"Can we talk?" dagdag niya.
Walang salitang lumabas saking bibig, kundi pumasok ako sa gate, sinundan naman niya ako hanggang sa marating namin ang garden. Naupo ako sa bench habang siya ay nakatayo saking harap.
Wala pang ilang minuto ay naroon na ang kanyang mukha saking tuhod habang hawak ang dalawa kong kamay.
"Babe sorry." aniya kasabay ang pagtulo nang kanyang mga luha.
"Hindi mo kailangan umiyak Sam."
"Sorry Babe, kung napapadalas nawawalan na ako nang oras sayo, pero hindi ibig sabihin 'nun ay kinalimutan kita." pagpapaliwanag niya.
"Kahit busy ka naman noon ay nagagwa mo pa akong puntahan, kausapin at kamustahin." ani ko.
"Alam mo naman kung gaano ka-busy sa council, sobrang daming ginagawa sumabay pa ang finals exam."
"I understand, gusto ko lang klaruhin Babe na ako dapat ang gumagawa nang mga bagay na ginagawa ni Ashley." paliwanag ko "Ako ang magdadala nang pagkain sayo simula bukas."
"Okay Babe sorry."
"At walang ibang sasagot sa phone mo kundi ikaw lang." pagmamatigas ko.
Tanging tango lamang ang naisagot niya sakin at tsaka niyakap ako. Sa paraang nakausap ko siya at nagkaintindihan na kaming dalawa ay talagang gumaan ang pakiramdam ko hindi man lubos na malinaw ang lahat alam naman ni Sam ang kasalanan niya, at okay na ako 'dun.
Ilang oras pa kami nagtagal sa garden bago umuwi si Sam, napag usapan na din namin ang tungkol council kung ano ang kanilang plano para sa College week at sa darating sembreak.
Nahiga ako sa kama at kinuha ang aking cellphone muli kong tinawagan si Audrey ngunit hanggang ngayon ay nakapatay pa rin ang telepono niya. Hindi parin maalis saking isipan na nasa Hotel silang dalawa ni Julius ngayon. Dinner na ganito katagal? gaano ba karami sila kumain at ang tagal nilang kumain!?.
Ilang beses ko pa din tinawagan si Audrey pero bigo pa din ako, kaya sa huli ay pinilit ko nalang matulog, pero muling tunog nang aking cellphone. Pangalan ni Sam ang bumungad sakin.
Hello.
Bakit gising ka pa?
Patulog na din babe, ikaw bakit gising ka pa?
Iniisip kita, susunduin kita bukas huh!
Okay, antayin kita. Anong gusto mong lunch bukas?
Hmm ikaw na bahala babe.
Okay, pork steak babe.
All time favorite babe. Miss ko na din yun
Sige yun nalang lunch natin bukas, sleep na tayo babe.
Okay babe, I love you Good night.
I love you, Good night.
Sa huli natapos ang araw na nag kaayos kami ni Sam. Muli ako nag ayos sa pagkakahiga at ipinikit ang mga mata.
Nagising ako sa maingay na tunog nang alarm clock, hudyat na iyon na kailangan ko nang bumangon upang magluto at mag asikaso para sa pagpasok. Pumasok muna ako sa bathroom upang maghilamos at magsipilyo, pagkatapos ay dumiretso na ako sa kusina.
Una kong sinilip ang refrigerator, nilabas ko ang lahat nang pwede kong magamit na ingredients sa pagluluto. Bago magsimula ay inihanda ko muna lahat nang kasangkapan na aking gagamitin. Nang handa na ang lahat sinimulan ko ang pag saing nang kanin sa rice cooker, sinunod ko ang paghihiwa nang kasangkapan, matapos mahiwa ay agad ko din niluto ang mga ito.
YOU ARE READING
Lost In Love
Ficção Adolescente( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.