Chapter Six

14 2 0
                                    

Isa sa mga madalas naming gawin ay ang mag sleep over, minsan sa bahay namin o kaya kina Sam depende sa napag desisyunan. Isa ito sa mga paraan namin para maibsan ang lungkot o kaba.
Halimbawa nalamang ang tungkol sa botohan, sapagkat bukas na ang anunsyo ng kabuuang bilang ng boto para sa HRM Council at para hindi muna namin iyon isipin magdamag ay minabuti naming magsaya at mag aliw. Sa ganuung paraan ay walang iisiping kaba sapagkat puro kasiyahan lamang ang iisipin.

Nagpunta kami sa kusina upang magsimulang magluto, may kanya kanya kaming pwesto roon, busy sa kanya kanyang gawain nagkakabungguan 'may kibit balikat lang para matapos na.

Alas otso na ng gabi nang matapos kami sa pagluluto. Naisipan naming sa rooftop nalang gawin ang sleep over, nagtayo kami ng tent na siyang magiging tulugan namin.
Naglatag ng tela sa sahig na siyang magiging upuan. Malawak ang rooftop na iyon kasya ang benteng katao roon kaya mas malaki ang espasyo ngayon at malayang makakagalaw.

Naglatag kami ng maliit na lamesa upang doon ilagay ang mga pagkaing niluto. Nang matapos sa paglatag ay iyong camera naman ang inayos ni Audrey, kinalikot niya iyon, inilagay sa gilid at hinayaang nakatutok sa amin. Naka set iyon ng timer, may oras para sa video at may oras para sa pagkuha ng letrato.

Makikita mo ang mga punog nagsasayaw dahil sa pag-ihip ng hangin, malalanghap mo ang preskong at malamig na hangin na talaga namang mapapapikit ka kapag tumama ito sa balat mo. Mula sa itaas ay matatanaw mo ang buong kabuuan ng lugar. Talaga namang nakakawala iyon ng stress at perfect ang lugar na iyon para sa mga puso naming kabado.

"Ang ganda" nakatingala kong pinag masdan ang kalangitan. Nasa isip kung paano ito kumikinang ng napakaganda.

"Pero mas maganda ka pa ri'yan babe." papalapit na sambit ni Sam. Nilagay niya ang mga kamay sa'king baywang at sabay tiningala ang langit.

"So, ano ang papel ko dito? iritang sigaw ni Audrey habang naka krus ang mga braso. "Tigilan niyo yan, nag mumukha akong katulong rito". kasalukuyan kasi niyang inaayos ang mga pagkain sa lamesa.

"Mag boyfriend kana din kasi, para hindi ka dada ng dada ri'yan" ngiti kong sambit sa kanya. Dumiretso kami sa gitna at naupo.

Sakto ang pagdating ni Sophie at Erika, napalingon kong hinanap si Vivian ngunit yun nalang ang lungkot na naramdaman ko nang sabihin ni Sophie na hindi ito makakasama sapagkat may sideline pala itong trabaho sa gabi. kulang kami

Naupo na ang lahat at nagsimulang kumain.

"Wow, bilib talaga ako sa inyong dalawa. Sobrang sarap nito" paghanga niya sa baked mac at sa beef steak na kinakain niya.

"Pwede na bang mag-asawa Sophie" ani ni Sam

"Hay nako, bukas na bukas na mismo, para naman mainggit tong pinsan ko at maghanap na din ng boyfriend" biro niya.

Gigil siyang lumingon "Ay talaga ba, nakakahiya naman talaga sayo Sophia eh parehas lang naman tayong walang boyfriend."

"Well, soon." ngiting tugon kay Sophie

"Congrats in advance." tugon ni Audrey habang kumakain ng Barbeque.

"Salamat Aud, hayaan mo ipapakilala kita sa mga hot ni'yang kaibigan." masayang tugon ni Sophie.

Halos lahat kami ay hangad nang magka boyfiend si Audrey, napapadalas na din kasi ang pagiging iritable 'nya.

Masaya kaming nagkwentuhan kasabay 'non ay ang pag tunga sa kanya kanyang baso, nagpapakalunod sa alak. Nang kalaunan ay nagkantahan na't nagsayawan magiliw at nagkakaisa sa saliw ng kanta.

Lost In LoveWhere stories live. Discover now