Maaga akong nagising kinaumagahan, naligo't naghanda nang almusal. Basta ko nalamang iniwan ang bahay na hindi nagpapaalam sa mga magulang ko, ayokong istorbuhin pa ang tulog nila dahil alam kong pagod sila.
Hindi na rin ako nagpasundo pa kay Sam, nasabi ko namang maaga akong pupunta sa school ngayon doon na lang kami magkita. Nag taxi lang ako papasok dahil sasabay ako kay Sam mamaya pauwi.
Sa sobrang aga ko ay iilan palang kaming nasa school, sobrang kakaunti palang ang mga tao sa lobby. Inisip kong umakyat na sa unang klase ko, nakakatuwang napakatahimik 'don ako palamang ang unang estudyante. Kaya kinuha ko nalang ang libro ko at nagbasa basa, natigil nalamang ako nang magbukas ang pinto.
Nakita ko ang papasok na Zaiden, nasisigurado kong mali lang siya nang classroom na napasukan, dahil hindi hindi ko siya kaklase sa lahat ng subject.
Walang emosyon o salita manlang na lumabas sa kanyang bibig, naglakad siya sa gawi ko at naupo malapit sa kinauupuan ko, dalawang upuan ang pagitan namin. Tinignan ko lamang ang kilos niya matapos kumuha nang libro at nagbasa din.
Taka taka kong binasa ang librong nilabas niya Feasibility Study kunot ang noo kong nilingon siya, sa pagkakataong ito ako nanaman ang mali dahil pang hapong subject ko pa iyon.
"Wrong room?" aniya
"Room 102"
"Nasa room 101 ka, Rizal Hall." natatawa niyang sambit.
Hindi ako nakapag salita, halos hindi nanaman ako makagalaw sa kahihiyan, isa pa ako ang mali pero 'bat parang pag dating sa kanya mali ang magkamali.
"Maaga pa naman mag stay ka muna."
"Hindi na." muli kong binalik ang libro saking bag at akmang maglalakad na nang makita ko ang paglingon niya sa akin.
"Dito ka muna, wala akong kasama" aniya
Hindi ko malaman kung muli ba akong uupo o lalabas nang tuluyan, pero nakita ko nalamang ang sarili kong umupo muli.
"Natatakot ka ba?" sambit ko
Natawa siya bigla, hindi lang tawa halakhak ang ginawa niya "Hindi ako takot." aniya habanv hawak hawak ang tiyan.
"Eh bakit gusto mong may kasama?" iritang sabi ko
"Gusto lang kita kasama, hindi naman siguro masama 'yon, isa pa maaga pa mag isa ka lang din sa kabilang room." paliwanag niya.
Nakikita ko sa kanya si Audrey, palabiro, sira ang ulo at weird. Minsan sarap ihagis sa sobrang ka perfectionist. Hindi ko na nagawa pang magsalita salong baba ko nalang tinignan ang pagbabasa niya ng libro.
"How about Julius?" tanong ko nang makitang ilipat ang pahina ng libro.
"What about him?"
"Nasan siya?"
"Siguro nasa ibang building? medisina ang kurso niya."
"Nabanggit nga ni Audrey."
"Bakit mo naitanong." aniya
"Curious lang ako."
"Type ng pinsan ko ang kaibigan mo."
Napatigil ako nang marinig iyon, kahit siya ang napatigil sa pagbabasa ng libro, minuto nang muling manumbalik ang katinuan, doon nagsimula nang nagsipasukan ang iba pang estudyante, gusto ko pang makipag kwentuhan kay Zaiden ngunit masyado nang madaming tao kaya tumayo na ako upang umalis.

YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.