Chapter Seventeen

8 1 0
                                    

Unang nagsalita si Miss Elis, inanunsyo niya  ang pagparito nila at pinakilala isa isa ang mga kasama sa harapan muling baling kay Sam upang ianunsyo ang magaganap sa darating na College Week.

"Good morning guys, for upcoming College week our Department will be having two projects, first is the Flairtending Competition, second is the Cooking Fest." ani ni Sam

Namangha ang karamihan sa narinig, samo't saring kumusyon at bulungan na ang lahat.

Pinaliwanag din ni Sam na ang Flairtending ay para sa mga HRM Students na may kakayahan o marunong sa pag gamit ng Flair Bottle, at bukod 'don ay may alam sa pag gawa ng cocktails.

Tulad nang nakaraang taon ganun pa din ang mechanics ng Cooking fest pero ngayong taon German Cuisine ang tema.

Muli kong nilingon si Audrey pero ganun nalamang siya ka tutok sa mga taong nagsasalita sa harapan.

Nang matapos sa pag aanunsyo ay muling nagsalita si Mr. Cruz "Inaasahan ko ang ilan sa inyo ay makikilahok sa mga proyektong ito."

Hindi na sila nagtagal at sabay sabay na rin lumabas ng klassroom, kumaway pa muna sakin si Sam bago lumabas.

"May alam ka ba sa German Country?" pagtanong ko habang tutok sa libro ang mga mata.

"Hmm, wala eh." sabay hinawi niya ang libro pababa upang makita ang mukha ko "Library?" dagdag ni Audrey.

"Okay after class."

Natapos ang pang umagang klase na puro long quiz ganun naman palagi kapag papalapit na ang finals para sa unang semester.

Sabay sabay din kaming kumain sa canteen, nag kwentuhan, nag asaran hanggang sa mag uwian ganun ang nangyari. Dumiretso kami ni Audrey sa Library para mag research tungkol sa German Cuisine, kumuha kami ng iba't ibang detalye 'don.

Madilim na nang matapos, sabay kaming lumabas ng library ni Audrey, madalas sabay kaming pumunta sa parking lot ni Audrey pero nitong mga nakaraang araw ay madalas na siyang magpaiwan sa lobby.

Kibit balikat ko nalang siyang iniwan dahil alam kong inaantay niya lang din si Sophie. Nasa parking lot na ako sa tapat ng kotse ko nang may nakita akong papel na nakaipit sa windshield wiper ng sasakyan.
Lumapit ako at pinakatitigan ko ito.

GET LOST

Lumingon ako sa paligid pagtapos mabasa ang nakasulat, hindi ko alam kung para saakin ba ito o nagkamali lang ng sasakyan ang naglagay nito.

Binaliwala ko nalang ito at muling pumasok sa kotse, hindi ko kasabay ngayon si Sam dahil hanggang gabi pa ang klase niya.

"Madi, nariyan ka na pala." bungad sakin ni Mama nang makapasok sa pinto.

Lumapit ako upang halikan siya at yakapin "Si Papa po?"

"Nasa taas anak, may inaasikaso lang." aniya "Magbihis kana at tulungan mo ako maghanda ng hapunan." pagtuloy niya.

Tumango ako bilang sagot, umakyat ako upang magligo't magbihis, nang matapos ay agad akong bumaba para tulungan si Mama sa kusina, ako ang taga hiwa sa mga sangkap at siya naman ang taga luto.

Salo salo naming pinagsaluhan ang hapunan, napuno iyon ng tawanan at kwentuhan, sa dami ng kwento ni Papa talagang mapapadami ka nang kain.

Matapos kumain ay nanuod kami ng Movie sa sala, 'don napuno nanaman ng tawanan imbis kasi na manuod ay panay hula ni Papa sa ending ng story kaya sa huli ay nagdesisyon nalang kaming umakyat sa kanya kanyang kuarto.

Lost In LoveWhere stories live. Discover now