Chapter Thirty

3 0 0
                                    

Ilang sandali pa ay ang pag pasok ni Audrey "Opps wrong timing ba?" aniya.

"Oo eh." bulalas ko pero sa halip na mahiya, itong si Sam ay mas lumapit pa sakin at niyakap ako ang loko talagang gusto pa ang ginagawa.

"Nako, kayong dalawa jan gawin 'nyo yan kung walang mga bisita huh." kumuha siya nang unan at pinagpapapalo kami ni Sam.

Sa ganung situasyon mas lalo pang humigpit ang yakap ni Sam sakin para  maharangan niya ako at hindi sakin dumapo ang hampas ni Audrey "Aray Audrey tigilan mo na." ani ni Sam

"Umayos kayong dalawa huh." bulalas pa nito.

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Sam "Nako babe, tara na nga inggit lang yan kasi wala rito si Julius." pang-aasar ko.

"Hindi 'no." malakas na sigaw niya, muli niya pa kaming pinalo ni Sam nang unan bago kami tuluyang iwan nito.

Sabay kaming nagtawanan ni Sam, mas malakas para nakakainsulto pagkatapos 'nun ay sabay din kaming pumunta ng garden, bilang lang ang bisita, lahat sila ay matatalik na kaibigan ni Papa at Mama kaya hindi naging mahirap para saamin ang pag prepara nang lahat.

"Madi, here." napalingon ako sa malakas na sigaw ni Sophie, ayon at naroon sila sa couch kung saan kami madalas maupo kasama niya ang nakabusangot na si Audrey.

"Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa, inantay ko kasi si Audrey kaso ang tagal niya bumalik kaya mas natagalan pa ang pagkain." aniya.

"Nako, 'wag mong intindihin yang pinsan mo dapat kumain kana kahit wala siya." pang iinsulto ko ang mata'y nakay Audrey.

"Ano bang nangyari jan at ganyan na yan nung bumalik?"

"Inggetera na yang pinsan mo Sophie." pabulong at talagang matalas pa rin ang pandinig nang loka kaya mas lalong kumunot ang noo.

Maya maya pa tumayo si Audrey at sinadyang sa gitna namin ni Sophoe dumaan "Tara na kumuha na tayo ng pagkain." aniya sabay ang hila nito sa pinsan niya natatawa man kami ni Sophie ay hindi na namin pinahalata para hindi na mas lalong magalit pa si Audrey.

Nagsimula nang kumain ang lahat, ako ma'y walang humpay ang pag rerefill nang pagkain sa buffet area dahil busy na rin sila Mama at Papa sa pakikipag usap sa mga bisita, tinulungan ko na din ang mga kasambahay namin sa pagliligpit nang ibang kalat para mamaya ay kaunti nalang ang liligpitin.

Samo't sari na rin ang alak sa kanya kanyang lamesa kaya ang iba ay lango na rin sa alak, pero itong kaibigan ko ay hindi papatinag pana'y ang tunga pa din sa alak kahit na lasing na.

"Sophie lasing na si Audrey, papahatid ko nalang kayo kay Sam huh."

"Hindi ayoko." pag mamatigas ni Audrey.

"Lasing kana hindi mo na kaya mag drive."

Hawak ang bote nang alak kasabay ang pag tayo at pag pigil sakin "Oh come'on Madison Blake, I have Julius remember?" aniya

"Okay fine! tawagan mo na at ipapahatid ko na kayo." muli ko siyang inupo, agad naman niyang kinuha ang cellphone niya sa mini bag niya at sinimulang i-dial ang number ni Julius, pero naka ilang ulit pang pag-dial ay walang Julius na sumagot.

Sinenyasan ko si Sam na alalayan na si Audrey sa kotse at ihatid na ito, nagpaalam na din si Sophie sa mga magulang ko na aalis na sila at hindi na rin magtatagal.

"Babe drive safe okay?" ani ko

"Sophie thank you for coming." sabay halik at yakap sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost In LoveWhere stories live. Discover now