay wala akong kakayahan isa pa pasyadong mahigpit si Miss Eliz sa Council, gusto niya masiguradong detalyado ang report sa kanya ni Sam bawat araw.
Pagkalabas ni Audrey sa cubicle ay siya ding labas ni Ashley sa kabilang pinto, hindi ko pinahalatang nagulat ako bagkos tuloy lamang ako sa paghuhugas ng kamay, ngunit pinakatitigan ito ni Audrey mula sa salamin pati ang paghugas nito ng kamay, kahit ang mag retouch ng abubot sa mukha.
"Huwag ka mag alala hindi ko naman pinapabayaan si Sam." aniya habang pinupusan ang kamay.
"Dapat lang naman kasi trabaho mo 'yon." mabilis na tugon ni Audrey "Bilang sekretarya." pinagdiinan ang huling sinabi sabay duro kay Ashley ng hintuturo.

YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.