Kakatapos ko palang maligo at kasakukuyang naupo sa harap ng salamin upang mag ayos ng aking sarili.
Naglagay ako ng kolorete saking mukha na babagay sa party, sinuot ko ang dress na bigay sakin ni Mama nung nakaraang kaarawan ko.
Nagsuot ako ng palamuti.
Hikaw na bigay ni Sophie at Necklace na bigay sakin ni Babe. Sa madaling salita karamihan sa suot ko kay regalo lamang sakin. Pang huli ay ang two inches kung high heels na sandals binili ko iyon sa online nung nakaraang linggo lamang, at para sa aking mahabang buhok kinulot ko iyon at talagang bumagay iyon sa akin.Pinanuod ko ang aking sarili sa salamin tinignan ang aking kabuuan, masasabi kong napakaganda ko sa gabing ito.
"Madison?" pagtawag ni Mama sa pintuan.
pumasok siya at inayos ang ilang hibla ng aking buhok saking dibdib.
"Napakaganda mo anak." sambit niya
"Sus, ma syempre kanino pa ba magmamana sayo lamang." naka ngiting tugon ko sa kanya.
"Halina't sa baba naroon na ang ibang bisita, salubungin mo ang iba pa at aasikasuhin ko ang mga pagkain." ani niya
Sabay kaming bumaba ni Mama at tulad ng napag usapan ay sa may bandang gate ako pumuwesto para sa pagpasok ng mga bisita ay dali dali ko silang mabati at maalalayan sa kanilang uupuan.
Kakaunti lang ang bisita, mga matatalik na kaibigan ni Papa sa trabaho, ibang kamag-anak namin, kaibigan ko at wait isama mo pa ang ibang chismosang kapitbahay namin na medyo close kay Mama.
Maya maya lamang ay natanaw ko na ang mga Chavez si Audrey at ang kanyang pinsan na si Sophie, dala ni Aud ang cake na binaked niya para kay Papa, agad ko syang sinalubong ng may ngiti saking mga labi.
"Chavez !" pagtawag ko sa kanila
"Ikaw uupakan kita jan eh, buti at kami lang dalawa ni Shopie, kung kasama ko pa ang angkan ko ay lumingon na lahat sayo, siraulo." angal niya.
natatawa ko siyang tinapik, kinuha ko sa kanya ang box ng cake at diniretso ito sa buffet area kung saan dun nakalatag ang iba pang mga pagkain.
Matapos nun ay nahagip ng paningin ko si Babe na nuon ay sa akin ang gawi niya.
"Babe." sambit ko.
"Di pa naman ako late diba? tanong niya.
"Late! ang sabi mo ay 7pm, 7:35 na babe. Pero okay lang ang importante andito kana." nakangiting sabi ko.
Dumiretso kami sa sa gitna ng Garden kung saan andon si Mama at Papa na masayang nakikipag-usap sa mga bisita.
"Magandang Gabi po. Happy Birthday po Tito." pagbati niya.
Magiliw siyang niyakap ng aking Nanay at sinabayan iyon ng pag yakap sa kanya ng aking Ama. Sabay binigay ni Sam ang kanyang regalo na binili namin kanina sa Mall.
At tulad ng inaasahan ko ay nakangiti niya iyong binuksan at tumambad sa kanya ang isang bote ng White Wine, tuwa niyang niyakap ulit si Sam at nagpasalamat. Ang di ko inaasahan ay ang sumunod na pangyayari pinakilala niya si Sam sa mga kaibigan at Katrabaho niya.
"Kumpare!! Sam Clifford ang nobyo ng aking anak at soon to be son-in-law ko." pagkukwento niya
Nasapo ko ang aking noo sabay nun ay ang paghawak ko sa baywang ko, makikita sa mukha ng aking Ama na masaya siya at ayokong masira iyon. Lumapit ako sa gawi nila para himasin ang likod ni Papa at sabihing mag hulos dili siya, masyado pang maaga para roon.

YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.